CHAPTER SEVENTEEN
Pagkatapos ng mga katanungang naganap sa club ay lumabas na kami upang kumain sa canteen.
"You are very welcome to us Althea" rinig kong tugon ni Nick sa akin
"Oo nga" singit naman ni Claire
I just gave them a smile.
"Hindi na muna ako sasabay sa inyong kumain dahil may pupuntahan pa ako"
Napalingon kaming lahat kay Reyl dahil sa sinasabi niya. Pansin kong kanina pa siya wala sa mood.
"Baka importante 'yan sige" tugon ni Nick sa kanya
I bet, nagagalit siya sa akin dahil hindi ko sinusunod ang kanyang mga pinapayo sa akin. But who cares? This is my life. Ako ang dapat magdesisyon sa sarili ko dahil buhay ko 'to. Isa pa, wala naman akong nakikitang kakaiba sa mga tinatanong nila kanina. They just ask me about sa pinanggagalingan kong lugar at kung ano ang mga naririnig ko sa surroundings habang nandoon ako. Hindi ko nga rin alam kung bakit, pero sinagot ko na lamang ang mga tinatanong nila dahil baka ito na ang pagkakataon na masagot rin ang mga katanungan sa aking isipan.
Pagdating namin sa canteen ay nagsimula na kaming mag-order at pagkatapos ay naghahanap ng pwesto upang mauupuan. Still, napapansin ko pa rin ang mga taong napatingin sa akin at pinag-uusapan ako. Tss. I don't care
"Maaari ko bang malaman kung bakit niyo ako tinatanong kanina? I think, its my time to ask you since nahanap niyo na ang mga kasagutan sa inyong mga tanong" I said habang tinititigan si Nick
Well, sinadya kong iparinig sa kanya ang mga katagang iyon dahil may usapan kami.
"Dahil sa naganap na krimen mag-iisang taon na ang nakalipas" sagot niya
"What? Then bakit ako nasali sa mga ganyang klaseng bagay?"
Napabuntong hininga siya bago ako sinagot "Kamukha mo ang biktima"
Nabitawan ko ang hawak kong kutsara kaya nabagsak ito sa mesa.
"Ano? Kamukha ko ang biktima?"
"Yeah right" patango tangong tugon ni Claire
"Kung gano'n, bakit iba ang tingin ng mga tao sa akin? Bakit kung makareact sila para bang, mukhang ako 'yong taong iyon? Gano'n ba sila ka immature para mag-aakalang ako iyon?" kinuha ko pabalik ang kutsara ko na may halong inis
"Yon nga ang problema, hindi nga ikaw 'yong taong iyon subalit hindi mo lamang ito kamukha kundi kapareho mo pa ng apilyedo"
Sa sinabi nila, wala akong ibang naiisip kundi si Aleah. Ang taong inaakala nilang ako
"Bakit alam ba ng lahat ang complete name ko?" sarkastiko kong tanong sa kanya
"Dahil sa hitsura mo, sa tingin mo ba hindi sila magresearch about sa'yo?" sagot niya sa akin
Tss.
"Sinasabi niyo bang kakambal ko? Pero siguradong sigurado akong wala akong kakambal. My dad didn't tell me na may kakambal ako. Mag-isa lamang akong ipinalaki ng daddy ko" ani ko
"Kaya nga naguguluhan kami"
Magtatanong pa sana ako sa kanila subalit bigla bigla na lamang tumunog ang bell kaya naman ay nagsitayuan na kami sa aming kinauupuan at nagpasyang pumasok paabalik sa aming classroom.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Case [COMPLETED]
HorrorIba't ibang salita. Iba't ibang komento. Iba't ibang ingay ang aking naririnig simula noong lumipat ako ng lugar. Lahat sila'y natatakot sa akin. Lahat sila'y umiiwas sa akin. Lahat sila'y nagagalit sa akin. Walang sinuman ang handang makikinig sa...
![The Unfinished Case [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/189053614-64-k879576.jpg)