"Escaped"
Dad's very wise. He demanded to replay what happened earlier through the CCTV cameras. Napatunayan na hindi talaga ako nagshoplift. Aksidente ang nangyari.
Habang nirereplay ang footage ay pinagmasdan ko ito ng maayos. Nandito parin kami sa office at pinapalibutan kami ng apat na bodyguards na dala ni daddy. Kinakabahan naman ang manager na nagrereplay ngayon sa footage at sumusunod nalang sa utos ni dad.
"Ayun siya." Tinuro ng manager ang imahe ko sa screen na nagsasalamin at nagtetest ng isang lipstick.
Ang sumunod na nangyari ay natabig ng handbag ko ang isang box ng foundation stick nang humakbang ako palikod, ngunit imbes na mahulog sa sahig ay nashoot pa ito sa bag ko. Hayyyy...kung minamalas nga naman!
Open kasi ang design ng bag ko. Wala itong zipper kaya diretso ang anumang gamit sa loob. Also, the box was slim, iyong tipong kasyang-kasya sa bag ko.
Nang umalis kami sa shop ay nakatingin sa akin ang lahat ng tao. Ang iba'y nagbubulung-bulongan pa. Siguro'y iniisip parin nila na nagtangka talaga akong magshoplift. Hindi ko naman mai-eexplain sa kanila agad na aksidente lang iyong nangyaring paghulog ng foundation sa loob ng bag ko.
Yumuko nalang ako habang naglalakad dahil sa kahihiyan.
Pagdating sa parking lot ay agad na pinatunog ng driver ang sasakyan namin. Sumakay ako sa backseat, katabi si dad, samantalang ang driver at isang bodyguard naman ang nasa harap.
Wala akong imik hanggang sa makarating kami sa bahay. Hindi rin ako kinausap ni dad. Ni hindi ko alam kung galit ba siya or disappointed dahil sa akin.
Pagpasok sa mansion namin ay sinalubong ako ng naiiritang itsura ni mommy. I knew it. Nabalitaan niya ang kahihiyang natamo ko kanina sa mall na iyon. I swear, hinding-hindi na ako babalik pa roon!
"What in the world were you thinking, Kielsey Anisha?!" Bungad ni mommy sa akin.
Agad namang sumunod si dad sa akin.
Tumigil ako upang harapin si mommy. "Mom, wala akong kasalanan. It was just an accident."
"Anita! Hayaan mo munang magpahinga ang anak mo. Pagod na siya." Pigil ni dad kay mom nang akmang magsasalita pa sana ito.
"Kaya hindi nagtatanda iyang anak mo eh! Palagi mo nalang kinukunsinti!" Mom ranted.
Bago pa ako magsalita ay may kasambahay na lumapit sa akin.
"Miss Kielsey, saan po ito ilalagay?" tanong niya sabay turo sa bitbit niyang paperbag ng pinamili ko kanina lamang sa mall bago pa ako mapagbintangang nagshoplift.
"Sa closet ko nalang. Thanks!" I whispered.
Pagbaling ko kay mom ay nakasimangot siya at nakataas ang isang kilay. "I'll speak with you tomorrow."
Iyon lamang ang sinabi ni mom at umalis na sila ni dad sa harapan ko.
I proceeded to my room. Pagpasok ko palang ay agad na tumulo ang aking luha. Kanina ko pa ito pinipigilan at ngayon ko lang mailalabas ang sakit ng loob ko. Mom is always like that. Ni hindi niya pinapakinggan ang side ko. She never gives me a chance to explain, kaya sa tingin niya ay laging ako ang mali.
Dahil sa pagod ay nakatulog ako.
Nagising nalang ako nang marinig ko ang pagtunog ng aking phone.
Someone's calling...
Kinuha ko ang phone ko mula sa bedside table at agad na sinagot ang tawag.
"Hello?" bungad ko sa kung sino man ang nasa kabilang linya.
"Kielsey! Asan ka na? nandito na kami sa may nightclub!" dinig kong tugon ni Debbie sa kabilang linya.
"What time is it?" I exhaustedly asked.
"9 PM," Deb answered. "Dali! Ikaw nalang ang hinihintay namin."
Naalala ko na birthday nga pala ng boyfriend niya na si Aedan, at magcecelebrate siya ngayon sa isang nightclub sa BGC. I promised them I'll be there.
Dali-dali akong nagbihis ng formal dress. I didn't mind taking a shower. Nilingon ko ang coffee table sa kwarto ko at napansin na may tray ng pagkain roon. Hmm...siguro pinadalhan nalang nila ako ng pagkain rito para hindi na ako bumaba pa sa dining area.
Sumubo lang ako ng isang beses sa kanin at ulam nanaroon, tyaka umalis.
Agad akong bumaba sa may garahe. Nakapatay ang mga ilaw sa napakalawak na garahe namin. Agad kong hinanap ang switch at nang i-on ko ang mga ilaw ay sunod-sunod na nailawan ang mga nakahilerang sports cars at luxury cars na kinokolekta ni dad.
Dad loves collecting cars ever since, kaya naman parang may Car Show sa garahe namin.
My car's located at the distant end of the garage. Rumampa ako patungo sa kabilang dulo ng garahe.
Pinatunog ko ang aking Mercedes Benz. Hindi ito masyadong nagagamit dahil madalas akong magpahatid sa driver tuwing may pupuntahan ako. My car's only used kapag ako lang mag-isa.
Natuto akong magmaneho when I was 14, ngunit dahil ayaw akong payagan magmaneho mag-isa ni mommy ay hindi ko masyadong nagagamit ang driving skills ko.
Pinaandar ko ang kotse. Mabuti talang talaga at may monthly check-ups ang mga kotse namin upang masigurado na gumagana parin.
The engine of my car's really smooth kaya naman madali akong nakatakas ng hindi namamalayan ng sino man sa mansion.
Madali akong nakalabas ng gate dahil wala ang security guard namin na nagbabantay. Kahit pa nakatira kami sa isang village ay sinisigurado parin ni dad na mahigpit ang bantay ng pamilya namin.
Ngumiti ako dahil ito ang kauna-unahang beses na nakatakas ako ng hindi namamalayan. Finally, I escaped!
Palagay ko ay tulog na sina mom at dad, dahil pagod sila sa work. Ganon rin ang mga kasambahay namin.
Nakalabas na ako ng village. Kinabahan pa ako nang dumaan ako sa gate dahil may mga bantay na guwardiya, mabuti at hindi pamilyar sa kanala ang kotseng dala ko dahil bihira itong ilabas mula sa garahe.
Pinaliko ko ang aking kotse sa daan sa kaliwa upang mas mabilis akong makarating sa aking destinasyon.
Agad akong nagsisi dahil napakadilim pala ng daanan rito. Mabuti nalang at konti lang ang mga kotseng dumadaan kaya walang traffic.
Nakalayo na ako ng ilang kilometro. Tahimik lang akong nagmamaneho nang biglang may napakalakas na tunog ng pagbusina ang umalingawngaw sa kapaligiran.
Dahil sa aking pagkataranta ay agad kong niliko sa gilid ng kalsada ang aking kotse.
Lumundag ang puso ko nang may malakas na impact na sumalubong sa akin, at kasabay nun ang pagsabog ng isang puting bagay sa tapat ko, na bumalot sa aking katawan. Napatigil sa pag-andar ang aking kotse. Nakabukas ang headlights na naaaninag ko sa gilid ng aking mga mata. May naririnig akong mga pagbusina ng ibang sasakyan sa paligid.
Masakit ang aking paa na parang nadaganan ng mabigat na bagay. Ang huli kong naaalala ay ang tunog ng siren, bago ako tuluyang mawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not (Villanova Series #2)
General Fiction[COMPLETED] One year after staying abroad, Kielsey Anisha Romualdez decided to go back to the Philippines, the country where she grew up. With a heartbreaking experience, Kielsey motivated herself to improve, and as she stepped on the grounds of the...