Chapter 37
BIBOY'S POV
"Wow ha? At ako pa ang mali!? Anong mali sa ginawa ko!? Nagtatanong lang naman ako kasi nag-aalala ako kay Y/N!!" Sigaw niya. Aish! Palaging nakasigaw ang babaing ito eh!!
"Tara na sumama ka na." Sabay hila ko sa kanya.
"Bitawan mo nga ko! May susundo sakin dito kaya pwede ba umalis ka na!"
"So, hindi mo na hahanapin si Y/N?" Tanong ko.
"Hahanapin. Pupunta ako sa police station." Sabi niya.
"Hindi ka nila aasikasuhin don dahil hindi pa naman 24 hrs nawawala si Y/N." Hindi siya nakasagot at natigilan ito. Siguro napaisip siya na dahil tama ako.
"Basta umalis ka na!" Tsk! Mukhang wala na akong magagawa kundi gawin ang naiisip ko.
*ANG ULTRA PIGGY SACK CHENES, ANEK, EKLAVU*
"Kyaaaaaaaaah!!! ANO BANG GINAGAWA MO!? IBABA MO NGA KO!!" Pinaghahampas niya ang likod ko. Pinasan ko siya na parang bigas.
Hindi ka makuha sa santong pakiusapan ha. Pwes kukunin kita sa santong nakawan.
Tama ba? Nakawan ba talaga? Parang mali? Hayaan mo na parehas din yon.
Sinakay ko siya sa kotse ko at nilock ko agad ang pintuan sabay nagpaharurot ng mabilis.
"Kidnapper ka!!" Sigaw siya ng sigaw.
"Gwapo ko naman kidnapper." Sabay kindat ko sa kanya.
"Kilabutan ka nga!"
"Kinilabutan nga ako. May multo ata sa likod mo."
"KYAAAAAAAAH!! Putong masarap wag kang magbiro ng ganyan!!!"
"Hahahahahaha. Kung nakita mo lang ang mukha mo. Hahahahaha." Hindi ko mapigilan ang matawa. Ang pangit niya kasi matakot eh. Namumutla pa. Pffft.
Hindi na siya umimik kaya nagmaneho na lang ako papunta sa condo ni Lance.
Ilang saglit pa nakarating na kami doon.
"Nasan na tayo?" Tanong niya, hindi ko siya sinagot at mag door bell na sa condo unit.
"O pare.".salubong agad ni Lance.
"Si Christine Jane Medina ?" Tanong ko.
***
To be continued...
A/N: CONGRATS SA NANALO :] AYAN NA SIYA. I-CONGRATS NIYO NAMAN PO. :]