CHAPTER NINE

126 16 0
                                    

CHAPTER NINE

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari kagabi. Ewan ko ba, bakit kung ano ano na lang ang naiisip ko sa lugar na ito. Nalilito nga rin ako kung totoo ba kaya 'yong babaeng nakita ko kahapon o hindi? Pero kasi para naman kasing totoo eh! Pero pinagtatawanan lamang ako ng mga tao dito sa bahay. Tss.

Ina-arrange ko na ang mga gamit na dadalhin ko sa paaralan. Balik aral na naman ako pero ibang tao na ang mga makakasama ko. Tss.

After kong mag-ayos sa aking sarili ay lumabas na ako kwarto ko.

"Hey, ready ka na ba pumasok?"

Pagkalabas ng pagkalabas ko ay bumungad agad sa akin ang pagmumukha ni Daryl. Tss. This annoying man.

"No choice pa rin naman ako diba? So wala akong magagawa" I said habang iniikot ikot ang aking mga mata at inirapan siya

Tinawanan niya lamang ako. Nakita kong abalang abala pa sila sa paghahanda sa sala. Si Heaven ay inaayos ayos pa ang kanyang mga notebook, Si Chloe naman ay nagsusuklay sa kanyang sarili, si Daryl, nagsusuot pa ng medyas. Wait, nasaan si Reyl?

"Ready na ako"

Napalingon agad ako sa nagsasalita sa aking gilid.

Nakita ko si Reyl na lumabas galing sa kanyang kwarto. I forgot, magkatabi nga pala kami ng kwarto.

"Naks! Excited ka rin palang pumasok sa paaralan?" rinig kong tanong ni Daryl sa kanyang kapatid na si Reyl

Pero inirapan lamang siya ni Reyl kaya napatawa na lamang ako. Eh, sino bang hindi maiinis sa kakulitan niya.

"Ahh, I forgot busy ka nga pala sa club mo no?" patuloy ni Daryl

Hindi parin siya sinagot ni Reyl. Grabe talaga tong magkapatid na ito,
hindi man lang magkakasundo.

"Mukhang matagal pa yata kayo diyan kaya--- mauna na lang kami ni Althea"
pagkatapos sabihin iyan ni Reyl ay hinawakan niya agad ang kamay ko at hinila papalabas.

"Hoy-- Teka-- Teka-- lang!"

Nagulat ako sa kanyang ginawa.Hindi pa rin niya ako binitawan hanggang sa paglabas ng gate.

"Hoy-- ano ba!" pagrereklamo ko

Bitinawan niya ang kamay ko at tinititigan ako sandali pagkatapos ay nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Hoy, bakit mo ba ako sinama?" tanong ko sa kanya habang sinusundan siya sa paglalakad

"Are you idiot? Pareho lang din naman tayo ng pupuntahan" sagot niya habang naglalakad

"Eh, bakit ba hindi natin sila hihintayin?"

"Hindi mo ba naiisip? Kita mo ngang matagal pa sila sa kanilang mga ginagawa tapos ikaw handang handa na"

"Kahit na" pagpupumilit ko

"And also, huwag mong kalimutan ang pinapayo ko sayo"

Natahimik ako sandali pero nagpatuloy lang sa paglalakad

"Anong sinasabi mo? Ano bang payo mo?"

Teka! Oo nga pala, pinapayuhan niya nga pala ako na huwag sumagot kung sakali mang may itatanong ang mga kaklase ko tungkol sa akin. Like so weird.

"Alam mo, naguguluhan ako sayo eh!" ani ko sa kanya

"Mas magulo ka"

"Eh, ano bang meron? Bakit ba ayaw na ayaw mo sabihin sa akin kung bakit gusto mong hindi ko sasagutin ang mga taong magtatanong sa akin?"

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon