Chapter 32
Y/N'S POV
"Comfort room muna ako best." Nakaramdam ata kaya umalis na muna.
Totoo lahat ng sinabi ko. NEVER KO SIYANG MAGUGUSTUHAN.
Ako? Mabubusog sa sinabi ko? Ano readers? Pustahan tayo hindi ako magkakagusto sa kanya. Ano?
Ang tagal naman magbanyo ng babaing yon, time na eh. Ano ba ginawa non? Tumae? Tsk.Wala na rin halos tao dito sa canteen kay I decided na maglakad lakad muna.
Nagtext ako kay best na sa room na lang kami magkita. Since college na kami pwede kaming lumabas at dahil tanghaling tapat parang nag crave ako bigla sa kwek kwek kaya lumabas ako.
Kanina ko pa din nararamdaman na parang may sumusunod sakin. Pero ipinagwalang bahala ko lang iyon. Sa nagugutom ako eh.
Wala din masyadong tao sa paligid ng school namin kasi malayo ito ng konti sa maraming tao. Kumbaga parang madamo ganon.Di pa ako masyadong nakakalayo ng may humarang sakin na isang babae.
Oo isang babae lang naman siya eh. Tsk."Are Ms. Y/N?" Maarteng tanong niya.
"Eh ano naman kung ako?" Syempre tinarayan ko din. Aba kung b*tch siya papanindigan ko na din ang paggiging b*tch ko, ayoko rin ng awra niya eh.
Ilang saglit pa ay may dumating na isang black na van."Anong kailangan mo?" Maangas na tanong ko.
"Wala naman. Kailangan lang kita."
And after that lumabas ang halos limang lalaki sa van at pinalibutan ako.Nagsimula na akong kabahan dahil una sa lahat hindi ko alam ang gagawin ko, though nag-aral ako ng martial arts.
Kaso hindi ko yun magagamit ngayon dahil sa sobrang lapit nila sakin. Sh*t ano ba tong pinasok ko?"Sumama ka na lang samin."
Sabi nung isang lalaki."Tanga ka ba? Bakit naman ako sasama sa inyo eh hindi ko nga kayo kilala." Sagot ko.
"Bastos ka ah!" Muntik na niya akong masampal buti na lang at nakailag ako.
"Mas bastos ka! Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo gumalang sa babae?"
"Kunin niyo na yan." Sabi nung babaeng lumapit sakin.
Nagpupumiglas ako pero hindi ko siya kaya. Masyado silang madami.
Mauulit na naman ba?
Mauulit na naman ba ang nangyari dati?
Nakalanghap ako ng hindi magandang amoy na dahilan para makatulog ako...
***
To be continued...
A/N: Ano kaya mangyayari kay Y/N ?:] tingin niyo guys? COMMENT BELOW :D