Chapter 39

53 3 0
                                    

A/N: Actually wala akong balak i-post sa wattpad to kasi UNA SA LAHAT FEELING KO ANG PANGIT NG STORY :/ TYAKA BAKA WALANG MAGBASA. Pero may mga nagme-message sakin kung nasa wattpad ba ito. So dahil sa masipag ako. Hahahahaha. Ilalagay ko na siya sa wattpad though dito pa din ako mag U-UD , :] Sa mga nagtatanong ang USER KO PO SA WATTPAD - NeverBeenReplaced05 Hanapin niyo na lang po don Mr. Playboy Meets Mr. Bitchy? pa din ang title :].

Chapter 39

"AUTHOR'S POV"

Nasa condo lang siya habang nanonood ng t.v ng bigla na lamang nag ring ang phone nito.

Kunot noo niya kinuha ang phone at tinignan kung sino ang caller

"Aj?" Bulong niya sa sarili.

Walang alinlangan na sinagot niya ang tawag.

"Anong problema?" Bungad ng lalaki sa dalaga.

"Busy ka ba?" Tanong nito. Gusto niya sana na oo, busy siya kasi marami pa siyang gagawin. Pero ...

"Hindi, wala naman akong ginagawa. Bakit?" Sagot ng binata sa kanya.

"Sunduin mo naman ako dito oh. Please. Natatakot na ko ang dilim dilim." Natatakot na sabi ng dalaga sa kanya. Biglang kinabahan ang binata.

"Buksan mo ang GPS ng phone mo. Papunta na ko dyan. Wag kang aalis." Sabay baba nito ng tawag.

Kinuha niya ang susi ng kotse niya at umalis na.

Nagmamadali siyang nagpunta kung nasaan si Aj ngayon. Gamit ang GPS Tracker ay hinanap niya ang dalagang naghihintay sa kanya.

Kumunot ang noo niya ng mapansin niya umaandar iyon.

"Saan kaya siya pupunta?" Tanong niya sa sarili.

Malapit na siya kung saan naghihintay ang dalaga, ngunit nahuli na ata siya ng dating dahil pagpunta niya doon, ay wala ng ano mang bakas nito.

Tinawagan niya ang phone nito at kaagad namang nasagot.

"Where are you?" Kalmadong tanong ng lalaki.

"Ay, sorry nakalimutan ko na pupunta ka pala. Sinundo kasi ako ni Biboy eh kaya nakaalis na ako. Wag ka mag-alala safe ako dito."

Naririnig niya na nagsasalita ang kasama ni Aj sa kotse.

"Biboy?" He asked.

"Yes, do you know him?" Tanong ni Aj.

"Alright. Take care. Bye." Hindi niya sinagot ang tanong ng dalaga at binaba na ang telepono.

'Si Biboy ang kasama niya? Totoo ba ang narinig ko?' Isang misteryosong tanong ng binata sa kanya.

***

To be continued...

P.S: GUESS WHO? :D

WHEN MR. PLAYBOY MEETS MS. BITCHY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon