CHAPTER NINETEEN

97 18 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

Nasa classroom namin ako ngayon. Tahimik lamang akong nakaupo sa aking upuan. Siguro namumutla na itong mukha ko dahil sa sobrang takot. Yung tipong gulong gulo na ako sa aking mga naririnig tapos hahabulin pa ako ng multo.

How crazy isn't it? Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa mga nangyayari. Kanina pa ako palingon lingon sa aking likuran, harapan at sa gilid ko habang hinahanap ang babae. Hanggang sa napansin kong pinagtitinginan ako ng aking mga kaklase at nagbubulong-bulongan. Siguro iniisip nilang nababaliw na ako. Iniikot ko na lamang ang mga mata ko sa kanila. Napabalik balik ang aking tingin kay Yesha na kanina pa walang emosyon na tumitingin sa harapan kung saam naroroon ang aming whiteboard. Tama!

"Yesha, nakita mo ba ulit ang babaeng laging nak nakasunod sa akin?" bulong kong tanong sa kanya

"Hindi siya mawawala sa gilid mo"

Mas lalo akong natatakot sa kanyang isinagot

"So you mean, nandito siya ngayon sa gilid ko?"

Tumango tango siya sa tanong ko

"NA NAMAN?" Napatayo ako habang  nagtatanong kay Yesha at tuluyan na ngang pinagchichismisan ako ng aking mga kaklase kaya napabalik ako bigla sa aking pag-upo.

"Yesha, pwede mo ba siyang tanungin kung anong sadya niya sa akin? Bakit niya ako sinusundan? Natatakot na ako" tugon ko sa kanya habang nanginginig ang aking boses dahil sa takot

"Hindi. Hindi ko magagawa"

"Pero bakit?"

"Tinitingnan niya ako ng masama ngayon" ani niya

"Ano?!"

"Hindi ako makakausap sa kanya. Ikaw ang dapat ang kumausap sa kanya"

"Pero papaano? Natatakot ako at isa pa, bigla bigla nalang siyang mawawala sa paningin ko. Hindi yata malakas ang third eye ko" ani ko

Hindi na niya nasagot ang aking tanong dahil biglang dumating ang aming guro. Na naman eh! Ang epal naman nitong guro namin. Tss. Napilitan akong tumayo at bumati sa aming guro. Tss.. Pagkatapos ay bumalik na sa aking pag-upo. Nagsimula namang nagdiscuss ang aming guro at pinapakuha niya ang aming textbook. Wala akong ibang nagawa sa buong klase kundi ang antukin sa bawat oras.

 
                            ~*~

Pagkarating namin sa bahay, napatitig lamang ako sa aming gate at hindi ko alam kong papasok ba ako o hindi. Napansin ko namang naweweirduhan sa akin ang aking mga kasama. Nakakatakot kaya. Malay ko bang may namatay pala dito sa loob ng bahay namin noong nakaraang taon.

Mukhang nabasa naman ni Reyl ang iniisip ko ngayon kaya siya na mismo ang nagkusang buksan ang aming gate. Nakita kong pumasok na sila sa loob kaya wala akong magawa kundi pumasok narin. Nang nakapasok na kami, iniikot ikot ko ang aking mga paningin at tinitingnan ang buong paligid. Haunted house na pala itong bahay nato. Why does my dad put me in this place? Tss.. Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako sa loob ng aking kwarto o hindi. Kakainis baka makita ko na naman ulit ang babaeng iyon.

"Do you know na may nagmumulto sa loob ng bahay na ito?" tugon ko sa kanila kaya naman ay napalingon silang lahat sa akin.

"Anong sinasabi mo?" tanong ni Daryl na halatang pinipigil ang kanyang pagtatawa dahil sa sinasabi ko

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon