Chapter 54
AJ'S POV
'All of me...'
Natapos ang sayaw niya. Rinig na rinig ko ang malakas na palakpakan ng mga tao sa paligid. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, yayakapin ko ba siya? papalakpak ba ako? o tutunganga lang ako dito? Ewan naguguluhan ako, Ang tanging alam ko lang ay napakasaya ko ng makilala ko siya...
'Syeeeeeet ang galing!!!'
'Ang pogi niya!!!'
'Wala ba yang girlfriend!?'
Unti-unting lumalapit siya sakin. Ako parang naging tuod lang dito. Hindi ako makagalaw sa sobrang mangha ko.
"H-hindi mo na perfect ..." ANO BA AJ!!? ANG DAMI PWEDENG SABIHIN BAKIT AYUN ANG SINABI MO!!? MAMAYA ISIPIN NIYA NA GUSTO KO TALAGANG MAGING KAMI!!?
Sa sobrang tulala ko, hindi ko man lang napansin na nasa may harapan ko na pala ang gwapong nilalang nato..
Ngayon ko lang siya natitigan ng malapit.Ang gwapo pala niya talaga.Ang chinito niyang mukha...Ang manipis na labi...
"Honestly, I don't have plan to beat the high score. Dahil una sa lahat ayokong gawing laro ang lahat ng to. Gusto ko totoo. Gusto ko paghirapan ko ang matamis mong 'oo'." Hindi ako makasagot. Gusto kong magsisisigaw sa sobrang kilig pero hindi ako makagalaw. Tuluyan na akong nilamon ng hiya ko. ANO BA AJ!!? TUTUNGANGA KA NA LANG BA!!?
"So now, can I court you, Aj Ancheta?" He asked. What should I do!? Natabunan na ata ako ng lupa at hindi ko makagalaw!!
'Papayag na yan!'
'Oo payag na yan pogi ka eh!'
Nakita kong napa-smirk siya ng marinig ang salitang pogi. Tsk. Nako!
'KUNG AYAW NIYA SAYO. AKIN KA NA LANG.' Nang marinig ko ng mga salitang yon, parang gusto kong ihampas sa pader ang nagsabi non. ABA AT AAGAWAN PA KO NG WALANG HIYA!!?
"Bakit ko nga pala kailangan humingi pa ng permission? Sa ayaw at sa gusto mo liligawan at liligawan pa din kita." Sabi niya. *wink*
"B-bahala ka! Tara na nga!!" Omg!!! Kailangan ko ng mag c.r para makatili!! Nag walk out ako. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong i-react eh. Pero sobra talaga akong kinikilig. KYAAAAAAAAAAAAAAAAH. KUNG PWEDE LANG SANA MAGWALA NA AKO DITO KANINA KO PA GINAWA.
"Teka lang Aj!"
Hindi ko siya pinakinggan at nagmadali lang akong lumabas baka kasi lalo akong mainlove sa kanya kapag nilingon ko pa siya, pero bago ako makalabas ng tuluyan, may namukaan akong isang tao. Dahilan para kumulo ang dugo ko. Yung tipong gusto kong patayin ang tao na yon. ANO BA NAMAN YAN? HANGGANG DITO BA NAMAN SA MALL MAKIKITA KO ANG PAGMUMUKHA NIYA? BADTRIP NAMAN OH. NANDON NA EH. KINIKILIG NA KO EH. PESTE.
"Biboy?" Napalingon ako sa taong tumawag sa kanya na nagmumula sa likuran ko.
"Ully?"
"Magkakilala kayo?" Naguguluhang tanong ko..
***
To be continued...
A/N: NGAYON ALAM NIYO NA KUNG SINO? :D