CHAPTER ELEVEN

105 16 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

"Daryl?"

Nginitian niya ako at naging dahilan nang paglabas ng dimple niya sa kanyang pisngi.

I saw his devilish smile. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang evilness. Bigla bigla akong kinakalabutan.

Anong gagawin ko?..

"Daryl? bakit hindi ka man lang tumawag sa akin upang malaman ko kung sino ang nakasunod sa akin?" tanong niya

"Bakit? Kinakailangan pa ba yon?"

What's with this man? Bakit ang taray niya sa akin ngayon?

"Saan ka ba galing?" tanong ko

"Tch. Alam mo, walang tao dito sea daan na ito?"

Naweweirduhan ako sa mga sinasabi niya.

"Anong.. ibig.. mong... sabihin?.." utal na tanong ko dahil sa takot

Biglang sumeryoso ang kanyang hitsura

"Walang tao sa lugar na ito. Alam mo ba yun?"

Dahan dahan siyang lumalapit sa akin. Kinakabahan ako sa mga sinasabi niya kaya napaatras ako nang paatras. Wait, anong gagawin ko?

May masama bang balak si Daryl sa akin?.. Bumilis ng tibok ang aking puso. 

Paatras ako ng paatras habang siya naman ay patuloy na lumalapit sa akin.

"Anong... ginagawa... mo?" tanong ko na halatang natatakot sa kanya

Hindi niya ako sinagot, instead nagpatuloy lamang siyang lumalapit sa akin. OMG I need help!

"Bakit ba ang tagal niyong dalawa?"

Napatingin ako sa aking likuran and I saw Reyl. Hay Salamat! nagmamadali akong lumapit kay Reyl na naghahabol ng hininga dahil sa sobrang kaba.

"Ang tagal tagal niyo! Daryl nakakabili ka ba?"

"Wala, ubos na daw"

Kung ano man ang pinag-uusapan ng dalawa, wala na akong pakialam dahil
gustong gusto ko nang umuwi ngayon din.

Tahimik lamang kaming naglalakad sa daan ngayon. But still, hindi parin mawala sa aking isipan ang pagkaba at takot.

"Bakit ka ba lumabas?" tanong ni Daryl kay Reyl dahil sa paglabas nito

"Nakakabagot sa bahay eh! kaya napasyahan kong lumabas nalang" sagot ni Reyl

Hindi nakasagot si Daryl sa sinasabi ni Reyl. But still, I am very thankful dahil dumating si Reyl. Pagkarating namin sa bahay ay nagmamadali na akong pumasok sa loob at pumunta agad sa aking kwarto.

Pagkapasok ng pagpasok ko sa aking kwarto ay agad kong inilock ang pinto at inilagay ko ang dala kong bag sa aking kama at umupo. Pagkatapos ay napaiyak na lamang ako.

Akala ko may masamang mangyayari sa akin kanina. Takot na takot ako. Nagpatuloy lamang ako sa aking pag-iyak. Gusto ko nang umuwi sa amin. Gustong gusto ko na! Ayaw ko na dito! Nakatatakot ako.

Hindi muna ako lumabas sa kwarto ko. Natatakot ako. Natatakot ako sa kung ano ang mangyayari sa akin at sa lugar na ito. Naalala ko yung sinabi ni Reyl sa akin na hindi dapat ako maniniwala sa mga taong nandidito sa bahay na ito. Tama. Hindi ko pa kilala ang mga taong nasa mga paligid ko, kaya dapat akong mag-iingat.

Tok* Tok* Tok*

Maya maya ay may narinig akong katok sa pintuan.

"Sino yan?" Sigaw kong tanong pero nananatili parin ako sa aking kama.

"Althea, si Heaven to. Kakain na raw tayo sabi ni Ma'am Veronica" rinig kong sagot nito

"Susunod na lang ako" sigaw rin na sagot ko

Gustuhin ko man o hindi, subalit wala akong magagawa dahil nagugutom narin ako. Ayaw ko namang mamatay sa gutom dito dahil lang sa takot.

Tumayo na ako at umalis sa aking kama. Binuksan ko ang pintuan ng aking kwarto at tuluyan ng lumabas. Naglalakad ako papunta sa  kusina at nadatnan ko silang lahat. Nang napansin nila ang pagdating ko, ang lahat ng kanilang mga mata ay nakatuon lamang sa akin. Ang aking mga mata ay nadapo kaagad kay Daryl. Binigyan niya ako ng inosenteng ngiti na para bang wala siyang ginawang kakaiba sa akin I kanina. Iniwas ko ka agad ang tingin ko sa kanya at umupo na sa aking pwesto.

Nagsimula na kaming magdasal bago kumain at pagkatapos ay kanya kanya na kaming sumandok ng ulam.

"Kumusta ang unang pasok mo sa paaralan Althea?" panimulang tanong  ni Tita Veronica sa akin

Nararamdaman ko na to eh! Alam na alam ko talagang tatanungin ako ng ganito.

"Okay lang naman po, medyo marami nga po akong naging kaibigan" pagsisinungaling  ko but I saw Reyl na tinitingnan ako at pagkatapos ay iniiwas ang tingin

Naalala ko na naman ang nangyayari sa akin kanina. People used to bully me dahil sa hindi ko malaman laman kung ano dahilan.

"Mukhang hindi ka na siguro matatagalan ng uwi bukas Althea, pwede ka nang sumabay sa amin" singit naman ni Heaven

"Oo. Bukas sasabay na talaga ako sa inyo. Sigurado akong may  maraming mga MASASAMANG TAO sa daan lalo na at dumidilim na ang kalangitan" sinadiya ko talagang i-empasize ang salitang "masasamang tao" upang iparinig ito kay Daryl. Samantalang siya, mukhang walang naririnig. Wow. Good actor huh!

Makaasta siya ngayon na para bang wala siyang mga weird na pinagsasabi sa akin kanina. Mabuti nga't dumating si Reyl kanina. Tiningnan ko si Reyl na mukhang walang pakialam at mukhang wala siyang naririnig. Hindi siya nagsasalita pero batid kong nakikinig lamang siya sa aming pinag-uusapan.

Nang napansin niyang tinititigan ko siya, mukha siyang naawkwardan sa akin at inaayos ang suot niyang eyeglasses. Iniwas ko na lamang ang aking tingin sa kanya

Sa gilid ko, I saw Chloe staring at me again. Ano na naman kaya ang inoobserba ng batang ito sa akin?

"Ano?" Tanong ko sa kanya

"Ate, ngayon lang kitang nakikitang walang ganang kumain sa paborito mo" she said while smiling at me.

What? tiningnan ko ang ulam na nasa aking Plato. Paksiw? Who said paksiw is my favorite food?.

Binalik ko ang paningin sa bata at napansin ko ang lahat ng mga mata na nakamasid sa akin.

"This is not my favorite" saad ko

"Ate diba gustong gusto mo 'yan?"

Hindi ako natuloy sa pagkain ko.
Ano bang nangyari sa batang eto? Nakakainis! Bakit ba lagi niyang binabantayan ang mga kilos ko? And why do she always ask me a question that is very opposite to me? Tss.

"Chloe, mind your food" ani ni Tita Veronica sa bata kaya naging dahilan upang tumahimik ang bata.

May mga naoobserbahan na talaga ako sa loob ng bahay nila. Una, pinagkamalan ako ng lahat. Pangalawa, sinabihan ako ni Reyl na hindi ko dapat paniniwalaan ang nga taong nasa loob ng bahay na ito. Pangatlo, ang mga sinasabi ng batang si Chloe sa akin. Pang-apat, ang mga kilos ni Tita Veronica na laging inoobserbahan ang mga kilos ko sa loob ng bahay.

Ano ba talaga ang sekretong hindi ko nalalaman?…..

To be continued……

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon