Chapter 68

28 1 0
                                    

Chapter 68

Y/N'S POV

Dahan-dahan akong pumasok sa loob, yung lalaking nakatalikod, pamilyar ang likod niya. Parang nakita ko na siya kailan lang.

Nagsalita siya sa mic "Y/N!!" Sigaw niya. At ako naman parang naging bato sa kinatatayuan ko.

"Marami ka bang nakikita?" Tanong nito.

Hindi ako makasagot "pahingi naman kahit konting pagtingin."

Napuno ang isang malakas na dagundong ang buong gym namin na halos mabingi ako sa lakas ng sigaw nila.

Konting lakad na lang makikita ko na kung sino ang lalaking iyon. Ang lalaking nakatalikod sakin.

Habang naglalakad ako, unti-unti siyang humaharap sakin at .....

"Sawa ka na ba sa buhay mo!?" Inis na sigaw ko. Kaya naman pala pamilyar eh! Si Potatas yan eh! Ano na naman bang trip niya!?

"Bakit? Sasabihin mo ba na, bakit hindi ko subukan mabuhay kasama ka?" Tapos nag smirk siya. Urgh!

Hindi pa din ako makapaniwala na siya ang nasa harapan ko ngayon, Kaya para makasiguro tinawag ko siya.

"Potatas?" sabi ko.

"Yes I'am." ngiting-ngiti na sabi niya at lumapit sakin. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Anong ibig sabihin nito?

"P-pero ...."

"Happy First Monthsary Love." Inabutan niya ako ng mga Red Roses.

Akala ko si Rk na. Akala ko siya ang nagprepared nito. Akala ko nandito na siya. Pero naalala ko na nasa state pa nga pala siya. Tama nga sila. NAKAKAMATAY ANG MALING AKALA.

"First monthsary?" Takang tanong ko.

"Yes. And I want to celebrate it together with you." Kikiligin na sana ako eh. Kaso naalala ko na PLAYBOY nga pala siya. At hinding-hindi ako dapat mahulog sa katulad niya. Sa mga matatamis niyang salita na paaasahin ka lang. At alam ko na ang katulad niya ay kabisado na kung paano bilugin ang ulo ng mga babae. Kung paano sila pakikiligin. Pero ibahin niya ako. Dahil kahit-kailan hinding hindi ako mahuhulog sa kagaya niya. HINDING HINDI.

***

To be continued...

WHEN MR. PLAYBOY MEETS MS. BITCHY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon