Kabanata 43

2K 35 0
                                    

"Test"

"Hindi ako sigurado sa buong pangalan niya, pero narinig kitang tawagin mo siya sa pangalan na Zeke."

Daang-daang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking sistema nang marinig ang huling sinabi ni Rylan. Umalingawngaw sa aking isip ang pangalan ni Zeke.

Zeke...

Zeke.

"S-sigurado ka ba?" Hindi-makapaniwalang tanong ko.

Tumango si Rylan. "Oo, siya ang huling nakita ko na kasama mo noong gabing iyon. Hindi ko yun makakalimutan dahil sobrang kinabahan ako noon!" Tumawa siya. "Akala ko nabiktima ka na ng sindikato. Nako! Patay ako sa magulang mo kung sakali. Ako ang nag-aya sa'yong lumabas eh."

Hindi parin ako makapaniwala. Si Zeke ang kasama ko noong gabing iyon. Ibig sabihin...

Siya ang ama ng dinadala ko, at hindi si Rylan?

Muli kong hinarap si Rylan. "Sigurado ka bang hindi ka gumising sa kwarto ng isang hotel noon na—na kulay beige ang pader?!"

Umiling siya. "Hindi. Nakauwi nga ako sa condo ko noong gabing iyon eh. Imposibleng nakapaghotel pa ako."

Napatakip nalang ako sa aking bibig. Kung si Zeke nga talaga ang kasama ko noong gabing iyon, kailangan ko siyang makausap!

Pero teka...

May isang bagay na bumabagabag sa akin.

"Rylan," sambit ko.

Sumulyap naman si Rylan sa akin. "Bakit?"

Nanginginig ang labi at tuhod ko. "B-bakit mo nga pala nilagyan ng gamot iyong inumin ko noong gabing iyon?"

Agad siyang nag-iwas ng tingin. Hindi siya agad nakaimik.

"Rylan," ulit ko.

Tumikhim siya. "I'm sorry, Kielsey. Hindi ko rin alam kung ano ang naisip ko noong mga panahong iyon. I wanted you so badly that time. Isang bagay lang ang naiisip ko noon and that is to..." he paused. Napalunok siya. Kitang-kita ko ang paggalaw ng adam's apple niya.

"To spend the night with you alone." He continued.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya ngayon na umamin na siya mismo sa akin na may hinalo nga siya sa inumin ko. Mas iniisip ko parin ang tungkol sa una niyang sinabi. Tungkol kay Zeke...

Saglit kaming binalot ng katahimikan. Hindi siya nagtangkang magsalita kaya inunahan ko na siya.

I broke the silence. "Rylan,"

Napalingon siya sa akin. Malungkot at parang nagi-guilty ang kanyang itsura.

Tinapik ko siya. "I forgive you. Kasalanan ko rin naman kung ano ang nangyayari sa akin ngayon."

Kung hindi siguro ako nagpakalasing noong gabing iyon, wala sana akong pinoproblemang ganito.

Ilang saglit pa ay may naisip ako. Nilingon ko si Rylan.

"Rylan, may pupuntahan ka pa ba mamaya?" Tanong ko.

Umiling siya. "Wala naman. Uuwi na ako agad sa condo ko. Bakit?"

Nagdadalawang-isip pa ako sa sasabihin ko, ngunit...

"P-pwede mo ba akong samahan sa pupuntahan ko?" Tanong ko.


"Sigurado ka bang nandoon siya?" Tanong ni Rylan sa akin.

Kasalukuyan siyang nagmamaneho. Kaninang sinabi ko na kailangan kong mapuntahan si Zeke, agad siyang nagboluntaryo na dalhin ako sa kanya.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon