FINALE

126 18 0
                                    

FINALE

Pauwi na ako ngayon sa amin galing paaralan. Naglalakad ako sa hallway ng paaralan namin nang biglang nagbeep ang cellphone ko. Mabuti na lamang at nadala ko ang cellphone ko. Napasyahan ko rin kasi na dalhin na lang ito palagi incase of emergency. Tiningnan ko ang cellphone ko kung ano 'yong ingay na 'yon. Then, I recieved a text message. Tiningnan ko ang inbox at nakita ko ang number ni Tita Veronica.

From: Tita Veronica

Althea, aalis kaming lahat ngayon upang pumunta sa amusement park maiwan ka muna namin diyan mag-isa sa bahay. Oo nga pala, day-off ngayon ng mga maids kaya wala ka munang makakasama diyan sa loob pero babalik din naman kaming lahat mag-ingat ka.

Pagkatapos kong basahin ang tinext ni Tita Veronica ay sinara ko na ang cellphone ko. Ang weird naman nila ngayon. Bakit nila ako iniwan? May family bonding ba sila? Tss. No choice ako kundi mag-isa akong umuwi ngayon.

Naglalakad lamang akong mag-isa ngayon sa daan patungo sa aming bahay. Mabuti na lamang at malapit na akong makarating sa bahay namin but then someone caught my attention. Nakita ko ang isang lalaki na nakasandig sa may puno together with his dog.

"James?"

Napalingon siya sa kinaroroonan ko

"Althea! It's you, galing ka bang paaralan?" tanong niya

"Oo eh" ani ko

"Obvious naman din, kasi naka uniporme ka pa" natatawang tugon niya kaya napatawa narin ako

Ngayon ko nga lang pala nakita siya simula noong niyaya ko siyang pumunta sa amusement park upang libangin ang sarili ko at upang iwasan si Aleah

"By the way, thank you nga pala noong isang araw. Sinamahan mo ako kahit na, sobrang weird ko that time" ani ko

"It's okay nakakatuwa ka ngang pagmasdan habang sigaw ka ng sigaw habang nakatingin sa mga taong sasakay ng rides" ani niya habang nakangiti

"Teka, ano nga palang ginagawa mo dito? at saka bakit hindi ka pumasok sa loob ng park?"

"May hinihintay kasi ako ngayon"

"Sino? girlfriend mo?" usisa ko

"Nope Hindi. hindi." pag-iling iling niya "team mates ko sa swimming"

"Gano'n ba, sige mauna na muna ako sa iyo. Hinahanap na siguro ako ngayon" pagsisinungaling ko

"Sige! pero teka, maaari ba akong pumunta sa inyo ngayong gabi?"

Napakunot ang aking noo sa kanyang tanong. Bakit naman niya naisipan na pumunta sa amin ngayong gabi?

"Ngayong gabi? bakit naman?"

"I just want to meet all your relatives. Pang goodbye ko na rin ito kay Aleah dahil aalis na ako ng pilipinas nextweek"

"Ano? aalis ka na ng Pilipinas? Saan ka pupunta?"

"Mag migrate na kami sa States kasama ang mga family ko. Actually, si Aleah ang dahilan kung bakit ginusto kong bumalik dito sa Pilipinas. Pero ngayong wala na si Aleah, mag goodbye na ako sa iyo at sa inyong lahat" malungkot na tugon niya

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon