"Emergency"
As usual, hinatid ako ni Zeke sa mansion namin noong gabing iyon.
The following days passed by so slow. Nababagot ako kakaantay sa kung ano man ang magiging resulta ng DNA Test.
Hindi bumibisita sa mansion si Zeke, ngunit hindi naman niya nakakaligtaang tawagan ako kahit ilang minuto lamang. Alam kong madami siyang ginagawa ngayon. He's busy with his work, but he still makes time to communicate with me.
Dumating ang araw na hinihintay naming lahat. Ngayon ang nakatakdang araw ng pagbalik ng mga Chavez rito sa mansion upang papirmahin kami sa kontrata. Buo na ang desisyon ko. Nakapili na ako kung kanino ako magpapakasal.
Saktong dumating ang pamilyar na kotse at tumigil ito sa tapat ng bulwagan ng mansion. Katulad ng inaasahan namin, bumaba mula roon sina tito Romeo at Rylan. Kasama nila ang kanilang abogado.
Nakabusangot ang mukha ni tito nang humarap siya sa amin. He seems to be in a bad mood. I wonder why...
"Tito," walang emosyon na sambit ko.
Pumasok sila ng walang pasabi. Agad silang humarap sa amin. Nasa tabi ko ngayon si mommy. Matalim ang titig nito kay tito Romeo.
"Kielsey, I bet you already know why we're here." Panimula ni tito Romeo.
Huminga ako ng malalim.
Magsasalita sana ako nang bigla akong unahan ni mommy. "Romeo, hayaan mo munang magpahinga ang isip ng anak ko. Kamamatay nga lang ng ama niya oh!"
Nilingon ko si mommy. "Mom, ayos lang po." Humarap ako kina tito Romeo. "Nakapagdesisyon na po ako."
Ngumiti si tito Romeo. "Bueno!" Nilingon niya ang kanilang abogado. "Give them the contract, attorney." Utos nito.
Nilingon ko si Rylan. Nakayuko siya ngayon habang nakatayo sa likuran ng kanyang ama. Hindi ko alam kung gusto ba niya itong nangyayari ngayon. But one thing is for sure, pareho kaming naiipit sa issue ng mga magulang namin.
Nilahad ng abogado ang kontrata sa harapan ko. Napatitig ako roon.
I sighed. Umiling ako. Mukhang naguluhan naman si tito Romeo sa naging reaksyon ko. Kumunot ang kanyang noo.
Tumikhim ako at nagsalita. "I'm sorry."
"What?!" Sigaw ni tito.
Dahil roon ay inangat ni Rylan ang kanyang mukha upang tumingin sa akin. Napansin ko ang pangingitim sa gilid ng kanyang labi.
Imbes na sagutin ko ang tanong ni tito ay binalingan ko si Rylan. "Rye, what happened to your face?"
Muli itong yumuko. Nilapitan ko si Rylan. Hindi ko pinansin ang kanyang ama.
Hinawakan ko ang pisngi ni Rylan at iniangat ko ang kanyang mukha upang makita ng mas maayos ang kanyang pasa.
"How did you get this?" Bulong ko sa kanya.
Marahan kong dinampihan ang kanyang pasa gamit ang aking hinlalaki. Napangiwi naman siya sa sakit.
"Oww..." he whispered.
Magsasalita pa sana ako nang bigla akong unahan ni tito Romeo. "Iyan ang napapala ng sumasalungat sa aking kagustuhan."
Napalingon ako kay tito. Nakaharap na siya ngayon sa amin ni Rylan.
Kumunot ang aking noo. Masama ko siyang tinitigan. "Anong ibig mong sabihin, tito?"
Ngumisi siya, iyong tipong nakakatakot. "Hindi ako makapaniwala na si Rylan mismo ang tututol sa kasal na alok ko! Ayan, tinuruan ko ng leksyon."
BINABASA MO ANG
Forget Me Not (Villanova Series #2)
General Fiction[COMPLETED] One year after staying abroad, Kielsey Anisha Romualdez decided to go back to the Philippines, the country where she grew up. With a heartbreaking experience, Kielsey motivated herself to improve, and as she stepped on the grounds of the...