Chapter 69
Y/N'S POV
"Yes. And I want to celebrate it together with you." Kikiligin na sana ako eh. Kaso naalala ko na PLAYBOY nga pala siya. At hinding-hindi ako dapat mahulog sa katulad niya. Sa mga matatamis niyang salita na paaasahin ka lang. At alam ko na ang katulad niya ay kabisado na kung paano bilugin ang ulo ng mga babae. Kung paano sila pakikiligin. Pero ibahin niya ako. Dahil kahit-kailan hinding hindi ako mahuhulog sa kagaya niya. HINDING HINDI.
"Bakit ang daming tao?" bulong ko sa kanya habang naglalakad kami.
"Gusto kong masaksihan nila ang mangyayari ngayong araw na to." kunot noo naman akong napatingin sa kanya.
"Wala na bang klase?" tanong ko.
"pina-cut ko na." Hindi ko napansin na nasa may stage na pala kami.
WAIT!? STAGE!?
"Hoy Potatas! Ano bang binabalak mo! at umakyat pa tayo dito!?" Inis na bulong ko.
Ngumiti lang siya ng nakakaloko sakin.
"Ehem." sabi niya as mic at ako? Halos maging yelo na ko sa hiya.
ALAM NIYO NAMAN NA AYOKO NG GANITO DBA!? YUNG NAPAPANSIN NG MARAMING TAO!!
"Good Afternon Everyone. I know that all of you are clueless of what happening." HE look at me that I feel my butterfly in my stomach. NO. HINDI PWEDENG MARAMDAMAN KO TO. HINDI.
"I want you to know that the girl in front of you is my GIRLFRIEND." rinig ko ang malalakas na bulungan ng mga tao.
'ANO? GIRLFRIEND NIYA?'
'KELAN PA?'
'OMG. TAKEN NA SI LOVE.'
Kung anu-anong mga salita ang naririnig ko.
"Alam kong nabigla kayong lahat. Marami kayong mga tanong sa isip katulad nang 'KELAN NAGING KAMI?' 'PAANO.' SAAN'" pagpapatuloy niya.
"But I want you to witness my proposal now." at sa pagkakasabi niyang iyon lumaki ang mga mata ko. ANO!? PROPOSAL!?
"Y/N... Sa Manila may MERALCO..." Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi niya iyon..
"Cagayan may CAGELCO..." Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin sa totoo lang. Naging tuod na ako sa sobrang kaba na hindi ko maintindihan. Ang hirap i-explain.
"At sa Pangasinan ay PANELCO..." ANO BANG PINAGSASABI NIYA? ANONG KONEK NG MGA YON SA NANGYAYARI NGAYON? Magsasalita na sana ako kaso magsalita siya kaya minabuti ko na lang na tumahimik.
"Ikaw ano ka naman?" He asked. Sasagutin ko sana siya ng pabara pero nang magsalita siya at marinig ko ang sinabi niya lalo akong natameme dito.
"Edi MAHALCO, para may liwanag ang HEARTCO." Isang napakalakas na sigawan ang narinig ko, Gusto kong matawa ng sobrang lakas yung tipong lalabas ang ngala-ngala. Eh paano ba naman kasi ang korny-korny niya.
***
To be continued...