"Endearment"
"Sabay na tayo." Aya niya.
Umiling ako. "Ayos lang ako."
Tinalikuran ko siya. Naglakad ako patungo sa elevator.
Bumukas iyon at tumambad sa akin ang walang laman na elevator. Pumasok ako roon at pinindot ang floor na aking pupuntahan. Buong akala ko ay hindi siya susunod sa akin, ngunit nagulat ako nang isinilid niya ang kanyang katawan sa loob ng elevator, bago tuluyang magsara ang pinto nito.
Umusog ako sa gilid upang magkaroon ng distansya sa pagitan namin. Yumuko lang ako roon at nanatiling tahimik.
Binasag niya ang katahimikan nang bigla siyang magsalita. "About the proof I was talking about..."
Nilingon ko siya.
Nakatitig lang siya sa pinto, ngunit sigurado ako na ako ang kausap niya.
Hindi ako umimik.
"I sent it to you about a year ago." Saad niya na ikinagulat ko.
This time, he glanced at me. "Y-you did?"
Tumango siya. "Yes. It's a video— No, a footage, actually. Kaso..."
"Kaso?"
"You blocked me on social media." Patuloy niya.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. Ano bang inaasahan niya?
"I tried sending it to your email, but you probably didn't notice." He continued.
Napaisip ako.
Hindi ko naman talaga masyadong ginagamit ang social media accounts ko. Hindi ko rin pinapansin ang emails na natatanggap ko.
"Para saan pa ang video na iyon?" Kunot-noong tanong ko.
"Proof that I'm innocent." Ngisi niya.
Napairap nalang ako.
Bumukas ang pinto ng elevator, hudyat na nasa ground floor na kami. Lumabas na ako roon ng hindi siya nililingon.
Nagulat ako nang sundan niya ako.
"Kiesha, hindi ka ba naniniwala sa akin?" Tanong niya habang nakasunod sa akin.
Napapatingin tuloy sa amin ang mga ibang empleyado na nasasalubong namin.
"Will you please stop following me?" I spatted.
Patuloy ako sa paglalakad, at ganon rin siya. He kept following me hanggang sa makarating kami sa labas ng building.
Nagkunwari akong tumitingin sa paligid at hinahanap ang sasakyan ko.
Shit! I forgot to text my driver.
Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang phone ko roon. Busy ako sa pagkalkal ng aking bag nang marinig kong magsalita ulit siya.
Nandito parin siya?
"May susundo ba sayo o wala?" Tanong niya.
"Meron."
Nanatili ako sa paghahanap hanggang sa mahagilap ko ang aking phone.
Kinuha ko iyon at hinanap sa contacts ang pangalan ng aking driver.
Ringing...
Agad na sinagot ng driver ang tawag.
"Hello, manong? Pakisundo nalang po ako rito sa Villanova Firm. Maghihintay po ako sa lobby." Panimula ko.
"Nako, Ma'am. Pasensya na po. Uuwi po kasi ako ngayon sa amin. Biglaan po eh." Tugon nito mula sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Forget Me Not (Villanova Series #2)
Narrativa generale[COMPLETED] One year after staying abroad, Kielsey Anisha Romualdez decided to go back to the Philippines, the country where she grew up. With a heartbreaking experience, Kielsey motivated herself to improve, and as she stepped on the grounds of the...