CHAPTER FIFTEEN

98 17 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

Pagkarating na pagkarating namin sa bahay ay walang sinumang gustong magsalita. Lahat kami ay tahimik lamang habang umuupo sa sala. Si Chloe lamang ang nagpasyang mag-ikot ikot sa loob ng sala.

"May ibang itinatanong pa ba sila tungkol sayo?" tanong ni Reyl na direktang nakatingin sa mga mata ko

Hindi ko siya sinagot. Iniwas ko na lamang ang paningin ko sa kanya. Kung sasabihin niya sana ang dahilan kung bakit ayaw niya akong pasasagutin sa mga magtatanong ng mga tao sa akin, edi sana hindi siguro ako ganito ka lito ngayon.

"Sino ba 'yong mga 'yon?" singit ni Daryl

Tiningnan ko lamang siya at hindi sinagot

"They are the members of the journalism club" sagot ni Heaven sa kanya dahil hindi ko sinagot si Daryl

"Ows! so, para kang artista ngayon Althea" sarcastic na tugon ni Daryl sa akin

Sinamaan ko siya ng tingin. Maswerte siya at hindi ko gustong makipag-away ngayon dahil kung hindi, kanina ko pa siya pinagtatarayan.

"Ano ang tinatanong nila sa'yo?" Ulit ni Reyl

"Sabi nila, nais daw nila akong interviewhin" walang ganang sagot ko

"Wow parang artista lang" pang-aasar Naman ulit ni Daryl

"Pwede ba tumahimik ka?!" Inis na tugon ko kay Daryl kaya naging dahilan upang tumahimik siya

"Hindi ako pumayag sa pakikiusap nila sa akin dahil I want privacy" patuloy ko

"Mabuti naman" sagot ni Reyl na nakatitig parin sa aking mga mata. Tinititigan ko rin siya at binabasa ang kanyang mata na natakpan sa kanyang eyeglasses. Mukhang may nais siyang iparating sa akin. Ano kaya iyon?

"Oh well, kumusta ang pag-aaral mo sa lugar na ito Althea, maganda ba?" makahulugang tanong ni Daryl

Napipikon na talaga ako sa lalaking ito. Kanina ko pa pinagtatarayan subalit lagi naman akong inaasar. Nakakainis!

Maya maya ay napalingon kami kay Tita Veronica na papalapit sa amin. Tanging takong lamang ng kanyang sandal ang naririnig namin noong siya'y lumapit.

"Alam kong nagugutom na kayo dahil galing pa kayong paaralan. Magbihis muna kayo at sabay na tayong kumain sa kusina pagkatapos. Tapos narin namang magluto ang mga maids natin" tugon niya sa amin kaya sabay sabay na kaming nagsitayuan upang makapagbihis at makakain.

                     

                            ~*~

Pagkatapos naming kumain ay kanya kanya na kaming nagsitayuan at umalis na sa kusina. Nagtungo ako sa aming terrace at tumingin tingin sa mga bituin sa kalangitan. Kay sarap ng simoy ng hangin dito.

"Althea, can we just talk for awhile?"

Napalingon ako kung sino ang nagsasalita sa aking likuran at nakita ko si Reyl. My cousin. Nope, not literally my cousin dahil adapted child lamang siya ni Tita Veronica kaya hindi ko talaga siya kadugo.

"Anong nais mong sabihin?" direktang tanong ko sa kanya

"Do the students in the school talks about you?" tanong niya

Hindi ako sumagot sa kanyang tanong. Anong pakialam niya?

"Do they say some nonsense words about you? Answer me!" iritang tanong niya

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon