CHAPTER FOURTEEN
Wala sa sarili ako ngayon na naglalakad patungo sa aking silid- aralan. Hindi parin ako makapaniwala sa mga pangyayari kagabi. Totoo ba yun o hindi? Gulong gulo ang aking isipan ngayon. Ano ba talaga ang nangyayari?
Pagpasok na pagpasok ko sa aming classroom, as usual nagtitinginan na naman ang mga kaklase ko sa akin. Walang gana akong tumingin sa kanila at pagkatapos ay iniwas ang aking tingin. Hindi ko na lamang sila pinansin at nagtungo na ako sa aking upuan.
"Althea, anong nangyari sa'yo? Bakit ang putla putla mo ngayon?"
Napalingon ako sa nagsasalita at nakita ko si Claire na lumalapit sa akin.
"Hayaan mo muna ako please.." pakiusap ko sa kanya at mukhang naiintindihan niya naman ang sinabi ko dahil tumango siya sa akin at bumalik sa kanyang upuan.
Umupo narin ako sa aking upuan habang inaalala ang mga pangyayari.
"Gusto ka niyang makausap..."
Napalingon ako sa katabi ko na may isinasabi sa akin at nakita kong tinititigan ako ni Yeesha. Tama! si Yesha ay member ng paranormal club baka makakatulong siya sa akin.
"Sino? Sino yang tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya na may halong kuryisidad
"Ang babaeng laging nakasunod sa'yo" sagot niya habang itinuro ang likod ko
Napalingon ako sa aking likuran pero wala naman akong nakita. Hindi kaya, ang nakita ni Yesha at ang nakita kong babae kagabi, ay iisa?…
"Maari mo bang ilarawan ang nakita mo?" pakiusap ko sa kanya
Yumuko si Yesha habang hinahawakan ang kanyang kuko.
"Kasing tangkad mo siya… May mahabang itim na buhok.. Malalim ang kanyang mga mata… puno ng dugo ang kanyang damit at patay na siya…."
Hindi ko mapigilan ang pagkaba sa mga sinasabi ni Yesha sa akin. Mabuti nalang at hindi pa dumating ang aming guro upang makausap ko pa ng maraming oras si Yesha. Marami pang tanong ang pumasok sa aking isipan ngayon.
"Yesha, may nakita rin akong babae sa amin kagabi. Lahat ng mga inilarawan mo, bakit hindi sila magkakatulad? Pareho silang babae na may mahabang itim na buhok subalit sa pagkakaalala ko, walang dugo ang kanyang damit. Hindi ko rin nakita ang kanyang pagmumukha, pero kitang kita ko na nakalutang ang kanyang mga paa sa sahig habang naglalakad. Humihingi siya ng tulong sa akin. Possible bang, iisa lang ang taong tinutukoy natin?"
"Nararamdaman kong iisa lang ang taong tinutukoy natin dahil wala akong ibang nakitang taong laging nakasunod sa'yo"
Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya
"Pero kung nandito siya ngayon, bakit hindi ko siya makita? Bakit sa aming bahay ko lamang siya makikita tapos paminsan minsan lang?" kuryosong tanong ko
"Hindi siguro masyadong malakas ang iyong third eye" ani niya
"Bakit niya ako sinusundan? Anong sadya niya sa akin? Anong kailangan niya sa akin?" napayuko ako sa aking tanong
Gusto kong umiyak dahil hindi ko na naiintindihan ang mga pangyayari sa bahay ko simula ng dumating ako dito sa lugar na ito.
"Malakas ang kutob kong malakas ang koneksyon niyong dalawa" ani niya
Napataas ang aking ulo at humarap sa kanya "Ano?! Paano mo naman nasabi 'yan? Sa tingin mo ba magkakilala kami?"
"Hindi ko alam" pag-iling iling niya
"Pero anong sadya niya sa akin? Bakit siya sa akin humihingi ng tulong? Anong nais niya? "
"Iyan ang kinakailangan mong alamin. Suriin mo kung ano ang iyong hindi nalalaman at hanapin mo ang sagot sa iyong mga katanungan"
"ANO?! Pero paano ko gagawin iyan kung hindi ko naman kilala ang babaeng laging nakasunod sa akin?!"
"Pinapayuan kita, ikaw ang susunod na biktima"
ako sa aking narinig
"Biktima? Anong biktima? Teka, anong hitsura niya?"
"Pasensya ka na, sumasakit na ang ulo ko" tugon niya habang hinahaplos haplos ang kanyang ulo.
Mas lalo akong nawawalan ng gana sa sarili ko ngayon dahil sa mga naririnig ko. Ako ang susunod na biktima? Saan? May masama bang mangyayari sa akin? Napahawak na lamang ako sa aking ulo.
~*~
Paglabas ng guro namin ay inaayos ko na rin ang mga gamit ko at pagkatapos ay lumabas narin sa classroom. Naglalakad ako sa hallway ngayon at doon bumungad sa akin ang mga chismosang mga estudyante na walang ibang alam kundi ang magchichismisan. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy na lamang sa aking paglalakad. Hinihintay ko sina Heaven, Daryl at Reyl sa garden ng paaralan namin dahil sabay na kami umuwi sa kadahilanang pareho lang naman kaming lugar na uuwian. Mag-isa lamang ako dito na naghihintay.
Maya maya ay may nakita akong babae na mukhang may kinukuha sa unahan at napansin kong napalingon siya sa kinaroroonan ko. Nung una ay sinusuri niya pa ang hitsura ko pero nang makita niya ang ang hitsura ko ay bigla bigla na lamang siyang sumigaw.
"AHHHHHHHHHHHHHHH!!!! MULTOOOOOOOO!!!!"
Pagkatapos niyang sumigaw ay napatakbo siya ng mabilis. Anong nangyare? Nakita niya ba ang babaeng laging sumusunod sa akin?' Napailing iling na lamang ako.
Maya maya ay may dumating na grupo ng mga estudyante. May dalawang lalake at tatlong babae at patungo sila sa kinaroroonan ko. Teka sino sila? Bakit sila lumalapit sa akin?
"Miss, maaari ka ba naming interviewhin?" tanong ng babaeng may dalang microphone
"Ha?" gulat na tanong ko
Sino na naman 'tong mga taong ito?
"Miss, we are the member of the journalism club and we're here to ask some questions about you" sabi naman ng babaeng may dalang ballpen at papel.
"Para saan ba 'yong questions niyo?" naguguluhan kong tanong
"About sa naganap na krimen one year ago" ani naman ng isang lalaki
"WHAT?" Napailing iling na lamang ako
Hindi ako dapat magpapainterview dahil binabalaan na ako ni Reyl na hindi ko dapat sasagutin ang mga estudyanteng magtatanong tungkol sa akin dahil para sa kabutihan ko at lalong lalo na sa sitwasyon ko sa lugar na ito.
"Sorry, pero ayoko!" Tipid na sagot ko sa kanila
"But---" magsasaluta pa sana Ang isang babae ngunit may biglang nagsasalita
"Please excuse her. We are her colleagues at may pupuntahan pa kami. Excuse us"
Naputol ang sinabi ng babaeng nagdadala ng microphone dahil sa nagsasalita.
I saw Reyl na patungo sa kinaroroonan ko habang nakikipag-usap sa mga members ng journalism club at hinila ako.
"Wait!"
"Teka lang!"
"Kahit sandali lang!"
Hinahabol kami ng mga campus journalism club kaya nilingon niya ang mga ito.
"Hindi na oras ng klase ngayon. Sa pagkakaalam ko, ORAS na sa uwian ngayon kaya lubayan niyo na kami!" galit na tugon ni Reyl sa kanila at hinila ako patungo sa direksyon kung nasaan sina Heaven at Daryl.
To be continued…
BINABASA MO ANG
The Unfinished Case [COMPLETED]
TerrorIba't ibang salita. Iba't ibang komento. Iba't ibang ingay ang aking naririnig simula noong lumipat ako ng lugar. Lahat sila'y natatakot sa akin. Lahat sila'y umiiwas sa akin. Lahat sila'y nagagalit sa akin. Walang sinuman ang handang makikinig sa...