CHAPTER SIXTEEN

95 17 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

Nasa paaralan ako ngayon habang tumutungo sa classroom ko. Buo na ang desisyon ko. Sasali ako sa detective club hanggang sa mahanap ko ang kasagutan sa aking mga katanungan. Pumasok na ako sa loob ng classroom ko. Napatigil na naman ang mga kaklase ko sa kanilang mga ginagaw pag dating ako. Syempre, ano pa nga bang aasahan ko diba? I look at them confidently at nginitian silang lahat.

Someday, malalaman ko rin ang dahilan kung bakit niyo ako ginaganito. Umupo na ako sa aking upuan katabi ni Yesha. Napansin kong nagdadrawing na naman ulit siya. I just let her. Baka may nakikita na naman siyang kababalaghan.
Nagsisi tuloy ako kung bakit ko siya hinuhusgahan noong una ko siyang nakilala. Yun pala ay may mga sense naman ang kanyang mga sinasabi. Akala ko hindi normal ang babaeng ito pero may katotohanan pala.

I'm sorry Yesha dahil noong una, hinuhusgahan kita. Don't worry I believe in you now.

Habang tinitingnan ko ang aming classroom, doon ko lamang napansin na wala si Claire ngayon. Palagi kasi siyang pumupunta sa pwesto ko kapag nakikita niya ako. Pero ngayon, hindi ko siya nakikita. Absent kaya siya ngayon? O late lang? Pero lagi naman siyang maaga pumasok eh. Sayang! sasabihin ko sana sa kanya na papayag na ako sa offer niya. 'Di bale nalang dahil pupuntahan ko nalang ang club niya mamaya baka may meeting sila ngayon kaya siya absent.

"Nandiyan na naman siya..."

Napalingon ako sa sinabi ni Yesha

"Nakita mo siya ulit?" tanong ko at tumango siya

"Nakita ko rin siya kagabi. Kinausap ko nga siya pero, bigla bigla nalang siyang nawala"

"May nais siyang sabihin sa'yo" ani niya

"Pero sinubukan ko naman siyang kausapin kaya lang, bigla siyang nawala"

"Nakasunod lamang siya sa'yo" ani niya

Tiningnan ko ang nasa may gilid ko upang siguraduhin ang sinasabi ni Yesha. Subalit wala naman akong nakikitang kababalaghan. Instead, may nararamdaman akong kakaiba. Biglang lumamig ang paligid kaya napailing iling na lamang ako.

Maya maya ay dumating na ang aming guro kaya sabay sabay kaming tumayo upang batiin ito. Pagkatapos ay umupo kami pabalik at nakikinig sa kanya. Nagsimula na siyang magdiscuss about sa Mathematics. May isinulat siyang formula sa blackboard at sinimulang ipaliwanag sa amin. Nadapo ang kanyang paningin sa kinaroroonan ko. Nang makita niya ako ay bigla siyang tumigil at napatulala. Ang hitsura ko naman ay parang nagtatanong kung anong meron? Maya maya ay nagpatuloy rin siya sa pagdidiscuss.



~*~

Pagkatapos ng klase namin ay inaayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na sa classroom. Naglalakad ako sa hallway ngayon habang tumitingin tingin sa paligid. Hinahanap ko kung saan ang room ng detective club. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad.

Habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong isang babae na nakayuko. Mukhang wala siya sa mood dahil para siyang walang pakialam sa akin. Hindi rin siya tumingin sa kanyang dinadaanan.

"Excuse me miss, maari ba kitang matanong?"

Tumango lamang siya sa tanong ko ngunit hindi siya nagpasyang tumingin sa akin.

"Maari mo bang ituro kung saan ang room ng mga detective club?" tanong ko

May itinuro siyang banda at tumingin doon

"Sige salamat" ani ko

Nagpatuloy naman siya sa paglalakad nang hindi man lang tumingin sa akin. Mabuti narin iyon dahil baka layuan niya rin ako kapag nakita niya ang hitsura ko. Tiningnan ko siya habang lumalakad sa malayo. Napangiti na lamang ako at pagkatapos ay nagkibit balikat. Nagpatuloy na lamang ako sa aking paglalakad.

