CHAPTER TWENTY TWO
Nasa loob ako ng aking classroom. Tahimik lamang akong tumabi kay Yesha. Wala rin akong pakialam sa mga classmates kong nagbulong bulongan na naman tungkol sa akin.
Nasa malayo ang aking isipan ngayon. Maya maya ay nakita ko namang dumating si Claire sa loob. Nagkatinginan kami sandali at pagkatapos ay iniwas namin ang aming mga tingin sa isa't-isa. Umupo na siya sa kanyang upuan. Tiningnan ko sa aking relo kung anong oras na at nakita Kong 8:30 na pala ng umaga pero bakit hindi pa dumating ang guro namin?
"Yesha alam mo ba kung bakit wala pa ang guro natin?" kulbit ko kay Yesha
"Nagpaalam sa amin si Ma'am kanina na mukhang matatagalan daw siya sa pagpasok dahil may aasikasuhin daw siya sandali" ani niya
"Ganun ba? sige salamat sa pagsabi"
Napabalik ang aking atensyon sa aking sarili. Naalala ko ang pag-uusap namin kanina ni Aleah. Talagang magkamukhang magkamukha kami. I can't really believe it. Hanggang ngayon, kahit marami mang magsasabi na may kakambal ako, pero feeling ko, ang lahat ng mga pangyayari ay panaginip lamang. Isang napaka-impossibleng pangyayari. May kakambal akong multo? The heck. Nakakatawang pakinggan.
"Althea"
Napalingon ako kay Yesha nang tinawag niya ang pangalan ko
"Ano?" tanong ko at napataas ang aking kilay
"May ginawa ka ba?"
Napakunot ang aking noo sa tanong ni Yesha sa akin.
"Wala naman tayong ginawa dahil hindi pumasok ang guro natin. Bakit may dapat ba tayong gagawin?" tanong ko sa kanya na mukhang naweirduhan sa kanyang tinanong
"Hindi. Hindi yan ang ibig kong sabihin" pag-iling iling niya
"Kung gano'n, ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko na naguguluhan sa sinasabi niya
"Ang ibig kong sabihin, may ginawa ka ba sa inyo kagabi?"
"Ha?"
"Hindi ko kasi nakikita ngayon ang babaeng laging nakasunod sayo" ani niya
Bigla akong nabuhayan sa kanyang mga sinabi.
"Talaga? Mabuti naman kung ganun" masaya konv tugon sa kanya
"Paano mo napaalis ang babaeng 'yon?" tanong niya
"Hindi...Hindi..ko alam. Napagod na siguro yun" ani ko
Hindi naman siya sumagot sa sinabi ko kaya hinayaan ko na lamang siya. Hindi ko rin alam kung bakit biglang nawala si Aleah. Wala naman akong ibang ginawa sa kanya kundi ang kausapin siya kanina.
Nagmamakaawa ako sa kanya na huwag niya na akong sundan. Pero teka nga, baka naman kasi guni guni ko lang talaga ang mga pangyayari. Paano nga ba ito nangyaring may kakambal ako? Nakakainis naman!
Maya maya ay dumating na ang aming guro kaya nagsimula na kaming tumayo upang batiin ito.
Pagkatapos ay bumalik narin ulit kami sa pag-upo.
"I'm sorry. I'm late for this day class. May inaasikaso pa akong importanteng bagay" tugon ng guro namin kaya tumango tango naman kami
"I heard about Ms. Rodriguez kanina. Okay ka na ba ngayon?" Lumingon siya sa akin habang tinatanong ako
"Opo" tumango tango ako sa kanyang itinanong. Nagpautuloy na lamang siya sa pagdiscuss. Mabuti naman kung gano'n. Walang nakakaalam kahit isa na nagdadrama lang ako kanina except sa mga members ng detective club. I feel so great!
BINABASA MO ANG
The Unfinished Case [COMPLETED]
HorreurIba't ibang salita. Iba't ibang komento. Iba't ibang ingay ang aking naririnig simula noong lumipat ako ng lugar. Lahat sila'y natatakot sa akin. Lahat sila'y umiiwas sa akin. Lahat sila'y nagagalit sa akin. Walang sinuman ang handang makikinig sa...
![The Unfinished Case [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/189053614-64-k879576.jpg)