CHAPTER TWENTY SEVEN

93 18 0
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN

Wala sa sarili akong naglalakad ngayon sa aming paaralan. Mabuti nalang at nakauwi ako ng ligtas kagabi. Hindi ko rin naman nakita ang Daddy ko doon.

Sa tingin ko, mukhang naghahanda narin si Daddy sa safeness niya. Mabuti naman kung ganoon. Pero hindi parin mawala sa aking isipan ang mga nakikita ko kagabi. Si Claire, si Nick, si Reyl. Ang mga kasamahan ko sa detective club. Silang lahat ang nakita ko kagabi. Nakita ko silang nag-aabang sa bahay namin. Natitiyak kong gusto rin nilang papatayin ang Daddy ko. So ibig sabihin hindi ko sila karamay. Hindi ko sila kaibigan. Sila ay isa sa aking mga kaaway.

Bakit sila sumali sa paglutas sa kaso ng kakambal ko? para ba mapatunayan nila na mapapatay nila ang Daddy ko? Tss.. Nakakinis! Traydor! Sa tingin ko, si Yesha nalang talaga ang mapagkatiwalaan ko. Siya nalang talaga.

Pagpasok na pagpasok ko sa aking classroom ay hindi na ako pinagchichismisan ng mga kaklase ko. Mabuti narin kung ganoon. Natitiyak kong naliwanagan na sila sa lahat dahil inaamin ko na kahapon na hindi ako si Aleah kundi ako ang kakambal nito na hinahanap kung sino ang pumatay kay Aleah.  

Nilagay ko ang bag ko sa aking upuan.

"Althea, nakikita ko na naman ang babaeng nasa likuran mo" ani ni Yesha

Walang emosyong tumingin ako kay Yesha dahil sa kanyang sinasabi.

"Hayaan mo na siya Yesha! dahil kahit anong taboy sa kanya hinding hindi niya parin ako lulubayan" ani ko

Bumalik siya sa kanyang pagyuko dahil sa aking sinagot

"May nararamdaman kasi akong kakaiba. Nararamdaman kong medyo lumakas ang kanyang presensya" tugon niya

"Ano? anong nais mong sabihin?"

"Binabalaan kita Althea, mag-ingat ka! nakakaamoy ako ng paghihiganti"

"ANO?!"

Napa-upo ako sa aking upuan at natulala. Medyo nagloading ang utak ko ngayon. Maraming mga bagay ang pumasok sa aking isipan. Tumahimik na lamang ako at iniisip ang mga sinasabi ni Yesha sa akin.
Maya maya ay nalipat ang aking atensyon kay Claire na kapapasok pa lamang ng aming silid aralan. Siya. Siya yung nakita ko kagabi. Siya ang aming kaaway. Nakita kong tumingin siya sa akin at ngumiti hanggang sa lumapit siya sa kinaroroonan ko.

"Hi Althea"

Hindi ko sinagot ang kanyang pagbati. Instead, walang emosyong tumingin ako sa kanya. Ang plastic!

"Okay ka lang ba? Uy! anong nangyari sa'yo?" patuloy niya

"Leave me alone" mataray kong tugon sa kanya

"Huh?" Nakita ko ang kanyang pagkagulat.

I didn't mean to hurt her pero lagi kong maalala ang mga nakikita ko kagabi. Parang tumaas ang aking dugo kapag nakikita ko siya o di kaya'y kapag maririnig kong lagi niya akong kinukulit. Ang plastic! Grabe nakakainis!

"Uy, Yesha! anong nangyari kay Althea?" tanong niya pa sa katabi ko

"Aba! Ewan ko" sagot naman ni Yesha

Iniikot ko na lamang ang aking mata dahil sa inis at iniyuko ang aking ulo sa aming desk. I don't need someone who's plastic to me. I don't have time to the person who don't belong in me.

Hindi ko siya karamay. Remember? She is my enemie. Maya maya ay nararamdaman kong umalis na siya sa kinaroroonan ko. Mabuti naman. Kaya muli kong itinaas ang aking ulo. Napansin kong medyo disappointed ang kanyang pagmumukha. I'm sorry Claire pero ikaw ang unang nagtraydor sa ating dalawa. 

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon