Kabanata 8

2.4K 42 3
                                    

"Reveal"

Lumipas ang ilang araw at nanatili kaming malapit ni Zeke sa isa't-isa. Ever since that night on the beach, Zeke na ang tawag ko sa kanya. He calls me Kiesha and I have nothing against it.

Isang linggo na ang nakalilipas, ibig sabihin ay apat na araw nalang siyang magi-stay rito sa hotel.

Simula nang maging malapit kami ni Zeke ay ginaganahan na ako sa pagtatrabaho. Sa katunayan nga ay nagvovolunteer pa ako na ako ang maglinis sa kwarto niya tuwing nagrerequest siya ng housekeeping service. Madalas kong maabutan si Zeke na nagbibihis tuwing naglilinis ako.

"Mamayang gabi ulit?" tanong ni Zeke bago siya lumabas ng room.

Ngumiti ako. "Of course."

Hindi ko alam kung bakit, pero unti-unting bumubuti ang pakikitungo ko sa kanya. Nawawala na rin ang pagtataray ko sa kanya.

Nagpaalam na siya sa akin.

Hinintay ko muna na medyo makalayo siya, pagkatapos ay lumundag ako sa kama at tumili habang nakatakip sa aking mukha ang unan niya.

Sininghot ko ang unan at naamoy ko ang panlalaking pabango niya.

I sighed.

"Ano ba 'tong nararamdaman ko sayo, Zeke?" bulong ko sa sarili.


Pagkatapos kong linisin ang kwarto niya ay agad akong dumiretso sa quarters.

"Kielsey, pakilinis nga yung conference room. May meeting daw sina sir Kaleb mamaya." Utos ni Myrna.

"Okay po." Nakangiting sagot ko.

Tinulak ko ang cart na naglalaman ng mga gamit panlinis patungo sa elevator. Sa second floor ang conference room.

Biglang sumulpot si Nancy sa loob ng elevator. Isa siyang housekeeper na ilang taon lang ang agwat sa akin. Siya ang susunod sa akin na pinakabata rito, at siya rin ang pinakamalapit sa akin.

"Mukhang kanina ka pa ngiti ng ngiti ah." Kutya nito.

Pinindot ko ang number 2 bago sumagot. "Syempre, dapat lagi tayong masaya."

Siniko niya ako. "Naks! May inspiration ah."

Hindi ko siya sinagot, sa halip ay inirapan ko siya.

"Sus! Kielsey, obvious naman na may gusto ka sa guest ni Sir Kaleb." Asar nito.

Nagulat ako.

"A-anong--" she cut me off.

"Yung bunsong Villanova, ano? Nanliligaw na ba sayo yun?" patuloy niya.

Bago ko pa masagot ay bumukas na ang pinto ng elevator. Nasa second floor na kami.

"Ano ba? Hindi nga. Magkaibigan lang kami nun." I defended.

Mukhang hindi siya makapaniwala. "Magkaibigan nga ba o magka-ibigan?"

Naglakad kami patungo sa conference room, na nasa dulo ng hallway.

"Magkaibigan...as in friends lang." I emphasized the word friends.

"Sure na ba yun? Hindi ba kayo maglelevel up?" tanong niya.

Napaisip ako.

May chance ba?

Paano naman kung...

"Hoy, bakit bigla ka atang natahimik?" si Nancy.

Napatingin ako sa kanya.

"Tingin mo, may gusto siya sakin?" wala sa sarili kong natanong.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon