CHAPTER FOUR

142 20 0
                                    

CHAPTER FOUR

 "May sekreto ba kayong hindi ko nalalaman? Saan ako napagkamalan?" dahil sa tanong ko ay nakapagpadala ito sa kanila ng gulat.

Hinihintay ko silang sumagot sa tanong ko pero walang ni isa man ang sumagot. Biglang tumahimik ang lahat.

 "Pumasok na kayo sa inyong mga kwarto at matulog na rin" may biglang nagasalita sa aking likuran kaya naman ay napalingon ako kung sino ito. Walang iba kundi nakita ko si Tita Veronica.

 "Pumasok na kayo sa inyong mga kwarto. Gabi na at kinakailangan niyo nang matulog" saad niya sa amin

Hindi tuloy nila nasagot ang aking katungan.
 

Tss. Tiningnan ko ang wall clock na nasa dingding at nakita kong its already 9:15 in the evening. WHAT? 9:15? seryoso ba sila? Matutulog? Like.. Err.. ang bata bata pa ng oras.

Nakita kong nagsitayuan na ang lahat at mukhang aalis na yata sila sa sala kaya naman ay tumayo nalang din ako. Alangan namang magpaiwan ako dito diba? Ganito ba talaga sila kabait para matulog ng maaga? Ako nga dati, halos mga madaling araw na bago ako matutulog. Tss. Lumakad na lamang ako patungo sa aking kwarto dahil wala naman along ibang magagawa. 

Maya maya ay bigla akong tinabihan ni Reyl kaya medyo nagulat ako.

 "Huwag mong kalilimutan na I lock ang pinto ng iyong kwarto kapag matutulog ka" mahinang tugon niya sa akin at pagkatapos ay umalis na sa tabi ko.

Naglalakad na siya patungo sa kanyang kwarto. Naiwan Naman akong nakatulala dahil sa sinabi ni Reyl. 

Bigla tuloy akong kinabahan ng wala sa oras. Anong meron? May mangyayari ba? Tss. Mag-isa akong pumasok sa aking kwarto. Hindi ako mapakali sa sinabi ni Reyl sa akin kanina kaya pagpasok na pagpasok ko pa lang sa kwarto ko ay diretso kong  ini-lock ang aking pintuan.

Mag-isa lamang ako sa loob ng aking kwarto kaya mabilis akong pumunta ako sa aking kama at nagbaluktot ng kumot.

Maya maya ay narinig kong parang may nagbukas ng gripo sa banyo ng aking kwarto. Sa loob kasi ng aking kwarto ay may sarili itong banyo kaya naman ay bigla akong napatingin sa banda doon.

May tao bang nakapasok sa kwarto ko?

Muli na naman akong kinakabahan pero napasyahan kong puntahan ito at suriin kung may tao ba talaga sa loob.

Nagtungo ako sa banyo at unti unti kong binuksan ang pintuan ng banyo pagkatapos ay ini-on ang ilaw sa loob. Nang umilaw ito, wala naman akong ibang nakikita kundi ang gripong umaagos kaya dali dali ko itong ini-off.

Teka, bakit bigla nalang itong na on ang gripo?

Wala namang tao ang nasa loob ng aking kwarto bukod sa akin diba?

Nevermind. Bumalik na lamang ako sa aking kama at kinuha ang backpack ko kung saan naroroon ang mga gadgets ko. Inilabas ko ang aking laptop at cellphone. I tried to open my laptop at ini-on ko rin ang aking cellphone. Matagal tagal narin noong hindi ako pinapayagan ni Daddy na gumamit ng mga gadgets. I don't know why, pero 'yon ang kagustuhan niya kaya sinusunod ko na lang. 

Naalala ko pa ang mga panahon na iyon na kung saan, puro libro lamang ang lagi niyang ipinamigay sa akin upang hindi ako mabobored. Pero mabuti na nga lang ngayon dahil pumayag na siyang gumamit ulit ako nito. Sinara ko ulit ang aking laptop dahil lowbat pala ito kaya tanging cellphone na lamang ang ginamit ko.

Nag try kong mag-log in sa aking Facebook account pero hindi ko ito ma open. Hindi ko alam kung bakit. Siguro walang signal dito. Hayss.. Napakaboring naman talaga. Nakakapagod na rin kasing magbasa ulit ng mga libro.. Ano kaya ang gagawin ko ngayon? Ayaw ko pa namang matulog sa ganitong oras.  

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon