CHAPTER TEN

110 17 0
                                    

CHAPTER TEN

Pagkalabas ng guro namin ay madali kong ini-ayos ang lahat ng mga gamit ko para makalabas na ako sa classroom namin. I saw my all classmates staring at me. Wow. I'm like a celebrity. How amazing. Tss.

"OMG! Hindi talaga ako makapaniwala, yung multo pa mismo ang pumunta sa paaralan natin"

"Oo nga HAHAHA"

"HAHAHA"

"Hoy grabe naman kayo, hindi niyo ba yan nakikita, magkatabi ang isang ispiritista at ang isang multo"

"Nakakatakot hahaha"

What the hell is they talking about? Ano bang pinagsasabi nila sa akin?
Anong multo? Anong ispiritista? Do I look like a ghost right now? Kakainis.

Napansin kong nagpatuloy lamang sa pagyuko ang katabi ko na para bang walang pakialam sa mundo. Hindi niya ba alam ba binubully kami dito?

"Hey" tawag ko sa katabi ko

Teka, ano nga pala ang pangalan ng babaeng ito?

"What's your name" tanong ko sa kanya

Bigla siyang tumingin sa akin at tinititigan ako

"Yesha" ani niya at pagkatapos ay muling yumuko. So weird.

Tiningnan ko ang lahat ng reaksyon ng mga kaklase ko. Nakatitig lamang ito  sa aming dalawa. At ito namang katabi ko ay parang walang naririnig.

Tss.. Ano ba naman ito, sa buong buhay ko, ngayon lamang ako naka-experience ng ganito. Hindi naman kasi ako binubully dati kahit na isa akong transferee student. Pero ngayon, mukhang nagbago na Ang buhay ko. Ewan ko ba! Ano ba 'tong lugar na napupuntahan ko sobrang weird... Haysss....

Kinuha ko ang gamit ko at nagtungo palabas.

"Ano bang binabalik mo dito?"

"Maghihigante ka ba?"

"Tumigil ka na! Patay ka na!"

"Dapat patahimikin ang iyong kaluluwa!"

Bigla bigla nila akong hinila ng isang kaklase ko kaya hindi ako makagalaw pa. What's their problem? Anong ginagawa ko sa kanila?.. Maiiyak na ako dahil sa kahihila nila sa akin. Ano ba 'tong napasukan ko?

"Ano ba?! Bitawan niyo nga ako! Mga baliw" pagkatapos kong sabihin iyan ay pumiligpas ako sa kanilang mga hawak at pagkatapos ay lumabas na ako sa silid aralan namin. So.. Crazyyy.... NAKAKAINIS!

Nagmamadali akong pumunta sa canteen ng paaralan namin.

Medyo marami raming mga estudyante ang nasa loob ng canteen. Wala akong ibang magagawa kundi ay  pumila narin upang makabili ng pagkain. Tinitingnan ko lang ang mga estudyateng pumilasa counter tulad ko at napansin ko ring tumingin sila sa akin at medyo nag-iba ang ekspresyon ng kanilang pagmumukha nang makita nila ako.

Ano na naman bang ginawa ko sa kanila? Hindi ko na lamang sila pinansin at naghintay na lamang ako sa aking turno. Nakikita ko ang ibang mga studyante na nagbubulong bulungan habang nakatingin sa akin. I just ignore them.

Sige lang Althea, kayanin mo lang ang lahat. Malalampasan mo rin ito. Ayaw mo ba, mukha kang artista na tinitingnan ng lahat? Tss.. Napailing iling nalang ako sa aking mga naiisip.

Nang oras ko na sa pag-order ay nagsimula na akong banggitin ang mga pagkain na aking bibilhin. Nang tiningnan ko ang tindera ay biglang umiba ang ekapresyon ng kanyang mukha pagkatapos niya akong makita.

"At saka yung bacon po" patuloy ko

Nagmamadali niyang ibinigay sa akin ang order ko at para bang umiwas sa akin. Napakibit balikat na lamang ako.

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon