CHAPTER TWELVE

105 18 0
                                    

CHAPTER TWELVE

Naglalakad ako ngayon patungo sa classroom ko and at usual, pinagtitinginan na naman ako ng mga estudyante dito. Hindi ko nalang sila pinapansin. Pagpasok ko ngayon sa classroom ko, I saw my classmates staring at me at pagkatapos ay nagbulong bulongan. Hindi ko na lamang sila pinansin instead, pumunta na ako sa aking upuan at tumabi kay Yesha na abalang abala sa pagdadrawing.

"May assignment ba tayo?" tanong ko sa kanya but, hindi siya nagsasalita kundi umiiling lang.

Ang weird talaga ng babaeng ito. Tiningnan ko kung ano ang dinadrawing niya and I saw something black. Black? mga parisukat na may krus sa ibabaw nito. Parang sementeryo lang? at sa gilid nito ay may mga taong maitim din. What's with this girl? Nakakatakot. Napailing na lamang ako sa kanya. Grabe! 'yon ba talaga ang mapapala mo sa Paranormal Club? Mukhang ginagawa ng hindi normal ang tao eh. Tss.

Napatingin na lamang ako sa malayo. Maya maya ay nakita ko si Claire na papalapit sa akin

"Hello" ani niya at binigyan ako ng isang ngiti

Nginitian ko naman siya pabalik.

"Alam mo ba, our classmates staring at me" sabi ko

"Huwag mo nalang silang pansinin" ani niya

"I don't know kung bakit sila ganyan. Sa tuwing nandito ako, lahat ng atensyon nila ay nakatuon sa akin. Why?"

She just give me a slight smile.

"What if you will join in our club?"tanong niya

Nagulat ako sa kanyang sinabi

"Your club? You mean, the detective club?" tanong ko

"Oo" tumango siya "sigurado akong hindi ka mabobored doon"

Natahimik ako sandali sa kanyang mga sinabi. Detective? Hindi rin naman ako mag-eenjoy doon.

"Ayoko, Hindi ko rin naman gustong maging detective sa campus na ito" ani ko

"Ikaw rin" ani niya na nakikipagkibit balikat

Maya maya ay dumating na ang guro namin kaya napabalik na si Claire sa kanyang upuan at nagsimula naring magdiscuss ang guro namin.

Hindi ako makaconcentrate sa lesson namin dahil maraming tanong ang pumasok sa aking isipan.

"Ms. Rodriguez!"

Nagulat na lamang ako nang biglang tinawag ng guro namin ang pangalan ko

"Yes.... ma'am...?" utal na sagot ko

Leche!

"Napansin kong, kanina ka pa wala sa sarili mo!"galit na tugon niya "Ito sagutin mo ang tanong ko, Who proposed the Big Bang Theory?!"

Napalinga linga ako upang makahanap ng sagot dahil ang totoo, hindi naman talaga ako nakikinig sa mga tinuturo niya kanina dahil may marami akong iniisip.

Napansin kong tinitingnan lamang ako ng aming mga kaklase. Sh*t Nakakahiya.

"Wala 'yang alam ma'am, dahil galing pa yan sementeryo" rinig kong tugon sa isa naming kaklase.

"Oo nga! Hahahaha"

"Nice one hahaha"

"Tama! Hahahaha"

Napatingin tuloy ako sa kanila dahil napuno ng tawa ang classroom namin dahil pinagtatawanan nila ako.

Why are they always talking about cemetery and ghosts when it comes to me? Ano bang connection ko diyan?

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon