Kabanata 25

2.1K 29 0
                                    

"Favorite"

Umuwi kami ni Rylan sa Espanya na walang umiimik. Matapos niyang sabihin na may gusto siya sa akin ay parang may nakabara na sa lalamunan ko kaya hindi ko siya magawang kausapin, ganon rin siya sa akin.

Kinabukasan ay wala si Tito Romeo kaya tatlo lang kami nina Rylan at Rosie na nagsalu-salo sa umagahan.

Walang ni isang umiimik sa amin. Siguro'y nagkakahiyaan lang kami. Madalas kasi ay si tito lang ang nagsasalita dito sa hapag, ngunit ngayon at wala siya ay parang may dumaan na anghel sa sobrang katahimikan.

"The driver will pick you up at 8." Pagbasag ni Rosie sa katahimikan.

Magkasabay kami ni Rylan na papasok ngayon dahil pareho lang naman kami ng pinag-aaralan.

Rosie has graduated already, and she's currently training at their company. Balita ko ay malapit na rin itong ikasal sa isang sikat na British hotelier.

"Donde esta papa?" Singit ni Rylan.

Sa pagkakaintindi ko ay hinahanap niya ang ama nila.

"Barcelona." Tugon ng nakatatandang kapatid.

Matapos ang umagahan ay hinintay namin ang driver sa labas.

Nakayuko ako habang nilalaro ang isang batong nakakalat, gamit ang aking paa, nang biglang sumulpot si Rylan mula sa aking likuran.

"Are you...mad at me?" Biglang tanong nito.

Nasipa ko tuloy ang bato dahil sa pagkagulat. Hinarap ko siya.

Umiling ako. "Hindi! Bakit mo naman naisip na magagalit ako sayo?" Pinilit kong matawa.

Ngumiti siya ng mapait. "Kahapon mo pa kasi ako hindi pinapansin eh."

Nginitian ko siya. "It's okay. Nabigla lang talaga ako kahapon, pero hindi naman ako galit sayo."

He chuckled in glee. "Talaga? Ibig sabihin—"

Napatigil siya nang bumusina ang kotse at tumigil sa tapat namin.

Pinagbuksan kami ng driver ng pinto. Umupo ako sa likod at sinundan naman ako ni Rylan. He didn't continue what he was about to say, that's why I remained curious.


Tumigil ang kotse sa tapat ng gate ng unibersidad. Naunang bumaba si Rylan at naglahad siya ng kamay para sa akin. Kinuha ko naman iyon at bumaba na ako ng kotse.

Sabay kaming naglakad ni Rylan papasok sa campus. Hinawakan niya ang baywang ko habang naglalakad kami.

Madami siyang kakilala roon at madami siyang binabati, ngunit nanatili ang kanyang kamay sa akin at hindi niya ako binitawan. Medyo naiilang ako sa hawak niya ngunit hindi na ako umalma.

Naghiwalay lang kami nang maihatid na niya ako sa classroom ko. Magkabatch man kami ay hindi naman kami pareho ng course, kaya hindi kami magkapareho ng building na pinapasukan.

Humanap ako ng upuan na malapit sa bintana. Sa loob ng classroom ay hindi ako kumportable. Maingay roon dahil halos lahat ng kaklase ko ay may kausap. Ako lamang ang wala.

Nanatili akong tahimik sa aking upuan. Nilalaro ko lamang ang ballpen ko habang pinagmamasdan ang labas ng bintana. Biglang may nagsalita sa harapan.

"Buenos Dias, estudiantes!" Bati ng isang babae na medyo may edad na rin. Palagay ko ay siya ang magiging propesor namin.

Bumati rin ang buong klase.

Nagpakilala ang propesor, pagkatapos ay nagsimula na siya sa kanyang discussion.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon