Ully's POV
Nandito ako sa may bar ko. Actually kakauwi ko lang galing ng school dito agad ako dumeretcho.
Nagulat na lang ako ng mapansin ko kung sinu ang nag-iinom sa may counter.
"Hoy Biboy!" Sigaw ko.
"O? Sino kang pangit ka?" Tssk. Dahil siguro sa madilim na dito sa loob ng bar at di ako namukaan ng hayop na to.
"G*go mas pangit ka!" Sabay binatukan ko nga. Para magising.
"Aray ko naman Ully!! Bakit ka nambabatok!?" Sabi niya habang kinakamot yung binatukan ko.
"Para magising ka! Anong problema? Ke-aga aga nag-iinom ka jan!" Pumwesto ako sa may tabi niya at humingi din sa bartender ko ng alak.
"Badtrip kasi yung shave na yon! Ako na nga tumulong sisihin daw ba ko!?" Reklamo niya sabay inom ng alak.
"Baka naman may kasalanan ka talaga." Sagot ko naman.
"Ul*l! Di ako mababaw no! Matangkad ako!" Binatukan ko nga. Seryesong tanong eh sabay ganun ang sagot.
"Ginagago mo ba ko?" Sabi ko.
"Bakit? Ginagago ba kita?" Pabalik niyang tanong.
"Urgh! Di ka na talaga magtitino!" Sa sobrang inis ko sa kagaguhan nitong kasama ko eh ininom ko ng deretcho yung alak ko.
Ackkkk! Ang init sa lalamunan!
"Bakit matino ka ba!?" Tanong naman niya. Napahampas na lang ako sa noo ko. Pag sinagot ko ng kabaliwan to malamang di na kami makakapag-usap ng maayos.
"Ano ba kasi nangyari?" Tanong ko habang umiimom ng alak.
"Si gunggong na Lance kasi. Tama bang humingi ng tulong kay Christine para lang makaganti siya don kay Y/N." Sa gulat nabugha ko yung iniinom ko.
*ubo*
*ubo*
"Oh anong katangahan na naman yan Ully!? Kung magsasayang ka lang ng inumin pwede ba lumayas layas ka na lang dito." Aba siraulo ba to!? Ako may-ari nito bakit ako lalayas!?
"Baka gusto kong ngayon pa lang ikaw ang mapalayas dito!" Sigaw ko.
"Ah? He-he-he." Aba tinawanan lang ako ng g*go.
"Si Y/N ba kamo ang sinabi mo?" Seryosong tanong ko.
"Si Y/N ba ang sinabi ko?" Maangan na tanong niya.
"Magtatanong ba ko kung hindi!?" Urgh! Di ko na kaya mapapatay ko na to!
"Di ko na maalala." Kung pwede lang ihampas sa pader ang ulo nito para maalala niya ihahampas ko talaga!!
"Pero di ba yung Christine yung patay na patay sa kanya? Lahat gagawin nun makipagdate lang sa kanya?" Ngayon naman nilagay ko yung kamay ko sa may baba ko na wari ba'y nag-iisip.
"Oo at alam mo ba kung ano ang nangyari?" Seryosong tanong niya. Oras na para makaganti ako sa kabaliwan niya palagi.
***
To be continued...