CHAPTER SIX

121 18 0
                                    

CHAPTER SIX

"Anong dalawa kami?" naguguluhang tanong ko

Nagsitayuan na ang aking mga balahibo sa aking katawan.

"Althea, maaari bang mag-usap tayo sandali?" nang narinig kong tinawag ang pangalan ko ni Reyl na kagagaling lamang sa loob ng kabilang kwarto ay napalingon ako sa kanya

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya

Bago niya ako sinagot ay tumingin muna siya kina daddy at tita Veronica na nag-uusap at pagkatapos ay tumingin sa akin "About sa pagtransfer mo ng paaralan dito" 

Bakit ba big deal na bigdeal sa kanila ang pagtransfer ko ng school dito? Kanina si Daryl, pinag-uusapan niya ang tungkol sa pagtransfer ko dito. Ngayon naman, si Reyl Tss. Anong meron?

"Anong meron  pagtransfer ko dito?" tanong ko sa kanya

"Basta sumunod ka sa akin" ani niya at humakbamg papaalis

Pagkatapos niyang sabihin iyan ay umalis na ako sa sala at sumunod na lamang sa kanya. Iniwan ko sina Heaven at Chloe doon sa sala na gulat parin at lutang ang mga iniisip. Hay naku! Ewan ko ba kung anong nangyayari sa dalawang 'yon. Bakit kaya nila sinasabi na naging dalawa ako? Tss. Napailing iling na lamang ako habang naglalakad patungo sa kusina.

Sumunod ako kay Reyl na pumunta sa kusina at nakita kong umupo siya sa upuan doon. Umupo rin ako sa bakanteng upuan doon na hindi masyadong malayo sa kinaroroonan ni Reyl.

"Ano ang ating pag-uusapan?" tanong ko sa kanya at sinimulan ang aming pag-uusap

"I heard about your father's decision. Dito ka na raw mag-aaral" ani niya sa akin habang seryosong nakatitig sa aking mga mata

"Then what?" mataray na tanong ko

"Halatang hindi mo pa kilala ang mga tao sa paaralan dito and also, you are needed to be guided" seryoso niyang tugon kaya naguguluhan ako

"Diretsuhin mo nga ako. Ano bang punto mo?" naging seryoso narin ang aking mga tinig

"I just want to remind you na, huwag na huwag mong sasagutin ang mga estudyanteng magtatanong tungkol sa'yo"

"ANO?! Among ibig mong sabihin? Paano kung may mag tatanong sa akin kung ano ang pangalan ko o 'di kaya, kung saan ako nakatira, hindi ko ba dapat sila sasagutin? Gano'n ba ang ang ibig mo mong sabihin?" naguguluhan kong tanong

"No, hindi yan ang ibig kong sabihin"

"Then, ano?! Ano ang nais mong sabihin na hindi ko dapat sasagutin?"

"What I mean is, If ever may magtatanong sa'yo about sa personal life mo, huwag na huwag mo silang sasagutin. Huwag na huwag mong sasagutin ang mga tanong nila" ani niya

"Teka, personal life ko? Bakit naman nila ako tatanungin about sa personal life ko, Hindi ba't privacy na iyon?" naguguluhan kong tanong

"Basta, sundin mo ang mga sinasabi  ko" ani niya

Hindi ko siya sinagot dahil medyo nagloading ang pagprocess ng utak ko. I don't even understand kung bakit tatanungin ako ng mga estudyante sa paaralan about sa personal life ko. Well, ganun naman talaga 'yon kapag transferee student. May maraming mga tanong tung sayo, pero bakit pati privacy ko kinakailangan pa nilang malaman? Hindi naman ako isang artista upang interviewhin ng kung ano ano.

"Do you get my point?" biglang nagsalita si mysterious guy

"Alam mo, hindi ko alam kung bakit ako interviewhin ng mga estudyante doon eh, hindi naman ako isang artista tss."

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon