CHAPTER FIVE

144 20 0
                                    

CHAPTER FIVE

Nasa loob ako ng aking kwarto habang nagmamaktol. Hindi man lang ako tinanong ni Daddy kung okay ba ang pagtira ko dito or else, ano ang kailangan ko dito. Tsk. Nakakainis talaga!

Because the truth is, I don't like here. May nararamdaman kasi akong kakaiba sa loob bahay na'to. Lalo na sa mga taong na naririto. Tsk.. Nakakabadmood! Sasabihan ba naman akong, dito na ako mag-aaral? Like tsk.. Nakakainis! I don't really like here. Hindi ko feel yung mga tao dito.

Nilibot libot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. I don't know kung panaginip ko lang ba ang mga nararamdaman ko kagabi dahil sa ayaw ko dito or totoong pangyayari ba kaya iyon?. Ewan. Basta kakaiba ang pakiramdam ko sa loob ng bahay na ito.


Tok* Tok* Tok*

Narinig kong may kumatok sa pintuan at pagkatapos ay nakita kong pumasok si Manang Elsa sa kwarto ko.


"Maari ba akong pumasok iha?" tanong niya

"Naku, syempre naman po manang" masigla kong tugon

"Salamat naman" ani niya

"Dito po kayo at maupo muna" kumbinsi ko sa kanya habang tinuturo ang aking kama.

Sinunod naman niya ang sinasabi ko at nginitian ako habang nakatitig sa aking mga mata.

"Manang, may sasabihin po ba kayo?" tanong ko sa kanya

Nginitian niya ulit ako. I feel like she's my mother.

"Iha, alam kong isa kang matapang na bata. Nararamdaman kong may mangyayaring hindi maganda sa loob ng bahay na'to. Kung ano man iyon, hiling ko sana'y mananatili ka paring matatag"

"Manang ano po ang ibig niyong sabihin?"

Bigla akong nawalan ng lakas sa sinabi ni Manang Elsa. Alam ko kasing may alam siya sa mga hula kung 'ano ang maaring mangyayari sa kinabukasan. Siya ang nagturo sa akin kung paano ko babasahin ang mga tao habang tinitingnan ang kanilang mga mata.

"Althea, kilala mo ang dad mo. Gusto niya na ang lahat ng gusto niya ay laging masusunod. Kaya ako naririto sa'yo ngayon ay upang payuan ka" ani niya

"Manang, ayaw ko naman talaga dito kung alam niya lang. May kakaiba rin kasi akong nararamdaman sa loob ng bahay na'to" ani ko

"Huwag na huwag mong susuwayin ang dad mo. Naiintindihan mo ba ako?"

"Mula noon, sinusunod ko naman lagi ang mga ipinapayo niya sa akin manang"

Bigla niyang hinawakan ang aking kamay "Althea, kahit gaano pa ka strict ang dad mo, alam kong ang lahat ng ginagawa niya ay para iyon sa ikabubuti mo"

"Sana nga po manang. Sana para sa akin ito at hindi para sa kanya"

"Basta, Althea sundin mo ang mga payo ko. Huwag na huwag mong susuwayin ang dad mo"

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon