Kabanata 35

2K 29 0
                                    

"Margarita"

Dali-dali akong pumasok sa loob. Naabutan ko si Rylan na pinagsisilbihan ng aming mga kasambahay.

Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at bumati.

"Rylan, what are you doing here?" Tanong ko.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Yumakap rin ako pabalik, ngunit agad rin akong kumalas.

"I came here to visit you." Ngiti niya.

Marahan rin akong ngumiti.

"Sinong kasama mo?" I asked.

Umiling siya. "Wala. Mag-isa akong pumunta rito." Sagot niya.

I slowly nodded.

He suddenly came up with an idea. "You...wanna go out? Kahit saglit lang. I really missed hanging out with you."

Total at wala naman na akong gagawin mamaya, at hindi na rin ako gaano inaantok, ay pumayag na rin ako.

Nagpaalam ako sa kanya na magbibihis lang ako. Hinayaan niya naman ako at matiyaga siyang naghintay sa akin sa sala.

Agad akong nagtungo sa aking kwarto. Nilapag ko ang mga gamit ko sa kama.

I quickly entered my closet. Pumili ako ng damit na pwede kong suotin.

Hindi ko pala alam kung saan kami pupunta.

Kumuha nalang ako ng white tulip skirt at tinernuhan iyon ng black na sweetheat, off-shoulder top. I grabbed a neat pair of black sandals. Hinayaan ko lang ang buhok ko dahil maganda na ang ayos nun.

Bago ako lumabas ng kwarto ay may naalala ako.

Binuksan ko ang phone ko at nagtungo sa 'Facebook'. Kaka-install ko lang nito bago ako umuwi ng Pilipinas noon para ma-message ang mga kaibigan ko.

I searched for 'Ezekiel Villanova'. Agad na lumabas ang iba't-ibang resulta. Karamihan roon ay picture ni Zeke, ngunit isa lang ang nakaagaw ng aking pansin. May isang profile ng 'Ezekiel Villanova' na ang display picture ay litrato ng isang sketch ng babae. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na ako ang babaeng naiguhit sa sketchpad. May bahid ng asul na kulay ang mata ng babae, katulad ng kulay ng mga mata ko. Gayang-gaya nito ang bawat feature ng aking mukha. Saglit akong natulala roon, hanggang sa mapansin ko na nag-friend request pala sa akin ang account na iyon.

I quickly accepted it. Pinindot ko ang 'messaging' icon sa gilid ng screen. Dinala ako nito sa panibagong app, ang 'Messenger'. I noticed na may nisend sa aking message ang account na iyon. I immediately clicked it, and found out that it was a video.

Just like what Zeke said, CCTV footage iyon. Agad kong ni-play ang video'ng sinend niya.

Napansin ko ang isang lalaki na nag-iikot sa hallway ng opisina, sa tapat mismo ng opisina ng mga executives. Alam ko iyon dahil nagpupunta na ako roon dati pa man. Ilang saglit pa ay may babaeng lumapit sa kanya. Mabilis ang mga pangyayari. Napatakip nalang ako sa aking bunganga nang sunggaban ng halik ng babae ang lalaki sa pasilyo. They were too drawn with the kisses at hindi nila namalayan na papasok na pala sila sa isang kwarto. Just as what I've thought, kwarto ni Zeke ang pinasukan nung dalawa. Naaalala ko parin ang itsura nung babaeng may kahalikan sa loob ng kwarto ni Zeke noong araw na iyon. Ganon rin ang itsura ng babae rito sa video.

Paano ko naman masasabi na hindi si Zeke iyong lalaki? Posible kayang si Lennart talaga iyon?

Naisipan kong i-stalk si Lennart Villanova sa Facebook. Minsan ko na siyang nakita noon, ngunit saglit lang.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon