Kabanata 39

1.8K 29 1
                                    

"Talk"

Hinatid ako ni Zeke pagkagaling namin ng ospital. Hindi niya ako kinausap sa buong biyahe.

Pagkarating ko sa mansion, wala sina mommy. Maging sa kanila ay hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang sitwasyon ko.

Posible kayang hinaluan ni Rylan ng gamot ang inumin ko kaya ganon na lamang kadali akong nawalan ng malay?

Lumapit ako sa isang kasambahay. "Manang, nasaan po sina mommy?" Tanong ko.

"Ahh, nasa Cavite po, Señorita." Tugon nito.

Malungkot akong tumango at nagpatuloy.


Sa mga sumunod na araw, nagpatuloy ako sa pagpasok sa aking trabaho. Madalas kaming nagkakasabay ni Zeke sa elevator, ngunit hindi na katulad ng dati. Hindi niya na ako pinapansin ngayon. Parang hindi na kami magkakilala.

Hindi ko inasahan na sa isang-iglap lamang ay magbabago ang lahat. Inaamin ko na may kasalanan rin ako. Pinabayaan ko ang sarili ko at nagtiwala ako ng masyado kay Rylan. Naisip ko nga, mali ba ang magtiwala? O mali ka lang ng taong pinagkatiwalaan?

Napahinga ako ng malalim. Kung ito ang kapalaran ko, tatanggapin ko ito kahit anong mangyari. Hindi ko ipapalaglag ang bata kahit na walang kasiguraduhan kung matatanggap ba ito ng mga taong nakapaligid sa akin. Kahit na hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin kay Rylan ang tungkol sa pagbubuntis ko sa magiging anak niya.


Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Kasalukuyan akong tumutulong sa pagdedecorate ng venue para sa charity event na idadaos ng kompanya bukas.

Marcus asked me few days ago na mag-isip ng paraan upang mabawasan ang taxes ng Villanova Firm. Naisipan kong magdonate nalang, nang sa ganon ay nakatulong pa sila.

I chose the Foundation of Youth with Disabilities or FYD to donate to. Para ito sa mga batang may kapansanan na nais mag-aral. Everything went fast though. Madali kong naplano ang lahat. Naayos na rin ang budget dahil si Emilianna Villanova, ang nanay nina Zeke mismo ang nagsponsor.

Nandito rin sa venue si Zeke at ilang mga investors. Gusto rin nilang tumulong dahil may ambag rin naman sila sa pera na idodonate bukas.

"Miss Kielsey, pakitulungan naman akong magbuhat nun oh." Sambit ng isang babaeng miyembro ng foundation, na tumutulong rin ngayon.

May tinuro siyang box na nasa labas pa lamang. Malapit ito sa kinatatayuan nina Zeke at ang mga kausap niyang investors.

"Sige," tugon ko.

Pinagpagan ko ang aking kamay, tyaka sumunod sa kanya. Naglakad kami patungo sa kinaroroonan ng box. Napansin ko naman ang biglaang pagbaling ni Zeke sa banda ko. Agad rin siyang nag-iwas nang mapansin niyang nakatingin rin ako sa kanya. Nagpatuloy siya sa pakikipag-usap.

"Naku! Medyo mabigat ito miss ha. Kaya mo ba?" Tanong niya.

Medyo kinabahan naman ako. Hindi kaya bawal sa akin ang pagbubuhat ng magbibigat na mga bagay?

Ngumiti ako ng marahan. "Ayos lang."

Tumango siya. She bent her knees and held the box. Gumaya rin ako sa kanya. Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng box at sinubukan kong iangat iyon.

Damn it!

"One, two, three—" napatigil ang babae nang biglang may magsalita.

Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses ni Zeke. "Ako na dyan. Saan niyo ba dadalhin?" Malamig na tanong niya.

Napatingin ako sa kanya.

Umayos ako ng tayo.

Seryoso siyang nakatingin sa babae ngayon, hindi sa akin. Pinagmasdan ko ang mala-anghel na itsura niya. Isang anghel na matapang kung tingnan. Isang anghel na kaya kang ipaglaban sa digmaan. Napatitig ako sa kanyang mata, na kumikislap sa ilalim ng araw. Napakaganda ng kulay ng mga ito. If my eyes were the color of the ocean, his eyes were the color of the land. Magkatugmang-magkatugma kami, kaso nga lang, magkatugma parin ba ang nararamdaman namin sa isa't-isa?

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon