(Ing)
"Iiing! blag blag blag! gumising ka na!! Hindi ka pa nagbabayad ng renta mo ha!!"
nagising ako sa kalabog na pagkatok ni Manang Sungit. Siya ang landlady ng inuupahan ko.
"Andyan na po!" sigaw ko. Bago ako nagpakita sa kaniya pinulbusan ko yung mukha at labi ko,ginulo ang buhok at tumingin sa salamin para tignan kung okay na ang hitsura ko.
Lumapit na ako sa pinto at binuksan ito
"Manang Su..(yes that's her name talaga. I just added -ngit para perfect) *cough cough* Manang,maawa na po kayo *sniff* hindi maganda pakiramdam ko.."
Obviously, nagpapanggap akong may sakit XD
"O tapos? anong gusto mo? magsuka ako ng gamot? Magbayad ka na ng renta mo Ing! kahit may sakit ka pa o ebola na iyan magbayad ka pa rin!" mataray niyang sinabi
"Di ba po ang ebola nakakahawa by skin contact...Eh di mahahawa po kayo *cough cough* ayaw niyo naman po iyon diba? Atchooo!"
"Che! tumigil ka! wala pang ebola dito! Yun naman agad nirason mo! Bayad na dali! ilang linggo na kita kinukulit ha!"
Nakakainis naman! umagang-umaga ito bubungad sa iyo...No choice eh,magbabayad talaga para matahimik siya..
"Sige na nga po..Ito po.." may dinukot ako sa bulsa ko..
"500??!! ito lang! 2500 kaya renta mo dito! kulang pa ng 2000!"
"Manang Su naman...wala pa akong pera,atchoo! dibale po,this week sure akong makakabayad na ako.."
"Papayag ako kung dadagdagan mo itong 500 na binayad mo.." sabi niya sabay taas ng kilay
"Ito po piso..."
nilagay ko ito sa palad niya
"Ay! Loko ka talagang bata ka!"
binato niya sa noo ko yung piso na binigay ko
"Aray! sabi niyo po kasi dagdagan! Ayan po,piso! eh di 501 na ang binayad ko ngayong araw!!" sabi ko habang nakahawak sa noo ko
"Pilosopo ka talagang bata ka! Sisingilin kita sa lahat ngayon! Hindi ako aalis hanggat hindi ka....NAGBABAYAD NG 2000!" sigaw niya sa akin
"Correction,999 po."
"Basta! Magbayad ka!"Napa pikit pa ako sa lakas ng boses niya..
Ay nako! Paano kaya ito matatakasan.....Uy si Tsabeng iyon ha! Yes! Woooh!
"Manang Su! Si Tsabeng po! Nandoon!"
Sabay turo,agad napalingon si Manang Su. Malaki kasi utang niyon kay Manang,mas malaki pa sa renta ko! Hehehe!
"Ay nako! 3 buwan na iyang hindi nagbabayad sa akin ng utang niya!"
"Ay nako Manang..Kung ako sa iyo hahabulin ko iyan! Nako nako nako..Mahirap panaman hanapin si Tsabeng pagnagtago na!" dagdag ko,agad nanlaki ang mata ni Manang Su at hinabol na si Tsabeng. YES!
"Hoy Tsabeng!" sigaw ni Manang Su
"Finally! I can continue my sleep now!"
Mamaya kasing 10:00 am may work na ako..Kaya tulog muna bago kumilos papuntang work...
9:00 am...
Tumunog na ang alarmclock ko na agad ko namang inoff.
Isa akong waitress sa isang kilalang resto. Hanggang 8:30 pm ang work ko doon...
By the way, ang full name ko ay Josephine Gweneth Marie Kaye
(21 years old)..
Yep,I don't have a surname... Sadly,but true wala akong pamilya na tinatawag na mom and dad... Baby pa lang daw ako namatay na parents ko sa sunog ako lang ang survivor. Kaya lumaki ako sa ampunan. May nagampon naman sa akin noong 10 yrs old ako... I thought iyon na ang magiging family ko forever.
But when I reached 17, biglang nagpakita sa kanila ang loooooooong lost daughter nila na ka-age ko.. Sakto,the next day after that,I turned 18... Nakaramdam ako ng pagka out of place,syempre hindi naman ako ang legal na anak lahat na ng attention nila ay nasa anak na nila.. Halos hindi na nila ako pansinin hanggang sa kinausap ako ni dad.
Josephine...Since your are on the legal age to be independent... Pwede ka nang umalis sa poder namin.. At tsaka...andito na kasi si-
Ok dad, I understand, tama ka naman.. Thank you po pala sa lahat dad. Mag aayos na po ako ng gamit..
Noong kinausap ako ni dad, 19 years old na ako nun eh... At nung umalis ako hindi man lang nila ako hinatid sa tutuluyan ko,hinanapan ng tutuluyan or anything...
Kinalimutan na nila ako kaya kinalimutan ko na din sila at hindi ko na ginamit ang apelyedo nila.
Nagsikap ako,naghanap ng kung trabaho at palipat-lipat.
Alam niyo sa mundong ito WALANG PERMANENTE. Alam niyo kung bakit? Nakapalit na ata ako ng trabaho ng 7 beses.
Lagi akong napapalitan. Mas magaling nga ako sa kanila eh kaso ngalang talo ka ng malandi talaga at maganda pa o kaya naman ng mga taong may matatamis na dila! Tssss!
Sa lahat ng sinabi kong iyon doon naka ugnay ang nickname kong Ing... Short for Thing.. Well ganoong talaga ang buhay.. Kung pwede na lang sana mag artista kasi sa pagaarte ako magaling hahahahaha charot! Biro lang.
Sabi nga nila kapag may tiyaga may nilaga. Sa future,gaganda din ang buhay ko ^^
BINABASA MO ANG
Her Borrowed Identity
RandomAng apelyedong Craig ay kilala dahil sa taglay nilang yaman. Pero kahit ang mayayaman nagkakaroon din ng problems. Craig Family is facing a big problem! At kapag ang problem na iyon ay hindi nabigyan ng solution,for sure! The help they get from the...