Kabanata 12

2K 36 1
                                    

"Love"

Because of that back injury due to my fall, I stopped working as a housekeeper at our hotel for the meantime. Napadalas na rin ang pagdalaw ni Zeke sa mansion namin. Tuwing kasama ko siya ay pakiramdam ko'y bumibilis ang pagpatak ng oras.

There was one time where my dad caught him going to my room. Alam kong wala naman kaming ginagawa tuwing magkasama kami, pero dad was strict. Nag-utos pa talaga siya ng kasambahay upang bantayan kami.

"Dad, it's not like may gagawin kaming masama." I hissed.

Umiling si dad.

Nakaupo ako sa kama at nakatayo naman si Zeke sa tabi ko.

Hindi siya sumasabat sa usapan namin pero alam kong nakikinig siya.

Nagtaas ng kilay si daddy. Humarap siya kay Zeke.

"Hijo, hindi dahil anak ka ng matalik kong kaibigan ay hahayaan na kitang masolo ang pinakamamahal kong anak sa iisang kwarto. I hope you understand. I'm just doing my duties as a father." Saad ni dad na ikinagulat ko.

He sounded so sincere.

Natahimik ako.

Sinenyasan na ni dad na pumasok ang kasambahay. Tumayo ito sa sulok ng kwarto upang magbantay.

Linapitan ni daddy si Zeke at tinapik ito sa balikat. "Maiintindihan mo rin ito balang araw, kapag nagkaroon ka na ng anak."

Pagkatapos nun ay iniwan na kami ni daddy sa kwarto.

Napabuntong-hininga nalang kaming pareho. Hindi kami kumportable na pinapanood kami ngayon ng isang kasambahay. It seems awkward for the maid to just stand there and watch us. Mukhang nahihiya rin siya.

Natawa nalang ako.

"What's so funny?" tanong ni Kiel, sabay upo sa tabi ko.

Umusog ako ng konti sa kama upang bigyan siya ng space.

Umiling-iling ako. "I can't believe my dad."

Ngumisi siya. "I actually appreciate your dad for being overprotective."

"You do?"

He nodded. "My dad's not like that, pero naiintindihan ko naman kasi puro lalaki kaming magkakapatid."

Ngumiti ako. "I'd like to meet your family."

He smiled back. Inayos niya ang hibla ng buhok ko sa aking tainga.

"Balang araw, ipapakilala rin kita sa kanila."

Saglit kaming nagkatinginan sa mata ng isa't-isa. Unti-unting lumalapit ang kanyang kamay sa aking kamay, hanggang sa magkahawak na ang mga ito.

Pasimple ko namang sinulyapan ang kasambahay na nakatayo sa sulok.

Palihim itong ngumingisi.

Tss...Kinikilig ang bruha.

Binalingan ko ulit si Zeke.

"Speaking of your family, may mga pinsan ka rin ba?" tanong ko.

Tumango siya.

"Well, may apat akong mga pinsan. My dad actually has two younger siblings: tita Lily and tito Onel." Panimula niya.

Tumikhim siya bago nagpatuloy. "Tita Lily has a daughter: Ellasandra. While Tito Onel has three children: Kuya Ashton, Lincoln and Alisha."

"So Villanova kayong lahat except Ellasandra?" I asked.

Umiling siya. "Actually, Ella's parents were never married. Dinala niya ang apilyedo ni tita Lily sa pagkadalaga, which is Villanova."

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon