CHAPTER TWENTY SIX

102 18 0
                                    

CHAPTER TWENTY SIX

Naglalakad ako ngayon sa hallway patungo sa paaralan namin at saktong sakto ngang bumubungad sa akin ang mga reporters. Damn! Naghahakbang na sana ako paatraas subalit nakita ako ng isang reporter at sumigaw.

"Ayan na siya!!!!"

Hinahabol ako ng lahat ng mga reporters. Ang lahat ay nagtungo sa kinaroroonan ko. Para akong isang artista na pinalilibutan ng lahat ng interviewer. Tss..

"Miss kilala niyo po ba si Aleah Rodriguez?"

"Miss, 'yong babaeng pinatay noong nakaraang taon kilala niyo ba?"

"Bakit kayo magkamukha? Kakambal mo ba si Aleah Rodriguez?"

"Kung kakambal mo iyon, bakit hindi ipinahayag sa iyong ama?"

"Kung gano'n, bakit hinayaan ng iyong ama ang kaso ni Aleah Rodriguez?"

Iba't-ibang mga tanong ang naririnig ko sa mga news casters. Malilito na siguro ako sa pangyayari dahil pinalilibutan ako ng lahat. Parang hinihintay lamang nila ang aking kasagutan. Hindi ko alam kung anong tanong ang unahing sagutin ko

Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay nagsalita

"Yes, I admit. May kakambal ako. Itinago ng daddy ko na may kakambal ako. Si Aleah Rodriguez ay ang aking kakambal at nandito ako ngayon upang maghanap ng ebidensiya at hahanapin ang taong pumatay sa kakambal ko" matapang kong sagot sa kanila

Ang lahat ay hindi nakapagsalita sa aking sinagot. Pati ang mga kasamahan ko ngayon ay mas lalong nabibigla sa diri-diretsong sagot. This is insane! Ano pa ba ang nararapat kong gawin? No choice ako kundi sabihin sa kanila ang totoo. This is bad.

"Bakit inilihim ng iyong ama na may kakambal pala si Aleah Rodriguez Miss?"

Napalingon ako sa isang reporter na nagtatanong sa akin.

"Personal reasons" sagot ko "ngayong nalaman niyo na ang mga kasagutan ng iyong tanong, please leave me alone! May klase pa ako at malalate na ako kaya lubayan niyo na ako!"

Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyan ay nagpumilit akong umalis sa aking kinaroroonan kahit na sobrang sikip. Mabuti nalang at hinahayaan na nila ako.

Pagpasok ko sa aming paaralan, ang mga journalism club members na naman ang tumungo sa akin. Lumalapit silang lahat sa akin.

"Miss sino ka ba talaga bakit kamukha mo 'yong babaeng pinatay last year?"

"Kakambal mo ba 'yon?"

"Pero bakit hindi sinabi ng iyong ama na may kakambal ang iyong ama?"

"Hinahayaan lang ba ng iyong ama ang kaso ng kakambal mo?"

Tss. Naiinis na talaga ang sa mga taong to. Bakit ba napakachismosa nila? Nakakainis.

"To be honest, I am the twin of Aleah Rodriguez. Nandito ako ngayon upang imbestigahan ang kaso ng aking kakambal na hanggang ngayon ay hindi parin nabigyan ng hustisya. Nandito ako sa lugar na ito, upang hahanapin ang taong pumatay sa aking kakambal. Now, please leave me alone"

Pagkatapos kong sabihin iyan ay nagmamadali akong tumakbo patungo sa aming classroom. Iniwan ko sila doon bigla bigla. Paano nato? Delikado ang buhay ng Daddy ko. Inamin ko na sa lahat ang katotohanan pero paano ang kaligtasan ng Daddy ko?

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon