Chapter 33

51 1 0
                                    

A/N: UD na agad para malaman niyo :]

Chapter 33

AJ'S POV

Matatapos na oras ng klase namin pero hindi ko pa din nakikita si best. Saang lupalop na naman kaya nagpunta ang babaing iyon? Tsk. Sabi niya bibili lang siya ng kwek kwek. Ano? Pati kwek kwek nakain na siya?

Nabubwisit pa ko dito sa katabi ko. Parang sabog lang eh. Alam niyo kung bakit? Kanina pa siya kanta ng kanta ng "TORETE" na kanta mali mali naman ang lyrics.

"~ilang gabi pa ngalang nung tayo'y pinagtagpo ohhh~"

Ipush niya yan.

"~na parang may tumulak nabarog, sabog ang aking ulo ohhh~"

O dba? Mali mali. Putakte ehh.

"Tumigil ka na nga. Ang ingay mo!" Naiinis na ko.

"Ano na naman ba!? Gusto mo kantahan kita?" Suggest niya.

"No thanks mahal ko pa yung tenga ko." Inirapan ko siya tsk..may balak pa talaga siyang sirain ang ear drums ko uh.

Sa wakas at tumahimik din siya.

Nakita ko sa sa gilid ng mata ko na may nag-abot sa kanya ng papel. Love letter ata I guess?

Malaki ang nakasulat don kaya kitang kita ko talaga "ANG GWAPO MO. IKAW LANG ANG MUNDO KO." Yan mismo ang nakasulat.

"T*ngina ginawa pa kong planeta!?" Muntik na kong malaglag sa upuan dahil sa sobrang pagpipigl ng tawa. Hahahahahaha. Ginawa daw siyang planeta!?

"Anong tinatawa tawa mo!?" Inis na tumingin siya sakin.

Taas noo akong tumingin sa kanya at sumagot "Globe ka ba?" Tanong ko.

"Bakit? Kasi ako ang mundo mo? Ayieee. Alam ko na yan. Kung may gusto ka sakin sabihin mo ng deretsuhan hindi yung bumabanat ka pa. Luma na yan eh."

"Tanga. Makikitext ako. Ang landi nito!" Hahahahahahaha. Bigla naman sumama ang timpla ng mukha niya. Yabang pa niya kala mo kung sino eh.

***

To be continued... :]

A/N: CUT MUNA SA SCENE NILA LANCE :D

WHEN MR. PLAYBOY MEETS MS. BITCHY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon