CHAPTER SEVEN

124 18 0
                                    

CHAPTER SEVEN

Pumasok na ako sa loob. Hays, I want to go somewhere. Yung tipong ako lang mag-isa at walang manggugulo sa akin. 

"Are you okay?" 

Napikot nalang ang mga mata ko nang makita ko si Daryl na papalapit sa akin

"Ohh, parang ang laki ng problema mo ah" tugon niya sa akin habang sinusuri suri ang mukha ko 

Nakakainis! Hindi niya ba alam na dahil sa kanya kaya ako mas lalong naiinis ngayon? Tss.. 

"Leave me alone" iritang tugon ko sa kanya at pagkatapos ay tinalikuran siya 

"Taray" rinig kong bulong niya. 

Pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref dahil medyo nauuhaw ako. Wala akong ibang nakita doon kundi ang mga eggs at bottled water. 
Wala na bang iba? Or else, kahit juice man lang? Ano ba naman ito! 

Umalis na lamang ako sa kusina dahil hindi ko nakita ang nais kong inumin. 

"Mabuti naman at nakaalis na 'yong tatay mo" 

Napatingin ako kay Tita Veronica dahil sa kanyang mga sinasabi. Hindi ko napansin na papunta pala siya sa kusina habang ako naman ay papalabas. 

"Ang bilin sa akin ng tatay mo na huwag kang I spoiled sa loob ng bahay na ito" ani niya 

What? Spoiled? Ano ba namang klaseng salita iyan. Iyon na ba talaga ang turing ng tatay ko sa akin? Isang spoiled? Samantalang lagi kong sinusunod ang mga pinagsasabi niya.

"Hindi naman po ako spoiled" pagsasagot ko kay Tita Veronica

Tiningnan niya lamang ako at hindi nagsasalita pa

"Tita Veronica, can I go out? may bibilhin lang sana kasi ako sa labas" pakiusap ko sa kanya 

I want to escape in this place. Gusto kong maging peaceful muna ang isip ko. Ayaw kong isipin ang mga tanong na nabuo ngayon sa aking isipan 

Napatingin siya sa akin ng ilang minuto "Sige, basta sisiguraduhin mo lang na babalik ka dito bago dumilim" ani niya kaya tumango tango ako

"Opo" pagkatapos kong sabihin iyan ay nagmamadali na akong lumabas ng bahay

Naglalakad ako ngayon sa hallway. Subdivision kasi itong bahay namin kaya medyo malayo layo pa sa kalsada. 

Napakapeaceful dito, walang ibang tao kundi ako lang. May kanya kanyang gate ang bawat bahay kaya hindi nagpasya ang mga tao na lumabas sa hallway. 

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa narating ko ang kalsada.
Maya maya ay may nakita akong 7/11 sa unahan kaya napasyahan kong pumasok muna doon.

"Good day maam!" bati sa akin ng isang babae na cashier sa 7/11 pagpasok ko sa loob

Hindi ko muna siya pinansin dahil dumiretso ako sa may bandang unahan para bumili ng mainom at makakain.

Binuksan ko ang ref at kinuha ang isang canned juice at kumuha narin ako ng junkfoods. Pagkatapos ay pumunta na ako sa cashier para magbayad.

"Ito lang po ba bibilhin niyo maam?" tanong niya

"Oo" sagot ko naman

Maya maya ay napansin kong nagpabalik balik ang mga tingin niya sa akin.

"Anong meron?" tanong ko

"Mukhang nakita na  kita sa diyaryo maam" ani niya kaya nagtataka ako

"Ano? Anong diyaryo?"

Hindi niya ako sinagot. Ayon sa pag-oobserba ko sa kanya ay bigla bigla lamang siyang natataranta nang makita niya ang pagmumukha ko.

"Miss magkano 'to?"

May biglang dumating na customer kaya kinuha ko na lamang ang aking mga binibili at napasayahan kong lumabas na pagkatapos ko itong mabayaran.

