Kabanata 1

4.6K 78 4
                                    

"Cameras"

Nakakabinging tunog ng alarm ang bumulabog sa kabuuan ng shop na pinanggalingan ko bago pa ako tuluyang makalabas mula roon.

Napatigil ako sa paglalakad nang harangin ako ng guwardiya.

Kasalukuyan akong nasa isang mall at nagshoshopping mag-isa.

"Ma'am, patingin po ng bag niyo." Saad ng guwardiya na humarang sa akin.

Agad naman akong ginapangan ng kaba na hindi maipaliwanag.

There's something wrong here.

Binuksan ko ang aking bag at laking gulat ko nang makita ang isang Foundation Stick na naroon.

Bago pa ako makapagsalita ay marahas na hinila ng guard ang braso ko. "Sumama nalang po kayo sakin."

Nakatingin ang lahat ng tao sa loob ng shop sa akin. Naiiyak na ako sa nangyayari. Parang tinatapakan nila ang image ko rito. Hindi ba nila ako kilala?

Hinila ako ng guard patungo sa isang kwarto na sa tingin ko ay office ng manager nila.

"Ano ba? Bitiwan mo nga ako. Hindi ko ninakaw yun, okay? I don't even know how it got into my bag." Pagpupumilit ko ngunit ayaw makinig sa akin ng guard.

Agad akong sinalubong ng manager ng shop.

"Sir, may nagtangka pong magshoplift." Panimula nung guard sa manager niya.

The manager seems calm and stoic. Pinagtaasan ko siya ng kilay nang hilahin niya ang bag ko at kinuha niya mula roon ang foundation stick.

"Bakit ako magnanakaw ng Foundation Stick? Kung gusto niyo, bilhin ko pa itong buong shop eh!" sigaw ko sa manager nila.

The manager chuckled. "Miss, I am the manager in-charge here. Mukhang menor de edad ka palang ah. Saan ka kukuha ng ipambibili mo sa shop na ito?" Pang-iinsulto nito sa akin.

Bumuntong-hininga ako. Kinuyom ko ang aking kamao bago nagsalita. This guy is really getting to my nerves! Wait till I tell my dad about this.

"You're right, I'm a minor, but I have enough money in my bank account to buy this shop or even the entire mall itself. Kaya huwag niyo akong pagbibintangan na nagshoplift dahil hindi niyo ako kilala!" I spatted.

Nagbabadyang tumulo ang aking luha ngunit pinigilan ko ito. Hindi ako nagshoplift at alam ko iyon sa sarili ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit napunta sa loob ng bag ko iyong foundation na yun eh!

Tumawa ang guard sa sinabi ko, samantalang ang manager naman ay sumeryoso.

Anong nakakatawa? totoo naman eh!

The manager sighed. "Miss, ganito nalang. Papuntahin mo nalang rito ang mga magulang mo at kami na ang bahalang magpaliwanag kung ano ang ginawa mo."

"Pero wala akong ginagawang masama!" Pagsabi ko ng totoo.

"Basta kailangan namin silang makausap bago ka namin hayaang umalis rito." Anang manager.

Alam ko na kahit anong pagtanggi ko ay hindi nila ako papaniwalaan, kaya kailangan ko ng ebidensya na magpapatunay na inosente ako.

Wala akong nagawa kundi sumunod sa sinabi ng manager. Gusto ko nang umuwi. Tinawagan ko ang number ni mommy, ngunit walang sumasagot. Ilang saglit pa at sinubukan ko namnag tawagan ang number ni daddy. Sandali lamang at may sumagot mula sa kabilang linya.

"Kielsey, anak! Napatawag ka?" Bungad ni dad mula sa kabilang linya.

Mukhang masaya siya, sayang naman, baka masira ko pa ang araw niya sa ibabalita ko.

He's usually very busy, ngayon lang niya sinagot agad ang tawag ko. Madalas kasi ay nasa business meetings siya kaya it's such a surprise that he picked the call swiftly.

"Dad, where are you?" I asked.

"Nasa resort ako, anak. Why?"

"Are you busy?"

"Not really. Kakatapos lang ng meeting namin kanina sa office. I'm actually unwinding myself right now. Do you wanna join?"

I paused for a while. "Dad, can you...umm...pick me up?"

He chuckled as if he's excited. "Sure, anak! Asan ka ba?"

I bit my lip because of nervousness. Ilang saglit bago ako tumugon.

"Nasa mall ako, dad. I'll send you the adress."




Halos kalahating oras ang hinintay ko bago makarating si dad sa kinaroroonan ko. I told him na hanapin ako sa shop ng mga cosmetics na ito. Mabuti at nahanap niya ang lugar na ito sa tulong ng mga bodyguards na dala niya.

"Kiel!" agad akong nilapitan ni dad at niyakap. Pinigilan ko ang pagtulo ng aking luha.

"Dad, the manager w-wants to speak with you..." bulong ko habang nakayakap sa aking ama.

Nilingon ni dad ang manager na parang nanigas sa kanyang kinatatayuan nang makita si daddy.

Kumalas ako sa yakap at tumabi kay dad.

"M-mister Romualdez? Anak niyo p-po?" nanginginig na tanong nito.

Dad nodded confidently. "Yes. My unica hija."

Pilit na ngumiti ang manager at hindi ito nakapagsalita.

"Ano bang kasalanan ng anak ko at narito siya ngayon?" Tanong ni dad sa manager. Seryoso na ang mukha niya ngayon.

The manager swallowed the bile on his throat before speaking. "Sir, nagtangka pong magshoplift ang anak ninyo." Medyo nag-aalinlangan nitong tugon.

Dad laughed sarcastically. Nilingon niya ako at tinitigan sa mata.

"Really?" dad hissed.

Kinakabahan namang lumingon sa akin ang manager.

"Ano naman ang kinuha ng anak ko?" tanong ni dad.

Ipinakita ng manager ang foundation stick na nakuha niya sa bag ko.

"Ito po, sir." Matapang na sabi ng manager.

Dad went serious for a while, then... "magkano ba ang bagay na iyan?" he asked.

Tiningnan naman ng manager ang price tag nito na nakadikit sa upper right side ng box ng foundation. "649.75, sir."

Nagtaas ng kilay si dad na para bang namamangha.

"Tumunog po ang alarm ng shop nang magtangka po siyang tumakas. Pinigilan siya ng security guard namin at nakita namin ito sa bag niya." Patuloy ng manager.

Dad crossed his arms and faced me. "Kielsey Anisha, one million ang allowance mo per month, and you're just going to shoplift 650? Did you forget to bring your cards or your cash?" He asked me in a sarcastic way at sinadya niyang iparinig iyon sa manager ng shop na pinagbibintangan ako.

Napalunok ang manager, halatang kinakabahan. Alam kong kilala niya kung sino ang kaharap niya ngayon. Sikat ang pamilya namin sa business industry. My family owns a chain of hotels and resorts all over Asia at ilang beses na din naipalabas sa TV or di kaya'y sa magazines ang ilan sa mga pictures namin.

Alam ni dad na hobby ko ang magshopping, at dahil only child ako, hinahayaan niya lang ako na magwaldas ng madaming pera. Wala naman siyang problema roon, at sa katunayan nga ay dinadagdagan pa niya ang allowance ko.

"Believe me, I didn't do such a thing, dad!" I defended.

Binigyan naman ako ni dad ng 'Don't worry, I believe you' look. Kahit papaano ay napagaan nun ang loob ko.

This time dad looked at the manager seriously.

"May CCTV cameras ba kayo rito?" he asked.

Tumango naman ang manager. "Meron po."

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon