CHAPTER TWENTY FOUR
Pinapaupo nila ako sa aming sala ngayon. Pinapaalis ni Tita Veronica ang aming mga kasama at kami na lamang dalawa ang nandito sa sala.
"Uminom ka muna Althea" ani niya at inilagay ang baso na may lamang tubig sa mesa
Hindi ko kinuha ang basong binigay niya. Hindi ko kailangan ng tubig. Ang kailangan ko, ang Daddy ko. Kailangan kong malaman ang katotohanan.
"Hindi ko kailangan ng tubig. Ang kailangan ko, ang daddy ko" ani ko sa kanya
"Tinawagan ko na ang Daddy mo. Papunta na raw siya dito" ani niya
Mabuti naman at naisipan ni Daddy na pumunta dito. Akala ko busy na naman ulit siya sa business niya. Tss. Napatingin ako sa may T.V namin at nakita ko si Aleah na nakamasid sa akin. Iniwas ko diritso ang aking mga paningin sa kanya. Wala naman akong kasalanan pero bakit ako ang hinahabol niya?
Tiningnan ko si Tita Veronica at nakita kong inoobserbahan niya lamang ang mga kilos ko kaya inilipat ko na lamang ang aking mga paningin sa kanya.
Naghihintay kami ng mga oras hanggang sa may tumawag na maid sa amin.
"Ma'am nandito na po si Sir Rafael" tugon sa amin habang nakayuko at pagkatapos ay umalis na.
Bumungad sa amin ang daddy ko. Halatang halata ngang nagmamadali itong pumunta dito. Wow, ang bilis naman niyang nakarating. Pinapalipad niya kaya ang kanyang sasakyan? Tss. Napatingin ako sa Daddy ko at kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagkaguilty. Lumapit siya sa amin.
"Mabuti naman at nandito ka na Rafael, kanina ka pa hinahanap ng anak mo" tugon ni Tita Veronica sa kanya
Tinititigan niya lamang ako at pagkatapos nagsalita kay Tita Veronica
"Can you excuse us?" paumanhin niya kay Tita Veronica at tumango naman si Tita Veronica at pagkatapos ay umalis at iniwan kami.
Kaming dalawa na lamang ng daddy ko ang naiwan sa aming sala. Napatingin ako sa kanya ng masama.
"Althea, anong 'yong mga pinagsasabi mo sa telepono?" galit na tanong niya sa akin
"May kakambal ako daddy hindi ba?"
Hindi siya nakasagot sa tanong ko
"Sagutin mo ako Dad! Bakit hindi mo inaamin sa akin na may kakambal pala ako? Si Aleah. Kilala niyo si Aleah hindi ba? Bakit itinago niyo siy sa akin?" galit na tanong ko
"Althea, nagsabi sayo---"
"Hindi importante kung sino ang nagsabi sa akin Daddy. Natuklasan ko na lamang iyon sa aking sarili. Bakit hindi niyo inaamin sa akin dati?!" tanong ko sa kanya
"Althea, ayusin mo 'yang mga pananalita mo" pinapagalitan niya na naman ako
"Pinatay si Aleah, hindi ba't tama ako Dad?! Ngayon, sabihin mo sa akin kung bakit? bakit siya pinatay? Nasaan ka sa mga panahong pinatay si Aleah?!" galit na tanong ko sa kanya
Ano pa ang mga bagay na hindi ko nalalaman? Ano pang mga bagay na inilihim nila sa akin? Marami pa ba?
"Althea saan mo ba narinig ang bagay na iyan?!" tanong niya
"Sa paaralan Dad. Hindi ba't kagustuhan mong papuntahin ako sa lugar na ito?! Dito ko nalaman ang lahat ng bagay na itinatago mo sa akin. Hindi mo ba alam dad, hinahabol ako kanina ng mga reporters. Inaakala nila ako ang pinatay! Inakala nilang nagmumulto ako. Dad, pati mga estudyante sa paaralan, pinag-uusapan nila ako. They always talk behind my back. Lagi nila akong inaasar na galing pa daw akong sementeryo dahil patay na raw ako. Bakit hindi niyo inaamin sa kanila ang totoo Dad? Obvious namang may kakambal ako dahil magkapareho kami ng pagmumukha ni Aleah. Bakit niyo kailangang itago ito? Dad, kaya mo ba ako pinapapunta dito dahil upang malaman ko ang katotohanan?"
"Hindi. Hindi Althea, hindi iyan ang sadya ko kung bakit kita pinalipat sa lugar na ito" ani niya
"Kung gano'n, ano? Ano ba ang sadya mo at bakit mo ako pinapalipat sa lugar na ito?"
"Para sa kabutihan mo. Para sa safeness mo!"
Napatawa ako ng mahina sa kanyang sinabi. Sarcastic na tawa.
"Wow, safeness? Dad, sa tingin mo ba safety ang lugar na pinadadalhan niyo sa akin?"
"Althea, wala akong ibang lugar na maibigay sa'yong iba. Dito lang ang nakita kong lugar na may nakabantay sa'yo palagi" ani niya
"Dad, bakit kinakailangan ko pang umalis sa Theresa? safety naman ako doon. Isa pa, bakit kailangan niyo pa akong ipalagay sa safety na lugar?"
Muli siyang tumahimik dahil sa aking tanong ko
"Hindi niyo rin ba naiisip, na sa lugar na ito ay ang lugar na kung saan pinatay ang isa niyo pang anak?"
Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyan ay umalis na ako sa sala at pumasok sa loob ng aking kwarto.
~*~
Pagkarinig na pagkarinig ko na hindi papasok ang guro sa aming morning class ay wala akong ibang iniisip kundi ang pumunta sa office ng aming club. Natitiyak kong maging peaceful muna siguro ang buhay ko doon.
Naglalakad ako sa hallway patungo sa detective club hanggang sa nakarating ako. Pagpasok na pagkapasok ko sa loob ay nagulat ako dahil nakita ko si Yesha.
Teka bakit nandito si Yesha?
"Yesha anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya
Nakayuko lamang siya sa akin kaya napakunot ang aking noo sa kanya.
"Ako ang nagpapunta sa kanya dito"
Narinig ko si Nick na nagsasalita nang hindi man lang tumungin sa akin. Abala siya sa pagdidikit ng mga pictures. Oo nga pala! nakakalimutan ko, may kasamahan nga pala ako dito sa detective club at hindi ako nag-iisa.
Tss.. akala ko magiging peaceful na ang buhay ko pero hindi pala. Nakita ko silang lahat sa loob. Si Reyl ay nakaatupag sa kanyang laptop, si Claire ay mukhang abalang abala sa mga papers na kung saan naroroon ang mga records at si Nick naman na abalang abala sa mga pictures na pinagdidikit dikit sa dingding.
"Anong kailangan niyo kay Yesha? Bakit niyo siya pinapapunta dito?" tanong ko
"Kaming lahat ang nagdesisyon niyan Althea" tugon ni Claire
Medyo naguguluhan ako sa kaniyang sinabi.
"Hindi ko kayo naiintindihan" direktang tugon ko sa kanila at nakita kong tumawa ng mahina si Nick dahil sa sinabi ko
"From now on, kasali na natin si Yesha sa paglutas sa The Unfinished Case of Aleah Rodriguez" ani niya
"Ano?!"
"Naniniwala kami sayo Althea. Kaya napagdesisyunan namin na isasali si Yesha sa paghahanap natin ng solusyon sa kaso si Aleah. Hindi ba't sinabi mo sa Ami na, nakikita mo si Aleah? natitiyak naming matutulungan ka ni Yesha" ani ni Claire
Hindi ako nakapagsalita sa kanilang mga sinasabi. Natatahimik lamang akong nakatingin sa kanila.
"Natitiyak naming mapapadali natin ang paghahanap ng ebidensya sa kaso ni Aleah kapag nakakausap mo siya at sa tulong ni Yesha" singit naman ni Reyl
Teka, what happen to them? Anong nakain nila at bakit sila nagbago ng isip? Napailing iling na lamang ako.
Nakita kong nginitian nila ako. Si Yesha naman ay nananatiling nakayuko lamang. Tumango tango na lamang ako sa kanilang desisyon.
"Salamat" tugon ko sa kanilang lahat
To be continued....
BINABASA MO ANG
The Unfinished Case [COMPLETED]
TerrorIba't ibang salita. Iba't ibang komento. Iba't ibang ingay ang aking naririnig simula noong lumipat ako ng lugar. Lahat sila'y natatakot sa akin. Lahat sila'y umiiwas sa akin. Lahat sila'y nagagalit sa akin. Walang sinuman ang handang makikinig sa...
![The Unfinished Case [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/189053614-64-k879576.jpg)