Binalikan ko ng tingin si Ate girl pero iniwas niya lamang ulut ang kanyang mga tingin sa akin.

Anong nangyari sa kanya? mukha siyang nakakita ng multo. Tss. Napailing iling nalang ako sa aking sarili.

Nagpalakad lakad lamang ako sa daan dahil wala naman akong ibang maupuan except sa loob ng 7/11. Pero ayokong mag-stay doon dahil baka kung ano ano na naman ang sasabihin ng cashier doon. Iniiwasan ko na nga ang bahay namin kaya mas mabuti nang iwasan ko rin siya.

Habang naglalakad ako, napansin ko na nasa labas na ako sa isang park kaya napasyahan ko ring pumasok at umupo sa may bench habang dala dala ang aking pagkain.

I was amazed by the place. Tahimik lang ang lugar na ito at pinalilibutan ng mga tanim. Para siyang semi forest dahil sa maraming halaman at puno at mayroon din siyang mga upuan sa kabila at sa bandang unahan naman, may isang wishing well. Wow.

Tumingin tingin lamang ako sa mga taong nagpapasyal dito sa park. They are quietly happy. Kasama ang buo nilang pamilya at kung ano ano pa. Nakakainggit. I wish na sana gano'n din kami pero hanggang imagination nalang iyon dahil my mom already died tapos 'yong daddy ko naman, walang pakialam sa akin.

Walang sino mang makapansin sa akin dito dahil bukod sa nasa isang sulok ako ay abalang abala ang mga tao sa kani-kanilang mga ginawa.

*AW! AW! AW! AW! AW! AW!*

Nagulat na lamang ako dahil may lumapit sa akin na isang aso at tinatahulan ako ng todo. Ano ba naman 'tong aso nato. Panira ng moment.

"What's your problem?" inis na tanong ko sa aso

Maya maya ay biglang tumahimik ang aso at tinititigan lamang ako ng matagal.

After awhile, I remember my dog. Si sniffy. Kumusta na kaya si sniffy? Did dad take care of my dog? 

Lumapit ako sa aso na nasa harapan ko ngayon at pagkatapos ay hinaplos haplos ko ang ulo nito. Ito 'yong gagawin ko kay sniffy dati. Hindi naman nagpumiglas ang aso instead, mukhang nagustuhan niya ang ginawa ko.

"Hey, Browny! Let's go"

Napatingin ako sa lalaking lumapit sa kinaroroonan ko. Nakita kong tumingin siya sa asong hinahaplos haplos ko kaya binitawan ko ang aso at tumakbo ito patungo sa kanya.

I just watch them for awhile
Maya maya ay tiningnan ako ng lalake kaya napaiwas ang tingin ko.

"Oh, hey you! It's you .. I'm glad to see you again its been awhile"

Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang mga sinasabi.

"Excuse me?" ani ko

"Hey, I'm glad to meet you again" saad niya habang ngumingiti sa akin

Again? So it means, nagkita na kami dati?

"Excuse me, did we met before?" tanong ko sa kanya

"Kinalimutan mo na ako agad? mag-iisang taon lang tayong hindi nagkita eh" ani niya kaya napataas ang aking kilay dahil sa mga pinagsasabi niya

"Hindi kita naalala I'm sorry. Nagkita na ba tayo dati?" tanong ko nang may pagtataka

"Oo! same place and same scenario" sagot niya

"Really?"

"Mukha ngang dejavu SA paningin ko" saad niya habang tumatawa tawa

Tititingnan ko lamang siya ng walang emosyon. Sino ba tong taong ito?

"You act differently" ani niya

Hindi ko pinansin ang sinasabi niya. Instead, kinuha ko agad ang mga gamit ko at tumayo.

"I gotta go" sabi ko at umalis. Iniwan ko na siya doon

"Wait---" rinig kong saa niya pero hindi ko siya pinakinggan

Tumakbo na lamang ako ng mabilis upang makabalik na sa bahay namin.

I don't trust anyone baka kasi kidnapper iyon. Tss...

To be continued....

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon