Chapter 57
Ully's POV
"Pero di ba yung Christine yung patay na patay sa kanya? Lahat gagawin nun makipagdate lang sa kanya?" Ngayon naman nilagay ko yung kamay ko sa may baba ko na wari ba'y nag-iisip.
"Oo at alam mo ba kung ano ang nangyari?" Seryosong tanong niya. Oras na para makaganti ako sa kabaliwan niya palagi.
"Bakit? Nakita mo ba kong nandon?" Pangbabara ko.
"Ay wala ka ba don? Ba't nakita ko yung kotse mo?" Nagulat ako sa sinabi niya. So nakita niya ako? Yun yung araw na dapat susunduin ko si Aj eh. Natahimik lang ako. Di ako makasagot. Anong sasabihin ko?
"WHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" Okay? Anong nakakatawa!?
"Bat ka natawa!?" Inis na tanong ko. Nag-iisip pa ko ng sasabihin tapos tatawanan lang ako!?
"Kasi halatang nag-aalala yung mukha mo eh. Lalo kang pumangit tol!" Sabay hampas niya sa likuran ko.
"Lumayas ka na nga rito bago kita mapatay." Seryosong sabi ko.
"Pero alam mo ba kung ano ang nangyari..." halos pa suspense na tanong niya. Kaya na curious na rin ako.
Unti-unti siyang lumapit sakin at bumulong...
"Inuod yung patay na ipis sa labas." He whispered. At alam niyo kung anong ginawa ko?
*bonyat*
"Araaaaay!" Reklamo niya.
"Ginagago mo talaga ko no!? Anong konek ng ipis sa nangyari kila Y/N!?" Inis na sigaw ko.
"Aba malay ko! Sa hindi ko rin naman alam ang nangyari eh! Kaya nga nagtatanong ako sayo eh!" Kinakamot niya yung bahagi ng binonyatan ko.
Kinalma ko yung sarili ko, baka mapatay ko to eh. "So bakit kayo magkasama ni Aj nung gabing yon?" Natigilan naman siya sa tanong ko.
At ako? Natigilan din. Tanga mo talaga Ully. Bakit napasok si Aj!?
"Paano mo nalaman?" Seryosong tanong niya.
Sh*t! Isip isip!!!
Lumapit ako sa kanya at bumulong...
"Kasi ... inuuod yung patay na isip sa labas..."
"Talaga tol!? Nakita mo!? San banda?" Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Wala na talaga siyang pag-asang tumino pa.
Nag walk out na ako. Baka masapak ko lang yun eh.
"Oy! San ka pupunta!? Di pa tayo tapos mag-usap!" Rinig kong sigaw niya pero hindi ko na lang pinansin at nagdere-deretcho palabas ng bar ko.
***
To be continued...