CHAPTER TWO

175 21 0
                                    

CHAPTER TWO 

Pumasok ako sa kwarto ko na itinuturo ni Tita Veronica. Pinapalitan ko ang suot kong jeans ng pajama at blouse. Inaayos ko rin ang mga damit ko at inilagay ito sa drawer. Ang iba ko namang mga damit ay tinutupi tupi ko pa. Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin habang sinusuklay suklay ang aking buhok.

Hindi talaga ako makapaniwala na magiging ganito ang desisyon ni Daddy. Ni hindi ko alam kung bakit bigla bigla niya na lamang akong pinapalipat dito.

 Ano na naman kaya ang plano ng daddy ko? Tinititigan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Hindi ako dapat magpapadala sa lungkot ko ngayon. Ako si Altheah Rodriguez.
Matapang at lalaban ako sa anumang hamon na dumating sa aking buhay. Nginitian ko na lamang ang sarili ko sa harap ng salamin. 

Pero habang sinusuklay suklay ko ang aking buhok, may napansin akong babae na nasa aking likuran based sa reflection sa salamin. Nakasuot siya ng puting dress, mahaba ang kanyang itim na buhok at hindi siya nakatingin sa akin. Nakayuko lamang siya habang nakaharap rin sa salamin. Para siyang si Sadako. Tama! mukha siyang si sadako.

Tiningnan ko bigla ang nasa bandang likuran ko upang suriin. Pero wala naman akong nakitang tao. Weird. Nagsitayuan ang mga balahibo sa aking katawan. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa salamin at sinusuri kung totoo ba ang nakikita ko. Pero wala na ang nakita kong babae na nakaputi kanina. Guni guni ko lang yata iyon.

 Hays.. Inilibot ko na lamang ang aking mga mata sa buong kwarto upang tingnan ang paligid. May pink na kurtina, maputi ang kulay ng dingding, may malinis na aklatan at cabinet. Kanino kaya itong kwartong ito? May mga aklat kasi at may mga natitira pang damit sa kabilang drawer na kasukat lamang sa akin. Sino kayang may-ari sa mga kagamitan na naririto? Habang nakatayo ako na tumitingin tingin sa paligid, may nararamdaman akong may dumaang tao sa labas ng pinto sa kwarto ko na iniwan kong nakabukas kanina pa. 

Pinuntahan ko agad ang labas ng pintuan upang siguraduhin kung may tao bang dumaan. Pero nang tinignan ko, wala naman akong nakita. Kumunot ang aking noo at sinusuri suri ko pa sa labas kung may tao bang dumaan pero wala naman talaga.  Nevermind. Mas mabuting matulog nalang muna ako. Siguro ay napagod lamang ako sa byahe kanina kaya kung ano ano nalang ang naiisip ko.
Isinara ko na ang pintuan at pagkapos ay inaayos ko muna ang mga gamit ko. Pagkatapos ay humiga na sa aking kama upang matulog.


 Alas singko na ng hapon nang napagising ako. Masyadong mataas Ang oras ng pagtulog ko ngayon. Siguro dahil sa sobrang pagod ko sa byahe. Bumangon na ako sa aking kama at inaayos ito. Nang makaramdam na ako ng gutom ay napasyahan kong lumabas sa aking kwarto. 

Nasa sala na ako nang makasalubong ko si Heaven at ang batang babae na hanggang ngayon ay bitbit niya parin ang kanyang teddy bear. Nang makita nila ako ay napatigil sila sa kanilang paglalakad at biglang nagulat. Tahimik lamang silang nakatingin sa akin lalong lalo na kay Chloe na hindi inaalis ang paningin sa akin. Si Heaven naman ay pinipigilan ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata habang tumitingin sa akin. Ito na naman tayo? Ano kayang meron sa akin?

Bakit ba kasi ang weird ng mga tao dito. Napansin siguro nila na medyo naiilang na ako sa mga titig nila kaya iniiwas na nila ang kanilang mga tingin sa akin. 

"Tinatawag ka na ni Maam Veronica, kumain na raw tayo" tugon sa akin ni Heaven habang pinupunasan ang kanyang mga luha

 "Kain na tayo ate" saad naman sa akin ng batang si Chloe.

Hindi ko sila sinagot. Naglalakad na lamang ako patungo sa kusina. Nararamdaman ko naman na nakasunod lamang sila sa likuran ko. I don't care at all. Pagdating ko sa kusina, nadatnan ko ang mga maids na naghahanda ng pagkain sa mesa at nakita ko rin si Tita Veronica na may kasamang dalawang lalaki sa gilid niya. I think, one year or two year older sa akin ang dalawang lalaki. Pinagitnaan siya ng dalawang lalake.

Teka dalawang lalaki? Sino ang mga 'yon?.. 

 Lumapit ako sa kinaroroonan nila at napansin naman nila ang pagdating ko.

 "Oh, Narito ka na pala! mabuti naman. Gusto ko nga palang ipakilala sayo ang aking mga anak" tugon sa akin ni Tita Veronica. 

 "ADAPTED CHILD" pagtatama ng lalaki na nasa kaliwa ni Tita Veronica na nakasuot ng eyeglasses at mukhang hindi interesado sa pangyayari.

 "Save your sarcastic Reyl. Nasa harapan ka ng bisita" tugon naman sa lalaking nasa kanan ni Tita Veronica.

"Tsk. Don't act like an angel Daryl. Hindi bagay sayo" sagot naman ni eyeglasses guy. 

 "YOU TWO SHUT UP!" sigaw sa kanila ni Tita Veronica. Hindi sila pinansin ni Tita Veronica at patuloy lamang sa pag-entertain sa akin. 

"Pasensyahan mo na sila Altheah. Siya nga pala si Reyl" turo ni Tita Veronica sa lalaking nasa kaliwa niya.

I tried to offer a handshake para mabasa ko ang nakasulat sa kanyang mga mata. Tiningnan niya lamang ang kamay ko at akala ko, hindi niya ito tatanggapin. Pero maya maya ay tinanggap niya rin. Mabuti naman at nakipaghandshake din siya sa akin kaya pagkakataon ko nang basahin kung ano ang nakasulat sa kanyang mga mata. 

Tinititigan niya ako pabalik gaya ng ginawa ko. I enjoy the moment while reading his eyes. Wala akong ibang nabasa sa kanyang mga mata kundi ang curiosity at mystery. 

This Guy seems like have an unfinished business na nagdudulot sa kanyang ng kuryusidad. Muli kong binawi ang aking kamay pagkatapos ko siyang basahin.

Anong hinahanap niya?.. 

 "At siya naman si Daryl" pagpatuloy ni Tita Veronica sa pagpakilala sa lalaking katabi niya at itinuro ang lalaking nasa kanan niya na may malawak na ngiti na tumitingin sa akin na naging dahilan upang makita ang malalim na dimples niya.

 "At kayong dalawa" turo ni Tita Veronica sa kanilang dalawa. 

"Siya si Altheah Rodriguez. Anak siya ni Rafael Rodriguez" nabigla si mysterious guy nang marinig niya ang pangalan ng Daddy ko. Habang si Daryl naman ay patuloy lamang na ngumingiti sa akin at pagkapos ay inilahad ang kanyang kamay. 

"Nice meeting you Altheah" tugon niya habang nakangiti pa rin sa akin.

Hindi ko siya nginitian pabalik pero tinanggap ko ang kanyang kamay upang makipaghandshake. This is my time to read his eyes. 

Tiningnan ko nang mabuti ang kanyang mga mata at nagsimula akong basahin kung ano ang nakasulat nito. 

... Behind on his smile, There's an evil on his mind. I can see the evilness on his eyes. Nagsitayuan ang mga balahibo sa aking katawan at nanginginig sa takot. Bigla bigla kong kinuha ang aking mga kamay. Pagkatapos ay iniiwas ang aking mga paningin sa kanya. 

-

-

-

-

-

-

This guy has a dark secret....


 TO BE CONTINUED...

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon