CHAPTER THIRTY

102 19 0
                                    

CHAPTER THIRTY

Pagkatapos kong umiyak sa loob ay lumabas na ako sa aking kwarto na para bang walang nangyari. Mabuti na lang at hindi namamaga ang aking mga mata dahil sa kaiiyak. Paglabas ko, nadatnan ko ang sala namin at doon ko nakita si Heaven na abala sa pagsusuklay kay Chloe. Napatingin silang dalawa sa akin kaya naman ay lumapit ako sa kanila.

"Hi ate Althea" bati ni Chloe sa akin habang binigyan ako ng inosenteng ngiti.

Mabuti naman at naitama na niya ang pangalan ko. Sinuklian ko naman ng ngiti ang bata.

"Maaari ba tayong mag-usap?" paumanhin ko kay Heaven

Nakita ko ang pagkagulat niya dahil sa sinabi ko. Halatang naguguluhan siya pero tumango naman ito.

"Chloe, mag-uusap muna kami ni Althea pumasok ka muna sa kwarto" tugon niya sa kanyang kapatid

Tumango naman sa kanya ang bata.

"Okay po" ani ni Chloe at umalis sa kinaroroonan namin

Naiwan kaming dalawa ni Heaven dito.

"Ano nga pala ang pag-uusapan natin?" tanong niya sa akin

Lumunok muna ako sa aking laway at pagkatapos ay nagsalita.

"Kilala mo si Aleah hindi ba?"

Tumango siya sa tanong ko pagkapos ay napayuko.

"Alam kong kilala mo ang kakambal ko. Nakasama niyo siya dito dati, hindi ba? Maaari mo bang ikwento sa akin kung anong ugali meron siya? Kung anong klaseng tao siya?"

Sa sinabi ko, nakita ko ang pagluha sa kanyang mga mata.

Nais kong malaman ang katotohanan. Gusto kong makilala kung anong klaseng tao ang kakambal ko.

"Parang awa mo na.." paumanhin ko sa kanya kaya naman ay napatango siya sa sinabi ko.

"Alam mo ba noong una kitang nakita na dumating dito, akala ko ikaw si Aleah. Akala ko, ikaw 'yong kaibigan ko. Akala ko bumalik ka ulit dito upang maghigante dahil sa walang karumal dumal mong pagkamatay. Akala ko, galit ka sa aming lahat at gusto mo rin kaming patayin. Pero para sa akin, okay lang. As long as, bumalik ka. Tinatarayan mo kasi kami noong una tayong nagkita dito. Naalala mo ba? Pero nagkamali ako, dahil naalala ko pala na may kakambal si Aleah at ikaw iyon Althea"

Napadalas ang pag-agos ng kanyang mga luha habang nagkukwento sa akin.

"Mabait na babae si Aleah at alam kong hinding hindi niya magagawang maghigante sa amin. Kung ikaw matapang kang tao, si Aleah naman ay mahinhin. Kung ikaw ay isang mataray na babae, si Aleah naman ay lagi iyong nakangiti sa amin kahit na alam kong nasasaktan siya. Simpleng babae lamang si Aleah. May maitim siyang buhok na hanggang baywang na kasalungat sa buhok mong medyo brown na hanggang balikat lamang. Magkamukhang magkamukha talaga kayo subalit makikita ko parin ang pagkaiba niyong dalawa. Medyo maarte at fashionista ka samantalang si Aleah, simpleng simple lang. Alam mo ba, hinahahangad ni Aleah na makilala ka?"

"Huh? Kilala ako ni Aleah? takang tanong ko

Alam pala ni Aleah na may kakambal siya samantalang ako, walang alam sa lahat.

Napatawa siya ng mahina sa tanong ko pero umiiyak parin siya.

"Kilala ka ni Aleah. Alam niyang may kakambal siya. Lagi niyang sinasabi sa amin noon na ninanais niyang makita ka. Kung alam mo lang, lagi ko siyang makikita sa garden noon na umiiyak habang hinihintay ang daddy mo. Walang oras na hindi kayo hinahanap ni Aleah. Pa minsan minsan lamang dumalaw dito si Sir Rafael pero madalas talaga hindi. Umiiyak siya gabi gabi kapag hindi dumating ang daddy niyo. Isang beses, kinukwento niya sa akin na naiinggit daw siya sayo dahil lagi mo daw makikita ang daddy niyong dalawa. Samantalang siya, lagi nalang nangungulila"

The Unfinished Case [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon