CHAPTER EIGHTEEN

114 17 0
                                        

CHAPTER EIGHTEEN

"Dad, kilala niyo po ba si Aleah Rodriguez?"

Dahil sa tanong ko ay kitang kita ko ang kanyang pagkabigla at  pagkagulat.

"Matulog ka na" sagot niya at sumakay sa loob ng kotse.

I always ended up alone. Lagi naman silang ganyan. Lagi nila akong iniwan kapag magtatanong ako. Naiwan akong mag-isa doon habang tumitingin sa kotse ng dad ko na papaalis hanggang sa mawala ito sa paningin ko.

Maya maya ay may naramdaman akong kakaiba. Pagtingin ko sa gilid ko, nakita ko ang babaeng laging sumusunod sa akin. Doon ko namalayan na nag-iisa na pala ako sa labas kaya nagmamadali ako pumasok sa loob at pumasok sa aking kwarto.

                           ~*~

Nasa loob ako ng detective club ngayon habang umiikot ikot sa loob ng paligid. Tumingin tingin ako sa papers na nagkakalat sa mesa.

"Hindi niyo lang ba ito aayusin?" tanong ko sa kanila

"Hayaan mo na ang mga 'yan Althea, may dapat pa tayong I solve" tugon ni Claire

"Mukhang wala ka pa talagang alam sa mga pangyayari Althea"

Napalingon ako sa sinasabi ni Nick

"Walang alam sa ano?" Tanong ko

"Tungkol kay Aleah, Natitiyak kong kakambal mo si Aleah"

Napakunot ang aking noo sa kanyang sinasabi.

"Anong kakambal? Hindi ba't sinasabi ko na sa inyo na I don't have a twin. Walang sinasabi ang daddy ko na may kakambal ako. At isa pa, bakit ba gusto niyong ipagpilitan na kakambal ko ang babaeng iyan?! Hindi ko nga kilala ang babaeng iyan" irita kong tugon sa kanila

Maya maya ay biglang nabagsak ang baso na nasa mesa at nabasag ito sa sahig. Kaya napalingon kaming lahat dito. Si Claire naman ay nagmamadaling kumuha ng walis upang linisin ito at nagpatuloy naman kami sa aming pinag-uusapan.

"The police already ask your father about that incident at hanggang ngayon hindi parin siya sumasagot sa mga tanong"

Naalala ko ang itinatanong ko Kay daddy kagabi. 

"Baka kasi, hindi niya rin kilala ang babaeng iyan. At isa pa, kahit kapareho ko ng apilyedo ang taong iyan, hindi naman ibig sabihin na kakambal ko na siya. Hindi ba pwedeng ka relatives lang namin?"

Natigilan sandali si Nick at mukhang naiinis sa mga pinagsasabi ko.

"Althea, alam mo ba na naganap ang krimen na iyon sa bahay na tinitirahan mo ngayon?"

"WHAT?"

Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Naganap ang krimen sa bahay na tinitirahan ko. Totoo ba? Sabihin niyong natutulog lang ako. Nananaginip lang ako diba?

"Anong sinasabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya

Tumango tango siya "Ang pangyayaring iyon ay naganap sa loob mismo ng bahay niyo ngayon. Iyan ang mga sinasabi ng mga pulis"

Biglang nagloading ang utak ko. Bigla bigla itong nagprocess. Naguguluhan ako.

"STOP!" sigaw ni Reyl at tumayo galing sa pag-upo ng swivel chair.

Teka teka, kung totoo ang mga sinasabi ni Nick ibig sabihin may alam si Reyl dito? Pero papaanong nangyari iyon? Bakit ko kapareho ng mukha si Aleah? 

"May alam ka ba tungkol dito?" tanong ko kay Reyl at bigla siyang napaiwas ng tingin.

Tiningnan ko silang lahat at nakita ko ang mga mukha nilang puno ng guilt. So ako lang talaga ang walang alam sa lahat.

"So alam pala ni Reyl ang lahat, bakit niyo pa ako tinatanong?"

"Althea, we need your voice. Ikaw lang ang pag-asa namin. Kung hindi ka magsasalita, mas lalong matatakpan ang kasong iyon. Alam mo ba, walang nahanap ang mga pulis na ebidensya kung bakit namatay si Aleah dahil walang sino man ang gustong magsasalita. Kaya hanggang ngayon ang kasong iyon ay hindi parin nabigyan ng hustisya"

"At bakit ako ang tinatanong niyo? Hindi ako nakatira sa bahay namin ngayon noong naganap ang krimen na iyon!"

"Kaya nga, malapit ka sa Daddy mo noong naganap ang krimen kaya gusto naming makahanap ng impormasyon kung anong nangyari at nasaan ang daddy mo noong naganap ang krimen. Anong mga nangyayari sa bahay niyo sa mga panahon na naganap ang krimen"

"At bakit na naman nasali ang daddy ko rito? Do you suspect my father?" inis na tanong ko

"Hindi namin pinagbintangan ang Daddy mo. Nais naming malaman kung anong ginawa  sa mga panahong naganap ang krimen dahil hindi siya sumasagot sa mga tanong ng mga pulis. Alam mo bang, hinahayaan niya lamang na matakpan ang lahat ng krimen at hindi ito na resolba hanggang ngayon. Alam mo bang hindi nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng anak niya?!"

"Shut up! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wala akong kakambal! Nag-iisa lamang akong anak ni Daddy. Bakit ba hindi niyo tatanungin ang mga taong malapit kay Aleah bago siya namatay?!"

Nakakainis! Naiinis na talaga ako! Galit na galut na talaga ako sa mga naririnig ko ngayon

"Althea, yung daddy mo nalang ang hinihintay namin na magsalita"

"Tama na! Bakit mas marami pa kayong alam sa tatay ko kaysa sa akin?!"

"Althea, masyado kang inosente. Wala kang alam sa mga pangyayari. Subukan mo kayang suriin ang mga nangyayari  sa paligid mo. Hindi mo ba napapansin ang mga usap-usapan ng mga estudyante sa'yo?! Matuto kang alamin ang mga pangyayari sa paligid mo"

Napatahimik ako sa sinasabi ni Nick at pagkatapos ay tumakbo ako papalabas sa kanilang club. Tumatakbo ako papuntang rooftop at doon ko binubuhos ang lahat ng luhang kanina ko pa kinikimkim.

Totoo ba ang sinasabi nila? Bakit hindi ko man lang alam? Kambal? Bakit hindi man lang sinabi ni Daddy na may kakambal ako? Dahil Kay daddy kaya hindi nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Aleah? Kakambal ko ba talaga si Aleah?

Posibleng nagmumulto ngayon ang kaluluwa ni Aleah dahil hindi nabigyan ng hustisya ang kanyang pagkakamatay? Kung doon namatay si Althea sa loob ng bahay namin, ibig sabihin siya 'yong babaeng humihingi ng tulong sa akin? Siya 'yong babaeng nakikita ko palagi sa aking kwarto?

Bigla biglang nagsitayuan ang mga balahibo sa aking katawan. Doon ko namalayan na may babae pala sa aking harapan na kanina pa nakamasid sa akin. Siya yung babaeng lagi kong nakikita sa bahay namin.

"Tulungan mo ako…" ani niya

"AHHHHHHHHHHHH!!!!!!"  Napasigaw ako at napatakbo ng mabilis dahil nakita ko ang babaeng multo.

Nagmamadali ako bumaba ng hagdan upang makalis sa rooftop. Nararamdaman ko namang nakasunod lamang siya sa akin.

"AHHHHHHHHHH" Patuloy lamang ako sa pagsigaw habang bumababa ng hagdan.

Napansin kong pinagtitinginan na ako ng mga estudyante sa bawat takbo ko ng mabilis subalit wala akong pakialam ngayon. Ang  nais ko lamang ay ang makalayo sa babaeng ito…

To be continued………..

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon