Kabanata 16

1.9K 39 2
                                    

"Girlfriend"

Kinagabihan ay naiwan kaming magkakaibigan sa tabing-dagat. Gumawa kami ng isang bonfire at pinalibutan namin iyon.

Magkatabi kami ni Debbie. Kasama namin ang ilan sa aming mga kaibigan.

Nasa kabilang dulo si Zeke, kasama sina Aedan at ang iba pang mga lalaki.

"Guys, truth or dare tayo!" Sigaw ni Kael, kaibigan namin.

"Game!" everyone chanted.

Wala akong nagawa kundi sumabay nalang.

"Ganito, isa-isa tayong tatanongin. Magsisimula kay Debbie."

"Bakit ako?" ani Debbie na itinuro pa ang kanyang sarili.

"Sige na, Deb! Huwag KJ!" sigaw ng isa naming kasama na si Lena.

"Okay! Dare!" Deb exclaimed.

Nagtawanan ang lahat.

"Kiss Aedan!" Sigaw ng isa naming kasama.

"Wooooh!" nagsigawan ang lahat nang lapitan ni Debbie si Aedan at siniil ito ng halik.

Wala lang iyon kay Deb dahil Boyfriend naman na nito si Aedan.

Nang makabalik sa upuan nito si Debbie...

"Okay, next. Kielsey!" ani Kael.

I chuckled. "Truth."

Ayaw kong ma-dare, baka kung ano pa ang ipagawa nila sa akin.

"Mahal mo parin ba si James?" si Kael na ang nagtanong.

"Ayieeeee!" sigaw ng lahat.

Biglang lumundag ang puso ko nang nakita ko ang medyo naiiritang mukha ni Zeke.

Sh*t! narinig niya!

Umiling ako. "N-no!"

Alam ng mga kaibigan ko na nagkaroon kami ng mutual understanding ni James noong 14 years old ako. He was 17 back then. Nagtagal rin kami ng 6 months, but now it's over. Narealize ko na infatuation lang pala yun.

"Are you sure?" tanong ni Lena.

"Yes! I'm definitely over it." I answered.

Nagkibit-balikat nalang sila at nagpatuloy.

Nang makarating kay Lena ang tanong, she chose Dare.

Agad na nagsalita ang kaibigan nitong si Glyza. "We dare you to kiss Ezekiel!"

Namula naman ang pisngi ni Lena sa sinabi ni Glyza.

"S-sa lips ba?" tanong nito.

Naghiyawan ang lahat.

Siniko ako ni Deb.

Nilingon ko siya.

"Tumutol ka, dali." Bulong nito.

I stood up. Napatingin ang lahat sa akin.

"Kiel, saan ka pupunta?" tanong ni Kael.

"Uhh...I need to go to the CR." Palusot ko.

Sinulyapan ko si Deb. She gave me the disappointed look. Napa-iling siya.

Patuloy akong naglakad palayo sa kanila.

Narinig ko ang malakas na hiyawan nila kaya napalingon ako. Nahuli ko si Zeke at Lena na magkahalikan.

Pumatak ang luha sa aking pisngi. Hinayaan ko nalang sila. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon