CHAPTER TWENTY THREE

111 18 0
                                        

CHAPTER TWENTY THREE

Pumasok ako sa aming classroom pagkatapos sa nangyari doon sa club. Hindi na ako nag-aaksaya nang oras upang kumain. Wala din naman akong pakialam at hindi rin ako nagugutom. Paano nga ba ako makakain kung ganito ang nararamdaman ko? Walang sino mang maniwala sa akin.

Umupo na ako sa aking upuan at nakita ko namang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Yesha nang makita niya ako subalit hindi ko na lamang siya pinansin.

"Okay ka lang?"

Napalingon ako sa kanya dahil sa tanong niy

"Oo naman" nakangiting pagsisinungaling ko

I'm a good actress. Aba! sino naman kaya ang magiging masaya kung hindi ka paniniwalaan ng mga tao hindi ba? I already know the feeling of Yesha. Mahirap din pala ang mga nararanasan niya. She always talk about ghost at walang sinumang naniwala sa kanya. Noon, I used to ignore her pero hindi ko alam na mararanasan ko rin pala ang nararanasan niya. Tss. Bakit ba kasi sa amin lang nagpapakita ang mga multo? Ayan tuloy napagkamalan kaming mga baliw. Nakakainis.

Habang umupo ako sa aking upuan na nagmamaktol, nakita ko si Claire na pumasok sa loob ng aming classroom. She look at me kaya naman ay iniiwas ko agad ang aking mga paningin sa kanya. I don't need people who don't even believe me. Tss.

                              ~*~

Pagkatapos ng klase ay inaayos ko na ang mga gamit ko ngayon at pagkatapos ay lumabas sa aming classroom. I didn't bother to look back kasi ayaw kong makita ang pagmumukha ni Claire. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa nakita ko si Heaven na naghihitay sa akin sa garden. Mukhang hinihintay niya rin siguro sina Reyl at Daryl na hindi pa dumarating.

"Heaven" tawag ko sa kanya at napalingon naman siya sa akin

"Uy! Althea nandito ka na pala" nakangiti niyang tugon

Ngumiti rin ako sa kanya ng plastic.

"Pakisabi sa kanila na hindi muna ako sasabay sa inyong umuwi ngayon. May importante pa kasi akong pupuntahan" pagsisinungaling ko pero mukhang naniniwala naman siya sa sinasabi ko

"Gano'n ba? Kung importante talaga iyan, sige ako nalang ang bahalang magsasabi sa kanila" ani niy

"Salamat Heaven" ani ko

Pagkatapos kung makipag-usap kay Heaven ay umalis na ako sa garden. Hayss. Saan nga pala ako pupunta? Actually nagsisinungaling ako kay Heaven na may importate pa akong pupuntahan. Ang totoo, I avoided Reyl. Nakakainis kasi! hindi man lang nila ako pinaniniwalaan kanina. Eh, nagsasabi lang naman ako ng totoo.

I decided to go in the library. Medyo bata parin naman ang oras kaya pumunta muna ako sa library ng paaralan namin. Well, this is my first time to go here in the library. Naghahanap ako ng mga libro about sa mga balitang naganap noon. Tama bang pinupuntahan ko ang library?

Well, mukhang wala naman dito ang hinahanap ko. Tama! ang journalism members ang kailangan kong puntahan. Pero hindi ko pa Naman nasagot ang kanilang mga tanong Kaya hindi maaari. Baka mamaya ay susugurin na naman nila ako dito. Hindi pa ako handang sagutin ang kanilang mga tanong. Sayang! Natitiyak kong mukhang may konti silang nalalaman tungkol sa pagkamatay ni Aleah. 'Di bale nalang, aalis nalang ako dito sa library dahil wala rin naman akong mahahanap dito. Someday, ako ang lalapit sa kanila upang ipahayag ang katotohanan. I promise.

Umalis na ako sa loob ng library. Napansin ko namang tiningnan ako ng librarian at pinagchichismisan na naman ako ng mga estudyante bago ako lumabas ng library. Tss..

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon