CHAPTER TWENTY ONE

93 20 0
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

Ang bilis ng araw. Its already Monday. Makikita ko na naman ang mga nakakasawang hitsura ng mga estudyante na walang ibang alam kundi ang magchichismisan tungkol sa akin. Tss.

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng aming paaralan. Patungo sa classroom ko ngayon. Naalala ko tuloy ang paaralan ko dati. Lalong lalo na ang mga kaklase ko sa Theresa. Before, excited na excited akong pumasok sa paaralan dahil I have a lot of friends pero ngayon, parang ayaw ko na atang pumasok dahil nakakainis pakinggan ang mga usap usapan ng mga studyante sa dito tungkol sa akin.

Hindi naman kasi ako binubully dati o di kaya'y pinagchichismisan ng masama na para bang isang celebrity na may ginawang hindi tama. My classmates used to adore me before because I'm a good actress in our school. Hangang hanga ang mga estudyante sa akin doon dahil ang galing galing ko sa pag-acting every theater day ng paaralan namin. Nakakamiss tuloy ang mga araw na iyon.

Nagpatuloy lamang ako sa aking paglalakad hanggang may sumalubong sa akin na mga estudyante. Wait, they look familiar. Tama! the journalism club.

"Miss can we get some information about you?"

"Miss maaari mo bang sagutin ang aming mga katanungan?

"Miss ikaw ba yung pinatay?"

What a foolish question

"Kakambal mo ang ang sinaksak?"

"Paano nangyari iyon?"

At doon binubuhos nila sa akin ang lahat ng mga katanungan na nasa kanilang mga isipan. Habang tumatagal ay mas lalong dumadami ang bumubungad sa aking interviewer.

Napapalibutan ako ng mga estudyante. Some of them are taking pictures with me. Wow. Just wow. Is this what my Dad wants? 'yong tipong ako ang magsuffer sa lahat ng ito dahil hindi niya inaamin na may kakambal ako? Wow. Nakakatawa ngang pakinggan dahil ang ibang tao pa ang unang nakakaalam na may kakambal pala ako. Pati sarili niyang anak hindi man lang niya sinabihan. Tss..

"Miss magsalita ka naman" galit na tugon ng isa

"Kung hindi ka magsasalita mas lalong hindi mabubunyag ang katotohanan"

"Hahayaan mo na lang bang hindi mabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay?"

"Kapareho pala kayo ng tatay mo"

"Ikaw ba ang babaeng pinatay?"

Stupid.

Nakakatawa lang ding marinig ang mga tanong nila grabe! Nakakainis naman nitong mga journalist na'to. Makaasta sila na parang totong mascom. Tss. Did they forget? they are just a member of journalism club of this campus but they are not a real journalist.

Dapat ang mga balita lamang sa paaralan ang aasikasuhin nila at hindi personal na buhay ng tao. Kung makaasta, para naman silang mga pulis. Tss. At isa pa, bakit parang ako pa ang may kasalanan? Hindi ko nga alam na may kakambal pala ako eh. Idiot. Nanatiling tahimik lamang ako sa aking kinatatayuan. Nakikita ko ang mga estudyante na kinukunan ako ng video at iba't- ibang flash ng camera. Ang lahat ay naghihintay na lamang sa aking mga sagot. Ako nalang ang hinihintay nilang magsalita.

As usual, ang iba ay nagbubulong bulongan na naman dahil sa ikinikilos ko. May iba ring nakikisuyo. Bakit ba ang hilig hilig ng chismis ang mga tao? Bakit hindi nalang sila pumasok sa kani-kanilang mga kaklase and mind their own business?

Sinubukan kong humanap ng paraan upang makaalis sa lugar na ito. Kung may powers lang sana ako, sigurado akong kanina pa ako nawala sa kanilang mga paningin. Paano naman ako makakaalis sa lugar na ito? I am surrounded by many people. Wala akong paraan upang makatakas o makatakbo.

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon