CHAPTER TWENTY NINE

95 18 0
                                    

CHAPTER TWENTY NINE

"Pakiusap huwag mo akong patayin. Pakiusap huwag mo akong papatayin Aleah…" mangiyak ngiyak na tugon ko

Nararamdaman long lumalapit siya sa kinaroroonan ko

"Pakiusap….." patuloy ko

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata upang hindi ko makita si  Aleah.







"Althea! Ano bang nangyayari sayo?! Nababaliw ka na ba?!"

Teka bakit parang may tumawag sa pangalan ko at boses lalake? Binuksan ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang isang sapatos. Dahan dahan kong inaangat paitaas ang aking mukha upang makita kung sino ang nagsasalita.

"Reyl?"

Hindi siya nagsasalita. Nananatili lamang siyang nakatitig sa akin. Teka teka bakit nandito 'to ang lalaking ito?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko

"Ikaw ang dapat kong tanungin ng ganyan. Anong ginagawa mo?"

Doon ko na lamang naalala na nakahandusay pala ako dito sa sahig dahil nadapa ako kanina sa paghahabol ni Aleah sa akin. Nakakahiya! Nagmamadali akong tumayo at umiiwas ng tingin sa kanya.

"Ano na bang nangyari sayo Althea? Kanina ka pa nag-iiba! Umalis ka kanina bigla bigla sa bahay tapos ngayon, kung ano ano na lamang ang mga pinagsasabi mo dito sa daan! Are you out of your mind?!" galit na tugon sa akin ni Daryl

Napatingin ako sa kanya ng masama

"Palibhasa kasi, hindi ikaw ang nakakaranas sa mga nararanasan ko kaya madali mo lamang masabi na nababaliw ako!" inis na tugon ko sa kanya

"Althea, hindi na kita maiintindihan. Ano bang nararanasan mo ngayon? Dahil na naman ba 'yan kay Aleah at sasabihin mong nagmumulto ang kanyang kaluluwa?"

Napatahimik ako sandali sa kanyang sinabi at pagkatapos ay nagsalita

"Kung sasabihin kong oo, maniniwala ka ba? 'Di ba hindi? Kaya huwag mo akong husgahan Reyl! Hindi mo alam kung gaano ka gulo ang aking isipan ngayon dahil sa mga nangyayari!"

"Althea, kung dahil kay Aleah kaya ka naging ganyan, tandaan mo, wala na siya! Patay na siya!" lumakas narin ang kanyang boses

"Kaya nga! Kaya nga ako natatakot dahil patay na siya! at naghahanap siya ng paraan upang may madala siyang ibang tao sa kanyang kamatayan!" sigaw ko rin

"Althea, hindi masamang tao si Aleah! Kilala ko ang kakambal mo. Hindi siya ganyan!"

Natahimik ako sa kanyang sinabi. Hindi ko nga pala kilala si Aleah kaya wala akong ka alam alam sa kakambal ko. Sabi ni Reyl kilala niya ang kakambal ko. Kilala niya si Aleah. Aba! obvious namang kilala ng lahat si Aleah sa mga kasama ko dito sa bahay dahil dito nagmula si Aleah at kilala siya ng lahat. Pero bakit magkaiba ang tinutugon ni Daryl sa akin? Bakit iba ang mga tinutugon ng magkapatid na'to sa akin tungkol kay Aleah?

"Suotin mo 'to!"

Napatingin ako sa pulang bracelet na ibinigay sa akin ni Reyl.

"Ano 'yan?" kunot noo kung tanong

"Suotin mo 'to! makatutulong 'yan para sa iyo" ani niya

Hindi ko parin tinanggap ang bracelet na ibinigay niya

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon