CHAPTER THIRTEEN
Nandito na ako ngayon sa canteen at hinahanap kung saang table nakaupo si Claire. Nagpalinga linga ako sa kung saang sulok ng canteen siya nakaupo hanggang nakita kong umupo siya sa upuang inuupuan namin kahapon kaya nilapitan ko siya.
"Oh? Nag-order na ako ng meal para sa'yo" ani niya nang makita niya ako
"Salamat" sagot ko at umupo na
"Ano ba 'yong pinupuntahan mo?" tanong niya
Tumingin ako sa kanya sandali at pagkatapos ay umiiling "wala wala"
"Naku! Sabihin mo na sa akin. Huwag kang mag-alala kapag secret iyan, hindi ko yan ipagsasabi sa iba" ani niya
"Wala! may nakabangga lang akong lalaki kanina" ani ko at nagsimula ng kumain.
"Sino? Kilala mo ba?" curious niyang tanong
"Hindi. Pero sigurado akong kilala mo siya" ani ko
"Ha? Paano mo naman nasabi?"
"Si Nick Gonzalez. Ang president ng club niyo"
"Si NiGo? paano mo siya nakilala?"
Napakunot ang noo ko sa kanyang tanong "Anong NiGo?! Si Nick! Hindi NiGo! Nagpakilala sa akin kanina"
"Si NiGo nga! NIck GOnzalez, in short, NiGo"
Napailing iling na lamang ako sa kanyang paliwanag
"Bakit, ano bang sinasabi niya sayo?" tanong niya
"Wala.. hindi naman yun importante. Gusto niyang magtanong about sa akin pero hindi ako pumayag" ani ko at napansin kong natahik siya sandali sa sinabi ko at mukhang may malalim na iniisip
"kumain nalang tayo" saad ko.
Nagpatuloy na lamang kami sa aming pagkain pagkatapos naming mag-usap.
~*~
Naglalakad kami ngayon nina Heaven, Reyl , Daryl at Chloe na sinundo kanina ni Heaven sa Kindergarten school upang makauwi. Tumingin tingin lamang ako sa buong paligid. My mind is in a deep thoughts while looking in the road. Napansin kong nakatingin sa akin si Daryl at nang tiningnan ko siya pabalik ay bigla niyang iniiwas ng deritso ang kanyang mga paningin. Mukhang binabantayan niya talaga ang bawat kilos ko.
Habang naglalakad kami, nadaanan namin ang park kung saan nakilala ko ang isang stranger boy. Hindi ko tuloy mapigilang maalala ang mga nangyari.
"We used to go there before ate, don't you remember?"
I heard Chloe smiling while talking at me innocently habang itinuro ang park.
Before? but I never met this child before kaya malakas ang kutob ko na ibang tao ang tinutukoy niya. Was it Aleah? Ang taong inaakala nilang ako? Tama! dahil iyan ang palaging itatawag sa akin ni Chloe.
"Hindi ako 'yon Chloe. Maybe, kamukha ko lang 'yong taong tinutukoy mo. Pero hindi iyon ako" paliwanag ko sa bata
"Ate? Did you forget? sabi mo nga sa akin, iyon ang pinakamasayang bonding natin together" ani niya na mukhang iiyak
Paano ko ba to ipapaliwanag sa bata? Eh, Hindi naman talaga iyon ako. Napatingin na lamang ako sa malayo at iniisip kung ano ang nararapat kong gagawin
"Chloe, huwag mo ngang abalahin si Althea" saway ni Heaven sa kanyang kapatid
Tiningnan ko lamang sila at napaisip ng malalalim. Nick Gonzalez was right. The president of the detective club is correct. There are many questions running into my head. Papayag ba akong makakuha siya ng impormasyon? Baka nga iyon ang makakasagot sa mga katanungan ko. Pero bakit pinapayuan ako ni Reyl na hindi dapat ako sasagot kung sakali mang may magtatanong sa akin? Ibig bang sabihin, may sekreto siyang itinago sa akin? O may nais siyang protektahan? Are they connected?
~*~
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko. Lahat kami ay natapos ng kumain kanina. Kaya ngayon, its already 9:oo o'clock in the evening at sa mga oras na ito, kinakailangan na naming matulog sa lugar na ito. Dahil nga sa wala akong magawa ay humiga na lamang ako sa aking kama.
"Tulungan mo ako….."
Bigla akong na estatuwa sa aking narinig. Totoo ba yun?
"Tulongan mo ako…. Parang awa mo na…"
Bigla bigla akong napaupo sa aking kama galing sa paghiga nang marinig ko ulit ang ingay na iyon.
"Parang awa mo na……"
Nanginginig ang buo kong katawan nang narinig ko ulit ang boses na iyon. I cover my both ears sa aking dalawang kamay. Napayuko ako.
"Tulongan mo ako… Nagmamakaawa ako sayo…. Tulong…."
Ang lalim lalim ng kanyang boses. Boses ng isang babae. Ang kanyang tinig ay parang umiiyak na parang bang nagmamakaawa.
"Tulong….…" patuloy nito
"Tama na! Hindi ko na kaya.. Natatakot na ako! Sino ka ba?! Magpakita ka!" sigaw ko sa loob ng aking kwarto nang hindi ko mapigilan ang sarili.
Patuloy lamang akong humahawak sa dalawa kong tainga at kanina pa ako napailing iling dahil sa hindi makapaniwalang kababalaghang narinig ko.
Maya maya ay hindi ko na narinig ang boses ng babae kaya dahan dahan kong itinaas ang aking ulo.
Hindi mapigil ang lakas ng kaba sa aking dibdib nang makita ko ang babaeng kamukha ni Sadako slash white lady sa harapan ko. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang kanyang pagmumukha. Siya 'yong babaeng nakita kong pumasok sa aking kwarto noong isang araw. Alam kong hindi ako nagkakamali sa inaakala ko.
Nakita kong lumabas siya sa aking kwarto nang hindi man lang binuksan ang pintuan. Kaya nagmamadali narin akong bumaba sa aking kama at dali daling binuksan ang pintuan upang makalabas at sundan siya.
Kitang kita kong nadaanan niya ang aming sala at naglalakad patungo sa kusina. Hindi ko mapigilan ang aking pagkaba nang makita kong nakalutang ang mapuputla niyang paa sa sahig habang naglalakad. Kahit na sobrang natatakot ako ngayon ay nagdesisyon parin akong sundan siya dahil gusto kong alamin kung ano talaga ang intensyon niya at bakit gusto niyang humihingi ng tulong.
Ramdam ko ang panginginig ng aking kamay ngayong nasa loob na ako ng kusina namin. Off na ang ilaw sa kusina dahil oras na kasi ngayon sa pagtulog. Tanging liwanag na lamang ng buwan ang nagdadala ng liwanag sa loob na nakikita ko sa may maliit na bintana.
Sinundan ko siya ng tingin kung saan man siya pumunta. Kaya lang, laking gulat ko na lamang noong nakita kong bigla bigla siyang humarap sa akin.
Sininusuri ko kung ano ang hitsura niya dahil hindi ko masyadong makita. Pero hindi ko parin na clarified ang kanyang pagmumukha dahil madilim ang paligid. Dahan dahan siyang lumapit sa akin hanggang sa isang hakbang na lamang ay maaabot na niya ako kaya ipinikit ko na lamang ang aking mga mata sa sobrang takot. Maya maya ay nararamdaman kong may humawak sa balikat ko
"AHHHHHHHHHHHH!!!!" malakas na sigaw ko dahil sa takot
"Althea! Althea anong nangyari sa'yo?!"
Binuksan ko ang aking mga mata at nakita ko si Manang Elsa na humahawak sa balikat ko habang nag-aalalang nagtatanong sa akin. Linibot ko ang aking mga mata sa buong paligid at nakita kong nakabukas na ang ilaw.
"Althea, anong nangyari sa iyo? Bakit bigla bigla ka na lamang sumigaw?" nag-alalang tanong ni Manang Elsa sa akin
Hindi ko siya masagot. Napayakap na lamang ako sa kanya at pagkapos ay humahagulgol sa iyak.
To be continued..…
BINABASA MO ANG
The Unfinished Case [COMPLETED]
HorrorIba't ibang salita. Iba't ibang komento. Iba't ibang ingay ang aking naririnig simula noong lumipat ako ng lugar. Lahat sila'y natatakot sa akin. Lahat sila'y umiiwas sa akin. Lahat sila'y nagagalit sa akin. Walang sinuman ang handang makikinig sa...
![The Unfinished Case [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/189053614-64-k879576.jpg)