CHAPTER TWENTY FIVE
Kasalukuyang nakikinig ako ngayon sa aming guro na abalang abala sa pagtuturo. Sa totoo lang, nabored ako sa aming klase kanina pa. Sino ba kasing hindi mabobored dito na walang ibang kinukwento kundi ang history ng buhay niya. Kulang nalang ipadala niya iyon sa T.V STATION upang sumikat. Tss.
Nabubulok na ako sa aking upuan ngayon. Nakakainis.
"Althea nandyan na naman siya.."
Napalingon ako kay Yesha na bumubulong sa akin ng mahina
"Si Aleah bang tinutukoy mo?" tanong ko
"Oo" pagtango tango niya
Bigla akong kinakabahan sa kanyang mga sinasabi. Nakita ko kagabi si Aleah. Nakikita ko kung gaano kagalit ang kanyang mga mata. Alam kong nagagalit siya dahil natakpan ang kanyang kaso at hindi nahanap ang taong pumatay sa kanya. Tss..
"Yesha, nakita ko siya kagabi. Nakikita ko kung gaano kadumi ng dugo ang kanyang damit. Nakakatakot niyang tingnan. Nangingitim ang kanyang mga mata" pagkukwento ko kay Yesha
"Nakatingin siya sa atin! Natitiyak kong nakikinig siya sa ating pinag-uusapan" ani niy
Napaiwas ako sa kanya ng tingin. Bakit ba kasi ako ang minumulto ng kapatid ko? hindi naman ako ang pumatay sa kanya. Bakit ba hindi niya mumultuhin ang taong pumatay sa kanya? Tss. Nakakainis naman!
Pagkatapos ng aming klase ay inaayos ko na ang aking mga gamit at pagkatapos ay lumabas na.
Naglalakad ako ngayon sa hallway at bigla biglang bumungad sa akin ang mga journalist members.
"Maari ka na bang matanong namin miss?"
"Miss sino ka ba talaga?"
"Kakambal mo ba ang pinapatay o magkamukha lamang kayo?"
"May kakambal ka bang pinatay?"
Stupid question.
Napatingin ako sa kanilang lahat. Paano na 'to? Hindi ko matatakasan ang mga tao dahil hindi masolusyonan ang kaso kung tatahimik nalang ako palagi tulad sa ginawa ng Daddy ko. Tiningnan ko silang lahat at pagkatapos ay nagsalita.
"Please just give me a time to be ready. Bukas, ipapangako ko sa inyo na sasagutin ko ang lahat ng mga katanungan niyo" tugon ko sa kanila
Pagkatapos kung sabihin iyan ay tumango tango silang lahat at pagkatapos ay hinahayaan nila akong umalis. Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa naabutan ko ang garden kung saan naroroon ang aking mga kasamahan sa pag-uwi.
Naglalakad kami sa hallway ng school namin papalabas ng gate. Doon na lamang ako mas lalong nagulat dahil nakikita ko ang mga news reporter na inaabangan ang aking paglabas. Nakita ko naman ang pagkagulat ng aking mga kasamahan.
Walang emosyong hinarap ko ang mga reporters at sinabing "Kung tatanungin niyo ako tungkol sa pagkamatay ni Aleah Rodriguez, ipinauumanhin ko sa inyo na bigyan niyo muna ako ng oras upang ihanda ang aking sarili. Huwag muna ngayon paki-usap. Bukas, ipapangako kung sasagutin ko ang lahat ng katanungan niyo bukas" tugon ko sa kanila
Nakita ko ang pagkagulat ng aking mga kasamahan sa sinasabi ko sa mga reporters. Lalong lalo na kay Daryl na hindi masukat ang pagkagulat. What's wrong? Anong mali sa aking sinabi? Napailing iling na lamang ako sa kanila at pagkatapos ay nagpatuloy sa paglakad pauwi nararamdaman ko namang sumunod sila sa akin at hinahayaan na kami ng mga reporters.
~*~
Pagkarating na pagkarating namin sa bahay ay dumiretso kaming lahat sa sala.
BINABASA MO ANG
The Unfinished Case [COMPLETED]
HorrorIba't ibang salita. Iba't ibang komento. Iba't ibang ingay ang aking naririnig simula noong lumipat ako ng lugar. Lahat sila'y natatakot sa akin. Lahat sila'y umiiwas sa akin. Lahat sila'y nagagalit sa akin. Walang sinuman ang handang makikinig sa...
![The Unfinished Case [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/189053614-64-k879576.jpg)