Nang nahanap ko na ang room ng detective club ay nagsimula akong kumatok at pagkatapos ay pumasok.

Napalibot libot ang aking tingin sa loob. May mga kung ano anong symbols ang nakadikit sa dingding. Mayroon ding mga dots, puzzles, rubics cube, pictures, newspapers, documentaries at mga larawan ng kung sino sino. Ang gulong gulo naman ng room na ito. Nadapo ang aking paningin sa lalaking nakatalikod habang busy na busy sa kanyang laptop. Nakasuot siya ng uniporme kaya masasabi kong schoolmate ko ito.

"Uhm.. excuse me, nandito po ba si Mr. Nick Gonzalez?" pasimula kong tanong

Nakita kong umiikot ang kanyang swivel chair at lumingon sa akin ang lalake.

Laking gulat ko na lamang nang makita ko ang hitsura ng lalaki.

"REYL?" gulat na gulat kong tanong "Anong ginawa mo dito?!"

Kumunot ang kanyang noo habang tumingin sa akin "Ikaw ang dapat kong tanungin kung anong ginagawa mo dito sa club ko?"

"Club mo? Do you mean isa ka rin sa mga member ng detective club?" gulat na gulat kong tanong

"I'm the vice president in this club. Anong sadya mo rito? bakit mo hinahanap ang President namin?" tanong niya

"I have an important matters with your president and also kay Claire" ani ko

"Claire? kilala mo si Claire?"

"Of course! she is my friend, slash classmate" sagot ko

"Anong pinagsasabi mong matters? Tungkol ba to sa pinag-uusapan natin kagabi?"

Hindi natuloy ang aming pinag-uusapan dahil may biglang dumating at nang tiningnan namin ang pintuan ng room na nasa likuran ko. Nakita ko sina Claire at Nick na may dalang pagkain pagpasok.

"Oh, Althea you're here" bati sa akin ni Claire kaya ngumiti na lamang ako

"Absent ako kanina dahil may meeting na naman kami" ani ko

"My perspective is correct" sagot ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin.

"Anong ginawa mo dito Althea? ibig mo bang sabihin ay handa ka nang sumagot sa itatanong ko sayo?"

Napatingin ako kay Nick sa kanyang tanong Kaya napatahimik ako sandali at pagkatapos ay tumango. "And also I want to join in your club" ani ko kaya gulat na gulat ang lahat

"Anong tanong? Anong join? Paano mo nalaman na naghire kami new member?" Singit naman ni Reyl sa likuran.

"Ako ang nagsabi sa kanya" sagot ni Claire

"Wait, anong sinasabi mong tanong Nick?" tanong ulit ni Reyl

"We are going to ask some questions about her" sagot ni Nick

"Ano?! Are you serious? Akala ko ba napag-usapan na natin ang mga ito?!" galit na tugon ni Reyl

"Ano pa bang hihintayin natin? Kumilos na tayo! Sa sinabi mo, kumilos na rin ang journalism club. Wala rin ba tayong gagawin?" ani ng president nila na si Nick.

Tumango tango naman si Claire. Ako lang yata ang walang kaalam alam sa mga pinagsasabi nila.

"I want to join in your club" singit ko sa kanilang usapan

"Kung sa gano'n, natitiyak kong mapapadali ang ating gagawin" sagot ni Nick sa sinasabi ko

"Tama" patango tangong tugon Naman ni Claire

Nakita kong napailing iling na lamang si Reyl sa Amin.

"Simulan na natin ito" ani ni Nick at nakita kong kumuha sila ng ballpen at itim na maliit na notebook

"We are going to ask some questions about you. Sagutin mo lang kung anong nakikita mo at anong naririnig mo"

Sa sinabi nila, bigla bigla akong kinakabahan pero wala akong ibang iniisip kundi ang mahanap ang mga kasagutan ng aking mga katanungan na nakatatak ngayon sa aking isipan.



To be continued.......

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon