CHAPTER TWENTY EIGHT

91 18 0
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT

Alas nuwebe na nang umaga nang ako ay napagising. Tiyak lagot na naman ako nito kay Tita Veronica dahil madaling araw na akong nagising. Pero wala akong pakialam. Buhay ko to kaya ako dapat ang magdesisyon sa sarili ko. Bumangon na ako sa aking kama at pagkatapos ay inaayos ayos ang aking kagamitan pati narin ang aking kumot. Hayst grabe! nakakatakot talaga ang mga nangyari sa akin kagabi.

*Flashback*

Bumalik ako sa aking kwarto pagkatapos akong sabihan ni Daryl ng kung ano anong bagay. Pagdating ko sa loob, napaupo na lamang ako bigla sa kama at laking gulat ko nang nagpakita ulit sa akin si Aleah.

"Tulungan mo ako… Tulungan mo ako…"

Unti- unti itong lumalapit sa kinaroroonan ko. Teka teka! May balak kaya siyang masama sa akin? Tinitingnan ko ang kanyang mga mata at nakita ko kong paano siya nagagalit. Anong gagawin ko? Lumalapit siya nang lumalapit sa kinaroroonan ko. Nababasa ko sa kanyang mga mata ang galit na gusto niyang ipataw sa akin. Muli kong naalala ang mga katagang sinabi sa akin ni Daryl kanina.

~
"Patay na si Aleah, natitiyak kong papatayin karin niya dahil nais niyang gumanti kaya mag-ingat ka!. Ikaw ang next target niya upang may madala sa kanyang kamatayan "
~

Teka, bakit siya sa akin maghihigante? Wala naman akong kinalaman sa pagkamatay niya. Papatayin niya ba ako? Diyos ko! anong gagawin ko?

"Tulungan mo ako… Tulungan mo ako…"

Mas lalo itong lumalapit sa akin kaya napaatras narin ako. Sa bawat lapit niya sa akin ay paatras ako ng paatras hanggang sa nasandalan ko na ang pader sa aking kwarto. Nanginginig ang aking mga kamay. Bumilis ang tibok ng aking puso. Anong gagawin ko? Kung sisigaw ako ngayon at magsumbong, walang sinuman ang maniniwala sa sasabihin ko.

"Lubayan mo na ako Aleah! Wala akong kinalaman sa pagkamatay mo. Umalis ka na!"

"Tulungan.. mo …."

Tumango tango ako sa kanya habang nararamdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha galing sa aking mga mata.

"Tinutulungan naman kitang hanapin kung sino ang taong pumatay sa'yo! Nag-iimbestiga ako sa kaso mo. Tinutulungan kitang lutasin ang kaso mo. Naghahanap ako ng ebidensiya kaya please.. Lubayan mo na ako!!!!! huwag mo akong patayin parang awa mo na!.."

Umiiyak ako habang nagmamakaawa sa kanya. Subalit nakita kong masama siyang nakatingin sa akin. Bakit? May nagawa ba ako sa kanya na mali? Bakit parang may kasalanan ako sa kanya? Unti unti akong yumuko at niyakap ang aking mga tuhod. Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata upang hindi ko siya makita at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako…

*END OF FLASHBACK*

  Bakit ba ang sama sama sa akin ni Aleah? Wala naman akong ibang nagawa sa kanya. May balak ba siyang papatayin ako?

~
"Patay na si Aleah, natitiyak Kong papatayin karin niya dahil nais niyang gumanti kaya mag-ingat ka!. Ikaw ang next target niya upang may madala sa kanyang kamatayan "
~

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon