CHAPTER ONE
"Kasalukuyang hinahanap ngayon ng mga pulis ang isang lalaki na tinaguriang suspek sa pagpatay ng isang dalaga na nasa edad na kinse anyos. Ayon sa mga pulis na sinaksak ang biktima sa loob mismo sa kwarto ng dalaga at dinala ang kanyang bangkay sa kanilang kusina kung saan mismo natagpuan."
Hinawakan ko ang newspaper na nakita ko sa ibabaw ng mesa ng Dad ko. Titingnan ko sana kung ano ang larawan sa headline ng balita pero mukhang sinadya itong gupitin dahil sakto sakto ang kanyang pagupit na hugis parisukat.
"Althea"
Napatingin ako sa aking likuran kung saan naroroon ang pinto sa kwarto ng daddy ko. Nakita kong pumasok si Daddy.
"Daddy pintawag nyo raw ho ako?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Instead, tiningnan niya ang hawak kong newspaper at dali dali siyang lumapit sa kinaroroonan ko.
Kinuha niya bigla ang newspaper na nasa aking kamay at bigla niya itong itinapon sa kanyang trash bin.
"How many times do I have to tell you that don't touch my things?!" bigla niya akong sinigawan at halatang galit na galit dahil nagkasalubong ang dalawa niyang kilay.
I forgot, dati pa naman, ayaw na ayaw na talaga ng daddy ko na pakialaman ang mga gamit niya pero hindi ko parin ito sinusunod because of my curiousity.
"I'm sorry dad" 'yan lang ang mga kataga kong nasabi. Tiningnan niya lamang ako ng ilang minuto at muling nagsalita.
"Altheah, kaya kita ipinatawag dito dahil gusto kong ipaalam sayo na ipinabuhat ko na ang lahat ng mga gamit sa kwarto mo dahil nais kong tumira ka muna sa Santa Clara"
"WHAT??" sigaw kong tanong sa kanya dahil sa aking narinig "Dad ayaw kong tumira sa Santa Clara"
"Altheah! huwag kang magmatigas ng ulo! You are already fifteen years old. Huwag kang umasta na parang bata!"
Alam kong galit na galit na ang daddy ko pero wala akong magagawa dahil ayaw na ayaw kong tumira sa Santa Clara dahil wala akong kakilala doon.
"Dad, wala po akong mga friends doon at isa pa, ayaw ko pong umalis dito! Paano na po ang pag-aaral ko?! Dad ayaw ko doon" pagmamakaawa ko sa kanya
"Sino bang mas matanda sa atin ha?! Ikaw ba o ako? Hindi ba't ako?! kaya ako ang masusunod! Magbihis ka na ngayon din! at uuwi ka ngayon sa Santa Clara. Sa ayaw at sa gusto mo!" sinigawan ulit ako ng daddy ko. Wala akong ibang nagawa kundi sundin ang gusto niya dahil iyan naman lagi ang sinasabi niya sa akin. Siya ang mas matanda sa amin kaya siya dapat ang masusunod sa lahat.
Padabog akong umalis sa kanyang kwarto at pumunta sa aking kwarto upang magbihis.
Nakasuot ako ngayon ng ripped jeans at white na three-fourth polo shirt na color white at naka rubber shoes.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa aking kwarto. Paglabas ko, nadatnan ko sa labas ang aming mga kasambahay at ang mga bodyguards namin na binubuhat ang lahat ng aking mga kagamitan papunta sa kotse.
Lumapit ako sa kinaroroonan nila. Nakita ko naman ang dad ko na nasa labas ng gate na nakaabang sa aming mga maids at mga bodyguards na bumubuhat sa mga gamit ko.
Pumunta ako sa kinaroroonan ng daddy ko pero hindi ko siya pinansin. Ang totoo, nagagalit parin ako sa desisyon niya kaya hindi ko siya magawang kausapin. Napansin niya naman ang pagdating ko at nakita niya ang pagmamaktol kong pagmumukha.
"Don't worry, nandoon ang tita Veronica mo at ang kanyang mga anak. Masisiguro kong hindi ka mabobored doon" he talked to me first
Iniikot ko ang mga mata ko na para bang naiinis. Hindi naman kasi ako interesado sa mga pinagsasabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/189053614-288-k879576.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unfinished Case [COMPLETED]
HorreurIba't ibang salita. Iba't ibang komento. Iba't ibang ingay ang aking naririnig simula noong lumipat ako ng lugar. Lahat sila'y natatakot sa akin. Lahat sila'y umiiwas sa akin. Lahat sila'y nagagalit sa akin. Walang sinuman ang handang makikinig sa...