Kabanata 3

3.5K 60 1
                                    

"Grounded"

Paggising ko ay bumungad sa akin ang puting kisame na hindi pamilyar. Nakahiga ako sa isang medyo matigas na kama. Kumikirot ang aking ulo at katawan.

Sa gilid ko ay naririnig ko ang boses ni dad na may kausap na babae.

"Wala naman pong severe injuries na natamo ang pasyente, Mr. Romualdez. Iyon lamang pong sugat sa kanyang noo at konting galos sa braso at binti, na maghihilom rin after 2-3 weeks." Boses ng babae ang aking narinig.

"Thank you. Kailan siya madidischarge?" si dad.

"Pag nagising na po siya, maaari niyo na po siyang iuwi." Tugon ng babae.

Sa pag-uusap nilang iyon ay nakutuban ko na kung nasaan ako ngayon...

I'm at a hospital.

"Dad?" bulong ko at pinilit kong bumangon.

Agad namang lumapit at umalalay sa akin si daddy.

"Shh...are you okay? May masakit ba, anak? Tell me." Bakas sa tono niya ang pag-aalala.

Nahihilo ako nang maupo ako sa kama.

"What happened?" I asked.

Napahinga ng malalim si dad bago sagutin ang sagot ko.

"Kiel, you got into an accident--" Hindi pa niya natatapos ang kanyang sasabihin ay agad ko siyang pinutol.

"What?!" I gasped.

Biglang bumalik sa akin ang mga ala-ala ng nangyari bago ako mapunta rito.

Binalot ng makapal na usok ang paligid ko. Hindi ko maigalaw ang aking paa dahil parang may mabigat na nakapatong rito. Naririnig ko ang mga sigaw sa aking paligid. Nanlalabo na ang aking paningin. Huli kong narinig ang tunog ng siren, na hindi ko alam kung saan nagmula.

Iyon ang huli kong ala-ala sa pangyayari kanina.

"What happened to my car?" I asked him.

He sighed. Umiling siya na para bang sinasabi na 'wala na'.

Sh*t! That car was worth 5 months of my allowance, at mawawala lang ng isang iglap?

"Don't worry about your car, Kiel. I can replace it with a new one. Tatlong taon na rin iyong nasa iyo." Wika ni dad.

Hindi naman ako nanghihinayang sa presyo ng sasakyan. It's just that, it was my first car. Naalala ko noong una ko iyong nasilayan. 14 years old palang ako noon.

Pumatak ang luha sa aking kaliwang mata. Agad ko iyong pinunasan.

"May sentimental value sa akin yun, dad." Pumiyok ang boses ko.

Marahang ngumiti si dad.  "I know, pero wala na tayong magagawa. Winasak ng puno na nabangga mo ang harap ng kotse. The windshield was also broken. I'm surprised na galos lang ang natamo mo sa lakas ng impact eh."

What?

"The airbag saved you, Kiel." Patuloy pa niya.

Napahinga ako ng malalim. Sinapo ko ang aking noo at napansin na may bandage iyon.

"Malaki ba ang sugat sa noo ko, dad?" I asked.

Umiling siya. "It will be fine soon, but it'll surely leave a scar."

Magsasalita pa sana ako, ngunit biglang may sumulpot sa kwartong kinaroroonan ko.

Biglang pumasok si Debbie na namumugto ang mga mata. Maitim na ang ilalim ng kanyang mata, dulot ng eyeliner at mascara niya na nabura ng luha.

"Kielsey! I'm glad you're awake now." Sambit niya nang lumapit siya sa akin.

Nag-aalanganin siyang yumakap sakin.

"Ayos lang po ba?" Nagpaalam muna siya kay dad.

Tumango lang si dad. Wala naman akong sugat sa katawan o ano kaya ayos lang.

Mahigpit akong niyakap ni Debbie. "I'm sorry."

"Shh...you don't have to apologize." I hugged her back.

Sandali lang siya sa hospital. Agad din silang umalis ng boyfriend niyang si Aedan dahil baka hanapin daw sila ng kanilang mga magulang. Katulad ko ay tumakas lang din siya sa kanilang tahanan.




"Tell me, yung kaibigan mo ba na iyon ang nag-udyok sayong tumakas sa mansion ng ganoong oras?" sumeryoso ang mukha ni dad.

Nasa loob na kami ng SUV na dala niya. As usual, magkatabi kami sa backseat at iyong driver at isang bodyguard sa harap.

"No, dad. Walang kasalanan si Debbie rito. It was my decision." I defended.

Bumuntong hininga si daddy. "Kung gano'n, bakit siya humihingi ng tawad sayo kanina?"

I sighed. "Look, I just wanted to attend a party, dad--"

He cut me off. "In the middle of the night?!"

Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ni dad. Hindi ako agad naka-imik.

"Dad--"

Hindi niya ako hinayaang magpatuloy, sa halip ay sinermonan niya pa ako.

"Kailan ka ba matututo, Kielsey? Hindi dahil hindi kami mahigpit sa iyo ay palagi mo na kaming susuwayin ng mommy mo." He continued.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Hindi ako sanay na sinisigawan ako ni dad ng ganito.

I'm really soft-hearted. Mababaw lang ang luha ko.

"Alam mo ba kung gaano ako kinabahan kaninang ibinalita sa akin na may naaksidente at nasangkot roon ang kaisa-isa kong anak?" Tumigil siya at may pinunasan sa kanyang pisngi.

Pakiramdam ko ay umiiyak na din siya.

Nasasaktan akong makita na umiiyak ang pinakamamahal kong ama ng dahil sa akin.

"Kanina..." lumunok siya bago nagpatuloy. "Naghihinagpis ang mommy mo sa sobrang pag-aalala. She collapsed, kaya hindi ko na siya sinama nang pinuntahan kita sa hospital."

Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi bago magsalita. "H-how did you know na naaksidente ako kanina?"

Mabigat na paghinga ang pinakawalan ni dad bago sagutin ang tanong ko. "Ibinalita ng guard na nagbabantay sa gate ng village, dahil napansin niya na pareho iyong kotseng lumabas mula sa village ng alas-nuebe ng gabi at iyong kotse na nasangkot sa aksidente, ilang kilometro lang ang layo sa may village."

Naalala ko na dumaan nga pala ako sa may gate ng village bago naganap ang insidente at napansin ko na sinuri ng mata ng mga guwardiya ang kotse ko. Siguro'y dahil hindi iyon pamilyar sa kanila.


Pagkarating namin sa bahay ay bumungad sa akin si mommy na inaalalayan ng mga kasambahay. Nanghihina siyang tumingin sa akin.

Hindi na siya hinayaang magsalita pa ni dad. He quickly grabbed mom's waist and escorted her, ngunit bago pa sila umakyat...

"Kielsey, you're grounded." Dad announced.

Forget Me Not (Villanova Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon